CHAPTER 42

2.3K 42 9
                                    


Hanggang ngayon gulong-gulo parin ako sa sinabi ni Ernest. At hanggang ngayon masakit parin para sakin ang lahat one week na ang lumipas yep tama sa one week na yun di pako nakaka move on feeling ko parang kahapon lang ang lahat. Bakit ba kasi ako nag mahal eh hindi ko naman alam ang mga pwedeng mangyari, hayst bakit ba ang shunga ko pag dating sa larangan ng pag-ibig, hindi ko naman alam to pero pinasok ko, at syempre hindi naman ako nag sisisi.

Sabi nga nila hindi mo malalaman kung hindi mo itry pero fudge, tinry ko ang sakit grabe. Sa pag try kong yun nalaman ko ang mga kaakibat ng pag mag mamahal andyan si Happiness, loneliness, pain. Basta marami pa, tinamad nakong isa-isahin. Pero sabi nila masarap daw kumain pag heartbroken hehehe kaya nandito ako sa may cafeteria para kumain ng kumain.

Pero syempre hahanap ako ng ibang spot at doon kakain ang akward kasi dito eh pano ba naman pag pasok ko lahat sila nag yukuan. Kalat nadin kasi dito na ako ang prinsesa yung iba natuwa, yung iba napaiyak naman yung iba nainis basta halo-halo sila.

Pag tapos non oorder nako ayon nakita ko sila naka tingin sakin.

Hanggang ngayon nga di ko parin alam kong pano nila nalaman.

Pumunta na lang ako sa roof top mas okay na siguro dito ako kumain. Hindi pa ako nakaka upo ng makakita ako ng isang bulto ng tao, kung tao man sya. Joke lang. Hehehe

Aalis na sana ako ng tinawag nya ako.

"Pinky?" Gulat nyang tawag. Kahit ako nagulat syempre joke lang. Dineadma ko na lang sya. At akmang aalis na ng hinawakan nya ako.

Syempre para akong kidlat sa bilis kong pag-hawi sa kanya.

"Please let's talk."  Seryoso sya sa sinabi nya. At syempre ako naman ay nuknukan ng tigas ng ulo ay umiling. Ano sya sineswerte?

"Please." Pag mamaka-awa nya. Instant na tumaas ang kilay ko.

"Anong pag-uusapan natin?" Naiinis kong tanong.

"Marami."

"Ang sabi ko ano, hindi ilan!" Bwesit to! Simpleng logic di masagot! Kainis!

Napahilamos na lang sya sa mukha!

"Aba! Ikaw pa ang may ganang mainis!" Sigaw ko. Tumingin naman sya sakin ng masama! Aba sya pa galit!

"Look Pinky i'm serious." Mukha nga syang seryoso pero ang tanong anong pake ko?

"Tinanong ko ba?" Napasabunot na sya sa inis, habang ako nag pipigil ng tawa.

Napatigil lang yun ng pumasok na sya. Ang babaeng hanggang ngayon masama parin ang loob sakin. I admit it kasalanan ko naman talaga eh!

Kung sana hinanap ko sya ng mas maaga.

Nakita ko kong paano sya lumapit kay Rein. At hinalikan ito sa pisngi na nakapag palambot ng expresion nya. Tumalikod na lang ako at walang pasabing lumabas.

Grabe walang pakundangan! Hiyang-hiya naman ako sa kanila sila na ang may forever! Kahiya naman sa kanila!

Tumakbo nako papunta sa dorm ko, nawalan nako ng gana kumain. Kainis kailangan ba harap-harapan!?

Napaupo na lang ako sa kama at doon na realized na umiiyak na pala ako.












"Lil sis." Napatingin ako sa tumawag sakin.

"Kuya." Ang tanging lumabas sa bibig ko at patakbong yumakap sa kanya. Namiss ko sya isang linggo ko din syang hindi na kita.

"I miss you." Bulong nito sakin napangiti naman ako.

"I miss you too, sorry kuya." Sabi ko dito. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala syang magandang babae.

"Sino sya?" Tanong ko at humiwalay sa kanya. Nag kakamot ng batok at tila nahihiya sya, napansin ko din na namumula sya. OMG my brother is inlove?

Tumingin ako sa babae at parang familiar sya sakin, grabe ang ganda nya, ngumiti sya sakin at yumuko.

"Oy~si kuya, inlove~" Pakanta kong panunukso sa kanya at ang magaling kong kapatid ay lalong namula.

"Iniva." Nagulat ako sa sinabi nya. Yu-yung assassin na sobrang ganda kahit yung mata lang ang kita?

"Ka-kayo na?" Shete bakit parang mas excited pa ako sa excited?

Nahihiyang tumango si kuya ow—shit.

"Bakit ka nahihiya? Sa ganda nya, o my bagay na bagay kayoooooooo!" Hyper kong sabi at nag tatalon narinig ko namang natawa si Iniva ganon din si kuya. Grabe ang hin-hin nya, ang swerte ni kuya sa kanya pero mas swerte si Iniva kay Kuya.

"Nga pala lil sis may sasabihin ako sayo." Seryoso nyang sabi napatingin ako kay Iniva nag-iwas sya ng tingin medyo kinakabahan ako.







-----

The Long Lost Princess Of AfiamaWhere stories live. Discover now