CHAPTER 41

1.3K 33 3
                                    

Hanggang ngayon tulala parin ako, paano nya nalaman? Alam na ba ng iba? Bakit alam nila? Naguguluhan ako.  

Napatigil ako sa may room ni Rein, gusto ko na syang maka usap, tu-tungkol don sa halikan nila ni Irine. Gusto kong malaman kung bakit! May pinang hahawakan ako yun ay yung sinabi nyang mahal nya ako.

Gusto kong kumatok para maka-usap sya, wala na akong pakialam sa mangyayari ipagtatanggol ko at ipag-lalaban ko sya. Dahil mahal ko sya, sapat naman na siguro yun no?

Kakatok na sana ako ng may marinig ako sa loob.

"Mahal kita Irine!"



















Gusto kong umiyak ng umiyak mas gugustuhin kong mag pakamatay na lang, shete naman oh! Ang sakit sakit na! Hirap na hirap nako! Pagod nako.

Hindi ko lubos maisip ang sinabi nya kay Irine! Mahal nya ito? Ano naman ako sa kanya? Diba sinabi nya sakin na mahal nya ako? Ano sya two timer!? Ok lang sana matatanggap ko pa kung iba yun pero shit lang bestfriend ko yun, yung babaeng nakasama ko simula ng pag-kabata ko! Yung babaeng kasama ko sa hirap at ginahawa ko nung panahong wala pako sa pesteng mundo na ito!

Nakakapagod na gusto ko ng mawala, gusto ko ng mamatay pero habang naiisip yun pumapasok sa isip ko na hindi solution ang pag papakamatay. May mangyayari ba pag ginawa ko yun?

Sinunod ko ang sinabi sakin ni Miss.Rish kung mahal ko ipaglaban ko. Pero pano ako lalaban kung sya na mismo ang sumuko? Pano ko pa sya ipalalaban kung hindi nya naman ako minahal ano to one sided love? Ako yung nag mamahal sa kanya habang sya ay may mahal ng iba?

"Okay ka lang ba?" Napa tingin ako sa nag salita.

"Sinungaling ba ako pag sinabi kong oo?" Tanong ko. Humarap sya sakin at lumuhod para mapantayan nya ako, nakaupo kasi ako sa swing.

Nagulat ako ng punasan nya ang luha ko.

"Dahil nanaman ba to sa kanya?" Tanong nya na binigyan ko ng isang pilit na ngiti.

"Kung mahal mo ipaglaban mo." Sabi nito at tumayo sabay tingin sa langit na papadilim na. Ayon nanaman yung salita na yun.

"San mo nakuha yan?" Tanong ko sa kanya, tinignan naman nya ako ng may pag-tataka.

"Yang salitang yan." Simple kong sagot.

"Hindi ko rin alam." Kibit balikat nitong sagot.

"Bumalik na ba ang ala-ala mo?" Nagulat sya sa tanong ko, kahit naman ako ay nagulat hindi ko alam kung bakit ko naitanong yun. Nag-bago ang expresion nya. May nasabi ba akong mali? Pansin ko parang nanginginig sya na kinakabahan hindi ko alam.

"Alam mo ba first time ko mainlove?" Pag-iiba ko, mukha kasi syang hindi mapalagay. Okay lang naman siguro kung mag-open ako sa kanya, tsaka sabi nila mas okay daw pag inilabas mo ang sama ng loob mo mas nakagagaan din ng pakiramdam yun, alam kong hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko pero mababawasan naman sya, atlis kahit papaano alam kong hindi ako nag-iisa at alam kong may mga taong handa akong damayan. Kahit na kalaban ko pa. Like Ernest, mas okay na rin siguro to, wala naman syang maalala diba?

Tumingin sya sakin at tumabi.

"Ganto pala yung feeling no? Masakit."  Sabi ko at ito nanaman ang mga pesteng luha. Kailan ba ako hindi mag-lalabas nito?

At ito nanaman din sya sige punas sa mga luha ko.

Hinawakan ko ang kamay nya at yumakap nako dito.

"Thank you." Sabi ko dito medyo nagulat pa sya pero niyakap nya din ako.

"Tama na kakaiyak, he does'nt deserve you. Wag mong ibuhos ang atensyon mo sa kanya, kung tingin mo hindi ka na nya mahal, i let go mo na sya hayaan mo na sya sa bestfriend mo instead of crying be happy for them. At matuto kang idilat ang mga mata o—pilosopo ka pa naman, commonsense na lang malay mo nandyan lang sa tabi-tabi ang nag mamahal talaga sayo ng totoo." Sabi nya sabay tayo bago nya ako iwan ay hinalikan nya muna ako sa noo. Para saan yun? I-let go? Mahirap ata yun masyado pang masakit at parang hindi ko kaya, be happy? Hindi ko alam kung magagawa ko yan. At teka? Paano nya nalaman na pilosopo ako? Bumalik na ba ang alaala nya? Nag mamahal sakin ng totoo nasa tabi-tabi?

Napalingon na lang ako sa iba't-ibang dereksyon! Arghhhh iniwan mo akong gulong-gulo!

The Long Lost Princess Of AfiamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon