CHAPTER 32

2K 59 2
                                    

dedicated to: darkangelevil

hello PinkBaboyShanelle






"Hindddiiii!" Sigaw ko at lalong napaiyak. Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Bakit? Bakit mo ginawa sa kanya yun! Akala ko ba kaibigan ka! Bakit mo sya pinatay!" Sigaw ko sa kanya habang naka tingin sa wala ng buhay na kaibigan ko.

"Sinaktan ka nya but still you protected him?" Naka ngiti nitong wika habang naka tingin kay Rence na wala ng buhay.

"Kaibigan ko sya malamang" Napatigil ako ng bigla nyang sunugin ang katawan ng kaibigan ko.

"Itigil mo yan! Parang-awa mo na." Sabi ko sa kanya. Humawak ako sa kanya.

"Please." Pag-susumamo ko. Tumigil sya kaya kaagad akong lumapit sa katawan ni Rence.

"Tumabi ka dyan Pinky!" Sigaw nya na hindi ko pinakinggan sa halip tinanong ko sya.

"Ano bang problema mo!?" Sigaw ko at tumingin sa kanya. Ngumiti sya ng mapait.

"Hindi sya ang kaibigan mo." Napatigil ako dahil sa sinabi nya kasabay non ang pag laho ng katawan ni Rence.

"Anong ibig mong sabihin?" Nag tataka kong tanong at pinalabas ang espada sa kanang kamay.

Hindi ko matandaan kung pano ko to natutunan ang alam ko lang kusa syang lumabas kahapon tapos ngayon alam ko na kung pano ito mapalabas.

Pumalakpak sya na nakapag patigil sakin ngumiti sya at inilabas na din ang espada nya.

"Kalaban sya." Sabi nito at sumugod sakin na kaagad kong sinalag.

"A-ano bang pinag sasabi mo!?" Alam kong masamang dugo ang nananalaytay sa kanya pero hindi sya kalaban.

"Hindi sya ang kaibigan mo, alam mong hindi nya ito magagawa sa iyo." Naka ngiti nitong sabi at kaagad itinapat ang espada nya sa leeg ko na nakapag pahina sakin.

Napaupo ako ng mag salita sya.

"Yun ang sinasabi ko na wag kang mag papa epekto sa sinasabi ng kalaban mo. Now tumayo ka at ipakita mong karapatdapat ka." Naka ngiti nyang sabi at iniintay ang magiging sagot ko. Ngumiti ako at tumayo.

"That's the spirit......." May ibinulong pa sya na hindi ko na narinig.

Nag insayo kami hanggang sa natutunan ko ng gamitin ang kaangyarihan ko nalaman ko ang mga dapat gawin pag ka harap ko na ang mga kalaban.

"Pinky!" Narinig kong sigaw mula sa labas ng kagubatan.

"Nandito na sila. Aalis nako." Sabi nito at tumalikod. Bago pa sya umalis ay hinawakan ko sya na nakapag patigil sa kanya humarap syang may pag tataka.

"Maraming salamat Ms.Rish." Sabi ko at niyakap sya nanigas sya na parang ewan hindi sya nakapag react kaya bumitaw nako.

Ngumiti ako na kaagad nya namang ginantihan at kaagad nag laho.

"Pinky! Bakit pinuntahan mo ang babaeng yun?" Nakataas kilay na tanong ni Andrew.

"Ah pasensya na." Sabi ko at nag kamot ng batok dahil nahihiya ako ilang beses ko na syang pinag alala

Napa buntong hininga na lang sya at hinila nako.

Hinatid nila ako sa dorm ko.

"Wag kang lalabas ng hindi ko alam." Sabi nito at isinara na ang pinto. Masyado syang protective.

Pumunta nako sa kama ko at nag pahinga na.

Malapit na tayong mag kasama Rein. Antayin nyo ako at babawiin ko kayo.

ANDREW'S POV

Kaagad kong nilagyan ng protection lock ang kwarto nya, para hindi sya makaalis.

"Naramdaman nyo ba yun?" Tanong ni Jay, nauna na akong nag lakad na kaagad nilang sinundan.

"Mukhang lumakas ang enerhiya nya." Dugtong pa ni Serio.

"Hindi kaya alam nya kung pano gamitin ang kaangyarihan nya." Dugtong pa ni Rence.

Yun din ang nararamdaman ko batid kong susugod sya don ng hindi kami kasama at mukhang wala sa vocabulary nya ang mag isip ng plano.

Kaya hanggat maaari kailangan ko syang bantayan.

"Iniva!" Tawag ko sa kanya ng makarating ako sa kwarto ko.

"Kamahalan." Bigkas nya ng bigla syang nag pakita sakin.

"Mag manman ka sa dark kingdom." Utos ko nakagad naman nyang sinunod.

"Pasensya na Pinky. Kailangan kong gawin to." Bulong ko at umisip na ng plano.

The Long Lost Princess Of AfiamaOnde histórias criam vida. Descubra agora