CHAPTER 26

2.4K 65 1
                                    

dedicated to: 27watt


Napa bangon ako dahil sa panaginip ko. Tinignan ko ang buong kwarto ko para hanapin si Rein pero bigo ako. Napaiyak na lang ako.

"Pinky?" Tanong ni Andrew lumapit ito sakin at niyakap ako. Napayakap din ako dito.

"Si-si Rein?" Bulong ko pero sapat na upang marinig nya.

Hindi sya sumagot kaya lalo akong napaiyak.

"Ba-bakit may pa-promise promise pa syang nalalaman tapos iiwan nya lang din pala ako." Naiinis ako sana pala hindi na ako natulog para nabantayan ko sya para hind nya ako iniwan!

"Lahat na lang sila iniiwan ako." Sabi ko. Napaangat ako ng tingin ng may nag salita.

"Hindi lahat." Napatayo ako at yumakap sa kanya.

"A-akala ko iiwan mo na rin ako." Sabi ko habang naiiyak kung kanina nasasaktan ako ngayon naman tears of joy.

"Why would i?" Tanong nya. Napisip naman ako.

"Ka-kasi nag aalala ka sakin." Bulong ko napatigil ako ng tumawa sya.

"Hahahaha! Ako nag aalala sayo!" Patuloy parin sya sa pag tawa. Si Rein? Tumatawa? Sa inis ko lumayo ako sa kanya at sinuntok sya. Namilipit naman sya sa sakit.

Tawa naman ng tawa sila Jay.

Padabog akong lumabas ng dorm. Nagugutom nako.

"Wait Pinky!" Sigaw nila pero di ko pinansin.

Nag tuloy-tuloy ako sa cafeteria. Umorder ako ng breakfast meal at umupo sa isang bakanteng lamesa. Pero syempre sa upuan ako umupo.

Kakainin ko na sana ng may humawak sa kamay ko.

"Ano nanaman!" Sigaw ko kay Rein tapos napa tingin ako kay Jay ng kinuha nya ang pagkain at inamoy ganon din ang ginawa nya sa inumin ko.

"Clear." Sabi nito at binigay na sakin ang pagkain ko. Sinimulan ko ng kumain pero bakit parang iba ang lasa? Naidura ko yun sa may halaman.
Nanigas ako at nang lamig dahil namatay ang halaman.

"Lason?" Bulong ko.

"May nararamdaman ka ba?" Tanong ni Andrew at lumapit sakin.

Hindi pa ako nakaka pag salita ng nag dura ako ng dugo.

"Pinky!" Sigaw nila na naka agaw ng atensyon ng iba.

Nanghihina ako. Napa pikit ako at hindi na alam ang sumunod na nangyari.

REIN'S POV

"Pinky!" Sigaw namin ng mawalan na sya ng malay.

"Akala ko ba walang lason!" Sigaw ko kay Jay at kwenelyuhan sya.

Inawat naman kami nila Serio at Rence.

"Tama na Rein." Sigaw nila sakin ng sinapak ko si Jay at napaupo ito sa upuan. Marami naman ang napasigaw dahil sa ginawa ko.

"Sabi mo clear! Pero bakit na lason parin sya!" Sigaw ko.

"Tama na yan dalhin na muna natin sya sa clinic." Sabi ni Andrew at nag laho. Tinignan ko muna ng masama si Jay bago ako sumunod.

Pag dating namin sa clinic ay nataranta ang nurse.

"Anong nangyari sa kanya?"

-------

The Long Lost Princess Of AfiamaWhere stories live. Discover now