CHAPTER o9

4.2K 140 5
                                    

dedicated to: AngelofRhyanlife

updated na...

enjoy reading!

*****

"Whaaaaaaaa!" Sigaw ko whaaaa feeling ko mamatay na ako. Whaaaa nahihilo na ako.

"Stupid!" Sigaw ni Rein at hinawakan ang tali ng kabayo at si Jay naman ay? Hindi ko alam kung bakit nya hinihimas yung kabayo. Siguro pinapaklma nya?

Kumalma naman yung kabayo ng biglang..............

"Whaaaaaaaaaaaaa!" Na out of balance ako at natadyakan ang kabayo. At nag wala nanaman ito whaaaa ayoko na.

"Whaaaaaaaa!" Sigaw ko ng muntikan na akong malaglag buti na nga lang at nasalo ako ni Andrew. My saviour.

"Salamat Drew." Sabi ko, iniangat nya ako at inilagay sa unahan ng kabayo nya.

"Tsk." Sabi ni Rein at nauna na. Ang weird nya na talaga.

"Anong ngyari sa kaibigan nyo? Kagabi pa yan." Sabi ko. Nag kibit balikat si Andrew habang ang tatlo tumawa nanaman. Tsk abnormal.

Salamat sila walang alak dito!

"Drew? Diba nababasa mo ang isip ni Rein?" Tanong ko. Umiling ito at pinatakbo na ang kabayo habang sila Jay ay naka sunod samin.

"Hindi." Tipid nitong sagot.

"Bakit hindi?" Pangungulit ko dito.

"Kaming lima ay naka block ang isip kaya kahit sino ang sumubok na basahin ang isipan namin ay mabibigo. Maka pangyarihan man o hindi. Kahit isa man samin na kayang maka basa ng isip." Paliwanag nito kaya napatango na lang ako.

"Ilang araw ba tayong mag lalakbay?" Tanong ko.

"Mga tatlong araw at dalawang gabi." Sabi nito. Tumango na lang ako. Ang boring naman.

Ilang oras na kaming naglalakbay ng maisipan ni Andrew na mag pahinga.

"Mag pahinga muna tayo." Sabi nito at bumaba. Hinawakan ako nito sa bewang at ibinaba. Nag pasalamat naman ako.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang masamang tingin ni Rein. Ano ba talagang problema non?

Umiling na lang ako at binaliwala ang nakita ko. Kala mo kasi laging may dalaw. Laging badtrip. Daig pa ako!

Umupo ako sa ilalim ng puno at pinanuod silang ayusin ang tent na tutulugan namin.

Tinatamad kasi ako isa pa wala akong alam sa pag aayos ng tent. Siguro umabsent ako nung nag camping kami.

Wag kayo kahit presidente rin umaabsent.

Namiss ko na tuloy ang buhay ko kasama si Irine sa mundo namin.

"Here." Sabi nya sabay abot sakin ng panyo. Napataas ang kilay ko.

"Aanhin ko yan?" Tanong ko.

"Kakainin mo!" Sabi nito. Aba pilosopo ka ah!

"Malamang ipamunas mo sa mukha mo!" Sigaw nya sakin. Bakit may dumi ba sa mukha ko? Kinapa ko ito at basa. Umiiyak pala ako? Bakit hindi ko naramdaman.

"O!" Sabi nito at pinunasan ang mukha ko. Okay na sana eh! Kaso ang harsh nya.

"Tama na nga!" Sigaw ko at tinanggal ang kamay nya sa mukha ko.

"Aware ka bang babae ako!?" Sigaw ko ulit at dahil nga sa inis na inis na ako ay nasikmuraan ko sya.

"Aray!" Pag daing nya.

"Ang hina mo!" Padabog akong umalis sa pwesto ko at pumunta sa gawi nila Andrew. Na tawa ng tawa.

"Seriously? Anong nakaka tawa!?" Inis kong tanong at nag cross arm. Padabog akong umupo sa damuhan.

Tinignan ko si Rein na namimilipit parin sa sakit.

"Ang hina mo naman." Bulong ko at napa ngiti. Hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti na parang tanga!

Pagtapos nilang ayusin ang tent ay naghanda na ng makakain si Andrew at Rein.

Humuli naman ng isda si Rence.

"Whaaaaaa Rence! Bakit mo nagawa sakin to!" Sigaw ni Jay habang ngumangawa.

Pano kasi halos mag pakamatay na si Jay para lang wag huliin ni Rence ang mga isda.

Tumingin ako sa ulap.

Irine? Kapit lang baka malaglag ka. Este kapit lang. Hintayin mo ako best friend ko.

Babawiin kita.

******

malapit na .. sana magustuhan nyo pa ang mga next next chapter ....

keep voting and comment guys...

thanks u!!!!

@JovyNaida

The Long Lost Princess Of AfiamaWhere stories live. Discover now