CHAPTER 30

2.1K 60 4
                                    

Hello guys plug ko sana and ONE SHOT story ko na "My Own Story" valentine's present hahaha charing.

basta basahin nyo ha! Thank you

sana magustuhan nyo yun:)

dedicated to: normaida11

~~~~~

Hating gabi ng magising ako. Umupo ako sa kama at napahawak sa pisngi ko, umiiyak nanaman pala ako.

Tumingin ako sa bintana ko kung saan makikita ang malaking buwan.

Rein kamusta kana kaya?

Naisipang kong tumayo at lumabas ng dorm.

Pumunta ako sa open field at muling nag sanay. Inalala ko kung pano ang pinagawa sakin ni Andrew.

Pumikit ako at nag inhale, exhale then breath in, breath out. 

At inisip ko kung saan ko gusto pumunta. 

Maya Maya lang na pamulat na ako at sa pag mulat kong yun ay nasa rooftop nako ng school. 

Ano ba yan! Ang lamig naman dito. Pero mas okay na to kesa sa landing ko kanina.

Aalis na sana ako ng may narinig akong pumalakpak.

Napalingon ako dito.

"Miss Rish." Banggit ko sa pangalan nito.

Ngumiti sya ng matamis na nakapag palambot ng puso ko.

Ano ba to? Nanglaki ang mata ko sa biglang pumasok sa isip ko. May gusto kaya ako sa kanya?

Sinampal ko ang pisngi ko ng matauhan ako. 

Ano ka ba Pinky kelan ka pa naging tibo. Napatahimik ako sa pag iisip ng bigla syang humagikgik ang sarap sa pakiramdam. 

Ano ba tong nararamdaman ko?

"Nakakatawa ka naman." Mahinhin nito sabi, ngumiti na lang ako ng awkward at nag kamot ng ulo di ko alam ang sasabihin ko nakakahiya kasi.

"Nakaka mangha ka." Wika nito na syang nakapag patigil sakin. Tumingin ako sa kanya na may pag tataka. Pero wala sakin ang tingin nya, naka ngiti syang naka tingin sa buwan.

"Sana lahat katulad mo." Simple nitong sabi at tumingin sakin ng may ngiti. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa mga ngiting yun.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko. Pero hindi nya ito sinagot.

Maya-maya lang ay bigla nya akong sinugod Buti na lang ay napayuko ako.

Hindi ko alam kung paano at bakit pero bigla na lang may lumabas na espada mula sa kanang kamay ko.

Ng susugudin nya sana ako ng may hawak na espada na din ay kaagad kong iwinaksi sa utak ko ang mga iniisip ko ipang-sangga ko ang espada at tinignan sya.

Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nya akong sinusugod.

Hi-hindi kaya?

Umiling ako sa naiisip ko imposible hindi ko nararamdaman na masama sya.

"Kaya mong ngumiti at ipakitang ayos ka lang, kahit na sa totoo lang ay nasasaktan kana." Sabi nito na nakapag patigil sakin.

Itinulak nya ako gamit ang espada nya. Medyo malakas ang pag kakatulak nya sakin kaya napaupo ako.

"Hindi mo dapat hayaan ang sarili mong maapektuhan sa sinasabi ng kalaban." Sabi nito at itinutok sakin ang dulo ng espada nya.

"Si-sino ka ba talaga?" Naguguluhang tanong ko.

"Wag ka mag-alala, isa akong kaibigan na handang tulungan ka." Sabi nito.

"Ngayon tumayo ka at ipakita mong karapatdapat kang maging pinuno ng Afiama!" Sigaw nito. Umiling ako sa tinuran nya. Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong maging pinuno ng mundong ito.

"Hindi ko alam." Wika ko. Yumuko ako. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak.

"Hindi ko alam kung kaya ko ba or kung karapatdapat nga ba ako." Bulong ko na sakto lang para marinig nya.

"Sumusuko kana?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Siguro ganon na nga, aanhin ko pa ang pagiging pinuno kung wala naman ang taong Mahal ko." Humagolgol nako sa pag-iyak ng bigla nya na lang akong sampalin na nakapag padugo sa labi ko.

"PINKY!" Narinig kong sigaw.

Andrew. Nakita ko silang nag-hahabol ng hininga. Na kararating palang

"YAN BA! YAN BA ANG PAG-PAPALAKI NG MGA MORTAL SAYO! TIGNAN MO SILA!" Sabi nya at tinuro ang kinaroroonan nila Andrew.

"NAKIKITA MO BA SAYO NAKA SALALAY ANG LAHAT! SAYO SILA UMAASA! NAG-HIHINTAY ANG KAIBIGAN MO NAG-HIHINTAY ANG LALAKING PINAKAMAMAHAL MO! NGAYON KA PA BA SUSUKO!? NGAYON PABA!  NGAYON PA BA NA KAILANGAN KA NILANGAYON PA BANG NASA KALAGITNAAN KANA!" Sigaw nya isang malakas na sampal sakin ang mga sinabi nya pero anong magagawa ko.

"Mahal mo ba sila?" Tanong nya sakin kahit hindi nya sabihin kung sino ang tinutukoy nya ay alam ko na.

"Oo." Sagot ko na nakapag pangiti sa kanya.

"Kung mahal mo ipag-laban mo." Wika nito at tumalikod na. Tinignan ko lang sya ng bigla ulit syang nag salita.

"Sana mag-bago ang isip mo. Iintayin kita bukas ng gabi sa gubat." Sabi nito at biglang nag-laho sa paningin namin.

"Pinky ayos ka lang ba? Sino sya?" Sunod-sunod na tanong ni Andrew tumakbo sila palapit sakin hindi ko na lang sya pinansin.

Pagod ako napapagod na ako, gusto ko na munang mag pahinga.

Pumikit ako at hinayaang lamunin ng kadiliman.

The Long Lost Princess Of AfiamaWhere stories live. Discover now