CHAPTER 23

2.8K 81 0
                                    


dedicated to:  yhesmille

REIN'S POV

Pumasok kami sa clinic at naabutang gising na si Pinky.

"Pinky." Akmang lalapit ako ng sumigaw sya.

"Wag kang lalapit." Sabi nito habang naka yuko.

"Sabihin nyo bakit kayo nasa mundo namin?" Bulong nya, naka tingin ako sa kanya kahit hindi ko nakikita ang mukha nya dahil natatakpan to ng buhok nya batid kong lumuluha sya.

Gusto ko sya yakapin at patahanin. Kaso hindi ko alam kung paano gagawin.

Bakit ako nasasaktan pag nakikita syang umiiyak?

"Dahil kukunin ka namin." Sagot ni headmaster. Tahimik lang kami at ako ay naka tingin kay Pinky.

"Bakit kasama pa sya?" Bulong nya. Kahit hindi nya sabihin kung sino ang tinutukoy nya ay alam namin kung sino to.

"Ito'y biglaan prinsesa. Dahil sa ika-labing anim mong kaarawan ay kasama mo sya sa ilalim ng punong Afiama." Paliwanag ni headmaster.

"Ayoko na." Napahinto kaming lahat dahil sa sinabi nya.

Anong ayaw nya na?

Ayaw nya ba samin?

------------

keep reading guys :)

Sumusuko na ba sya?

Ang daming tanong sa isip ko.

"Prinsesa sumusuko kana? Hindi pa tayo nag sisimula!" Sabi ni Hm.

"Pero paano ako mag sisimula kung wala na sya!?" Sigaw nya at tumingin samin. Ang mga mata nya punong ng hinanakit.

"Ang gusto ko lang naman makasama sya." Sabi nya at umiwas ng tingin.

"Gusto ko ng bumalik sa mundo namin." Bigkas nito.

"What!? This your world Pinky!" Hindi napigilan ni Andrew ang pag taas ng boses. Hindi ko sya masisisi.

"Pero iniwan nya na ako! Ano pang silbi ko dito!" Sigaw nya. Napailing ako at pinili ng mag salita. Hindi ko hahayaang mawala sya sakin. Este samin.

"Pinky hindi lang sya ang meron ka. Wag mo sanang kalimutan na-nadito kami." Sabi ko at yumuko. Hindi ko alam kung ano ang nagging reaksyon nya.

"Sorry. Sumuko ako agad." Sabi nya. Napaangat ako ng tingin at nakita ko syang naka ngiti kaya napa ngiti na din ako. Lumapit sa kanya si Andrew at pinunasan ang luha nito at yumakap.

"Kayo lang? Andaya naman." Tampo ni Jay tinignan naman sya ni Pinky at ngumiti.

"Group hug!" Sigaw nya. Kaya lumapit kami at niyakap sya.

PINKY'S POV

"Group hug!" Sigaw ko at lumapit sila sakin para yakapin ako. Tumingin ako kay tanda naka ngiti sya sakin.

Inaya ko syang lumapit samin. Pero umiling lang sya.

Napanguso naman ako. Psh Kj. Ako na ang tumayo at yumakap sa kanya.

Nung una nagulat sya pero yumakap narin.

Masaya ako at may maituturin na akong pamilya bukod kay Irine. At sila yun. Salamat sa kanila lalong lano na sa kuya ko.

Antayin mo Irine at kukunin kita at hindi ko na hahayaang mawala ka pa sakin.

The Long Lost Princess Of AfiamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon