CHAPTER 39

1.8K 45 5
                                    





Naka usap na namin sila hm tungkol sa walang maalala si Ernest. Idinaan sya sa mirror of truth yung may maliit na pinto, remember? Ang resulta nag sasabi ng totoo si Ernest simula non, lagi na syang naka buntot sakin. O diba may instant buntot nako hehe.

Anyway, ilang araw ko ng hindi nakikita si Rein, kamusta na kaya ang baby ko? Arghhh nakaka inis. Bakit ba ayaw maniwala sakin ni Andrew!? Dapat alam nyang hindi magagawa ni Rein yun!? Dapat he know's Rein more than i do. Biruin nyo bestfriend sila. Hayst mababaliw nako. I want to see him, i want to hug him, i want, i want! Pero anong magagawa ko? Ayoko syang mapahamak dahil sa katigasan ng ulo ko! Sino bang gugustuhin na makita ang minamahal nila na mamatay dahil lang sa kanila.

Bumuntong hininga ako. Sana gumawa si Rein ng paraan para mag kita kami para kahit mamatay sya hindi ko kasalanan diba? Diba? Pero syempre joke lang.

"Princess are you okay?" Tanong nya. Instant naman na tumaas ang kilay ko.

"Wag mo kong tawaging princess." Ayoko naman malaman ng iba hindi pa ito ang tamang panahon.

Pumunta kami sa may garden, at don nakita ko ang punong afiama, ang punong nag dala sakin—samin dito.

"Pinky." Napatingin ako sa tumawag sakin non. Rein. Tumingin-tingin ako sa paligid bago ulit tumingin sa kanya. Walang tao kami lang tatlo.

"Rein." Naiiyak kong tawag lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Ginantihan nya naman yun at hinalikan ako sa noo, napapikit ako dahil sa sarap ng pakiramdam. Yung tipong nararamdaman ko yung pag-mamahal nya sakin,

Dumilat ako at laking gulat ng makita sya kasama si Irine.

"Andrew." Ang tanging lumabas sa bibig ko, hinila ako ni Andrew habang ang mga kawal ay hinawakan si Rein.

"Diba sinabi ko na sayong lubayan mo ang kapatid ko!" Ramdam ko ang galit ni Andrew hindi ko naman sya masisisi dahil alam kong protective sya sakin pero alam ko alam nilang lahat na wala syang kasalanan pero bakit? Bakit nila idinidiin si Rein! Dapat kilala nila sya dahil mas matagl nilang nakasama si Rein! Pero bakit parang ako lang nakaka alam kung sino talaga sya? Na hindi nya magagawa sakin ang bagay na yun.

"Hindi ko sya kayang layuan, i told you mahal ko ang kapatid mo!" Napaiyak nako dahil sa sinabi nya. Mahal din kita Rein! Mahal na mahal!

Napa sigaw ako ng sapakin nya si Rein.

"Rein." Lalapit na sana ako ng nauna syang lumapit. Nakita ko sa mata nya ang pag-aalala para sa lalaking mahal ko.

"Irine." Tawag ko, tumingin sya sakin ng may galit. Galit na sa tingin ko ay ako ang sinisisi nya.

"Ito na ang huling warning ko sayo Rein."  Sabi ni Andrew at hinila nako, kaagad namang sumunod samin si Ernest.

Sa muling pagkakataon sumulyap ako sa kanila na sana pala ay hindi ko na ginawa nakita kong hinalikan ni Irine si Rein.




















Huminto kami sa tapat ng kwarto ko. Humarap sakin si Andrew habang ako naman ay yumuko hanggat maari gusto ko munang mag-isa.

"Pinky." Tawag nito, sumagot ako ng hindi tumitingin sa kanya.

"Iwanan nyo muna ako."  Ayoko ng makipag away sa kanya. Pagod nako gusto ko munang mag-isa.

Napaangat ako ng tingin ng inalog-alog nya ako.

"Gumising ka nga Pinky! Idilat mo yang mata mo! Sinaktan ka nya muntik ka ng mawala sakin—samin!" Tinignan ko sya sa mata, kung hindi lang ako nasasaktan ng ganito pwede ko pang sabihin na hello gising na gising ako kelan ka pa nakakita ng tulog dilat ang mata. Natawa na lang ako sa naisip ko. Kung titignan moko ngayon para na akong isang baliw na tumatawa kahit na seryoso ang usapan.

Napabitaw naman sakin si Andrew.

"Kaibigan mo sya diba? Dapat alam mo ang mga kaya nya at hindi! Sa tingin mo ba kaya nya akong saktan?" Tanong ko rito. Naka tingin sya ng deretso sakin, hindi ko mabasa ang expresion nya. Hindi nya magawang sumagot. Napatawa nanaman ako habang marahas na pinupunasan ang mga pesteng luha na to! Hindi na ba talaga to matatapos? Nakaka pagod na kasi.

"Dapat mas kilala mo sya kesa sa pag kakakilala ko sa kanya." Tuluyan ko na silang iniwan at pumasok na sa kwarto ko.

Napaupo na lang ako. Kailan ba? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?

.......

The Long Lost Princess Of AfiamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon