Blood 37 : Move-on

29.6K 541 6
                                    

'' Ysa ,wil you be my girlfriend ? ''


I was speechless . Wala talaga akong masabi . Out of the blue , one of my friends asked me to be his girlfriend . Wala na yatang mas-shocking pa sa buhay ko. Sure, I think he's cute and we did go on a date before but that's it. Hindi sumagi sa isip ko na maging kami.


'' Huh ? Pakiulit nga. '' sabi ko .

'' I said,will you be my girlfriend? '' sabi ni Nathan 

'' Seryoso ka? '' sabi ko .

'' Mukha ba akong nagbibiro ? '' sabi niya . 

'' Ahhhh... eh......ahh.... '' hindi ko alam kong ano ang dapat kong sabihin .

'' Don't worry, hindi naman kita minamadali .Hihintayin ko ang sagot mo .'' sabi niya at umalis na .


Pumunta muna ako sa locker para kunin ang notes ko bago bumalik sa klase .Nakita ko si Emi at nilapitan ko siya .


'' Hi .'' sabi ko .

'' Hello . '' sabi niya .

'' Uhmmm.. may gusto akong itanong . Pa'no kung yung lalaking gusto mo, nalaman mong pinaglalaruan ka lang at ngayon may bago na siyang iba? '' sabi ko at tumigil sandali . '' Tapos ito namang kaibigan mo, sinabing gusto ka niya. Sino ang pipiliin mo ? '' tanong ko .

'' Pipiliin ko yung kaibigan ko na sinabing gusto niya ako. '' sabi niya .

'' Pero pa'no kong mahal na mahal mo talaga yung lalaking pinaglaruan ka lang? '' sabi ko . Ngumiti siya .

''Mahal na mahal mo nga ,pero mahal ka ba niya ? . '' sabi niya. Bullseye .Parang bala na tumama sa puso ko ang mga sinabi niya .

'' Tama na nga yang drama .Tara na, baka ma-late tayo . '' sabi niya at hinila na ako papunta sa classroom .


'' Mahal na mahal mo nga , pero mahal ka ba niya ? Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang sinabi ni Emi . Siguro nga kailangan ko nang mag move-on. Pero ayoko naman na gamitin lang si Nathan na panakip-butas kay Joseph. Maya-maya pa, lumabas na sa gate si Nathan .


'' Nate ,pwede ba tayong mag-usap .? ''sabi ko. May mga kasama siyang kaklase niya , at naghiyawan sila nang sinabi ko yun .

'' Wow pare ang ganda naman niyan ! '' sabi nang isang lalaki na kasama ni Nathan .

'' Tumigil ka nga! '' saway ni Nathan dun sa lalaki .

'' Oh sige na, aalis na kami para makapag-solo kayo '' kantyaw pa ng isa sa mga lalaki bago sila umalis at kami na lang ni Nathan ang naiwan.

'' Sorry sa mga kaklase ko.'' sabi ni Nathan at nagkamot nang ulo .

'' Ah hindi okay lang . '' sabi ko .

'' Ahhh .. ano bang gusto mong pag-usapan natin ? '' sabi niya .

'' Tungkol dun sa - '' 

                                                                   xxxx

A/ N : Cliffhanger =)
Hahaha.. Im currently having net problems kaya iniklian ko lang 'tong chapter na 'to .

Babawi na lang ako sa susunod ..

Don't forget to VOTE , COMMENT , BE A FAN , and RECOMMEND ♥

The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon