Blood 26 - Weird ?

31.4K 614 8
                                    

Joseph's P.O.V.


Sawakas , nakarating na rin kami sa Puerto Galera. Nakakahilo pala sumakay sa Roro. Dumiretso kami kaagad sa hotel at nagbihis na nang swimming trunks . Pagkatapos magbihis,pumunta na ako sa beach . 


Kung saan-saan na ako tumingin pero hindi ko mahanap si Ysa . Maya-maya pa nakita ko na siya, kasama niya si Emi . Simple lang ang suot niya , brown short and polka dots bra . Lalapitan ko na sana siya nang biglang lumapit sa'kin si Alice at niyaya akong maligo sa beach kasama niya. Nakasuot siya nang T-back paired with red bra . Sexy si Alice, pero mas sexy pa 'rin si Ysa .


'' Ano ba Alice ,bitawan mo ako . ''  sabi ko sa kanya .

'' Sige na Joseph,please ? . '' pa-cute niyang sinabi sa'kin .

'' Ayoko. '' sabi ko at umalis na.Lalapitan ko na sana si Ysa nang napansin kong wala na siya . Shit. Maglalakad na nga lang ako sa beach, sabi ko sa utak ko .


Maya-maya din, napansin kong may presence na sumusunod sa'kin . Lumingon ako. Si Troy ang sumusunod sa'kin .


'' Bastard! What are you doing here ? '' sabi ko at tinulak siya .

'' Chill bro.Hindi ako nandito para makipag-ayaw . '' sabi niya .Naalala ko pa kung anong ginawa niya kay Ysa . Ang sarap niyang patayin!

'' Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na kung wala kang magandang gagawin .'' sabi ko kay Troy .

'' Easy ka lang bro . Saka wala na ba akong karapatan pumunta sa beach? '' sabi niya sa'kin at nag-smirk .I snorted .'' Your bride, what's her name again?Ysa ? I saw her a while ago.I never thought she's so hot . ''dagdag pa ni Troy . Napatingin ako nang masama sa kanya .

'' What did you do to her ? '' galit kong sinabi kay Troy .

'' I didn't do anything to her! And besides, she can defend herself,afterall she's a dham- '' tinakpan ko nag bibig niya kaya hindi niya natuloy ang sinasabi niya .

'' Don't say it. '' banta ko at tinanggal na ang kamay ko sa bibig niya at umalis na .


End of P.O.V

............................................................

Normal/Ysa's P.O.V 


Maingay ang paligid . Binuksan ko ang mata ko at nakita si Emi na nakaupo sa tabi ko .


'' Ysa! Ayos ka lang ba? Ano bang nangyari sayo ?'' nag-aalalang tanong ni Emi sa'kin .

'' Huh ? '' sabi ko.

'' Nakita ka namin ni Jasper na nakahiga sa gilid nang beach habang may dugo ang bibig mo? Napa-away ka ba ? '' tanong niya sa'kin .

'' Ah .... sorry ,wala akong maalala. '' sabi ko kay Emi. Weird. Wala talaga akong maalala bukod sa pumunta ako sa cafe at lumabas .

''Sige dyan ka muna , lalabas muna ako . '' sabi niya at binuksan ang bag niya . '' Ayy nga pala Ysa meron akong bagong issue nang Candy Magazine gusto mo basahin ? '' alok niya sa'kin .

'' Ah.Sure . '' sabi ko . Maya-maya pa sumigaw si Emi .

'' Ouch! Putek , nakalimutan ko pala ayusin yung pin . '' sabi niya habang hawak ang daliri niya na dumudugo . Napatingin lang ako sa daliri niya . Ang sarap . Ang sarap sabi ko sa utak ko . Without thinking , kinuha ko ang daliri niya , dinilaan 'to at sinipsip ang dugo niya .

'' AHHHHHH. Ysa anong ginagawa mo !! ? '' sigaw ni Emi . Bigla akong bumalik sa senses ko .

'' Ahhh .. sorry . '' sabi ko at pumunta sa CR .Ano bang nangyayari sa'kin ?Ang weird ko ngayon sabi ko sa utak ko .Nag-sigh na lang ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. For a moment ,nag red ang mata ko . Shinake ko ang ulo ko at sinampal ang sarili ko at tumingin ulit sa salamin. Black ang mata ko . Nag-sigh ako muli.Kulang lang siguro ako sa tulog. Lumabas na ako ng banyo at bumalik sa hotel upang matulog .


Wala akong kamalay-malay na simula pa lang 'to .

The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon