CHAPTER 18

3.3K 110 3
                                    

dedicated to: jenblinktaebts01

enjoy reading !!! :)

---------

"How rude of you lil brother?" Nagulat ako dahil sa sinabi ni Ernest. Mag kapatid sila ni Rence?

"Yes you hear it right princess afiamian?" Teka? Ako princess of afiamian?

"Aw. Talagang wala ka ngang alam!" Wika nito at bumalik sa pag kakaupo.

"Gusto mo bang sabihin ko sayo kung ano ka talaga?" May nakaka lokong ngiti sa kanyang labi. Umiling na lang ako kahit kating-kati na akong malaman kung ano ba talaga yun ay hindi ito ang tamang oras.

"Stop playing around Ernest! Ilabas mo na lang ang hinahanap namin!" Sigaw ni Rence. Umiiling ng naka ngiti si Ernest. Ano sya baliw?

"Nah, you don't have a manners to your big brother." Wika nito. Biglang nag laho si Ernest dahil sa biglaang yun pinalibutan ako nila at inilabas ang kanilang mga espada.

"How sweet of your guardians they to over protective." Wika ni Ernest napatingin ako sa kanya na ngayon ay may hawak na, na babae.

"I-irine!" Sigaw ko. Lalapit sana ako ng hawakan ako ni Rein.

"Pinky!" Naiiyak nitong sigaw. Inihagis nya si Irine sa gawi namin. Buti nga nasalo sya ni Rein.

"Irine? Okay ka lang ba?" Tanong ko. Tumango lang sya habang hawak parin ito ni Rein. Napatingin ako kila Andrew ng dumikit sila samin. Pag kamulat ko ng mata ko ay nasa labas na kami ng forest of death.

"Salamat Pinky at dumating ka!" Sabi nito at niyakap ako. Masaya ako at ligtas sya may mga konting galos lang. Argghhh ang pabaya naman nila!

"Mamaya na yan at kailangan na nating umalis. Bago pa nila tayo maabutan!" Tumango na lang kami at inalalayan namin ni Andrew na itayo si Irine. Isinakay ni Andrew si Irine sa kabayo nya at ako naman ay isinakay na ni Rein sa kabayo.

Habang nag lalakbay pabalik ay kinakausap ko si Irine.

"Irine wala ba silang ginawang masama sayo?" Nag aalala kong tanong.

"Wa-wala naman." Sagot nito nag tataka naman akong tumingin sa kanya.

"Eh napano yan? Bakit ang dami mong galos!" Turo ko sa mga sugat nya at galos.

"Ah sinubukan ko kasing tumakas." Paliwanag nito. Tumango na lang ako at tumingin kay Rein.

"Pano nga pala tayo nakalabas ng hindi lumalakad?" Nag tataka kong tanong.

"Ginamit namin ang kapangyarihan ng pag laho." Sagot nya.

"Ha! Meron kayo non? Bakit hindi na lang natin ginamit yun para makarating ng maaga?" Nagtataka kong tanong.

"Dahil masyadong malayo. At gagamit kami ng maraming enerhiya sa ganon. Hindi na kami makakalaban kung sakali man na mapalaban tayo." Paliwanag ni Andrew. Napatingin ako kay Irine at nahuli ko tong naka tingin samin.

Ng mapansin nya akong naka tingin sa kanya ay umiwas to ng dereksyon.

May kakaiba sa kanya.

---------

maganda ?

keep voting and comment guys!!!!

@JovyNaida

The Long Lost Princess Of AfiamaWhere stories live. Discover now