CHAPTER 12

3.7K 123 4
                                    

dedicated to: PrincessofArcana

thanks sa vote ..

enjoy reading !






"Ikaw lang ang walang alam. Kung ano ka talaga!" Napatigil ako dahil sa sinabi nya.

"Sa mga magulang mo? Sa tunay mong pag katao! Kung sino ka talaga? Alam mo ba na ikaw lang ang hindi na kakaalam kung sino ka talaga? Tignan mo ang paligid mo, sa mga taong naka palibot sayo. Ikaw lang ang mukhang tanga. IKAW LANG ANG WALANG ALAM. " Sabi nito at binigyang diin ang mga huling kataga. Tinignan ko sila Rein, Andrew at sila Jay mga naka yuko sila. Anong ibig sabihin nito?

"Hindi sinungaling ka!" Sigaw ko. Kahit kailan lang kami nag kakilala nila Andrew. Alam kong hindi nila magagawang mag sinungaling sakin. May tiwala ako sa kanila.

"Diba Andrew? Rein? Jay? Rence? Serio? Diba hindi nyo magagawang mag lihim sakin?" Maluha-luha kong tanong.

"Sorry Pinky. Na-nag lihim kami." O diba? Sabi sa inyo hindi sila mag sisinungaling sakin eh.

Napaupo na lang ako sa damuhan. Nag uumpisa ng tumulo ang luha ko. Bakit? Hindi nga kayo nag lihim ngayon. Pero nung mga araw na mag ka-kasama tayo. Wala akong alam sa totoong ako! Sa totoong pag katao ko!

"Ngayon prinsesa, sumama ka sakin at sasabihin ko sayo ang totoong mong pag katao. Na hindi nagawa ng mga tinuturin at pinag kakatiwalaan mong mga kaibigan!"

"Manahimik ka na!!!!" Napatingin ako sa sumigaw si Rence? Tumatakbo sya at sinugod si Ernest.

"Rence!" Sigaw namin at ako lumapit sa lalaki na ngayon ay nakahiga sa damuhan at sumusuka ng dugo. Sinikmuraan kasi sya ni Ernest.

Tsk ang gwapo nga basagulero naman.

"Rence okay ka lang?" Tanong ko at tinulungan syang maka upo.

"Ayos lang ako." Sabi nito at pinunasan ang natirang dugo sa labi nya.

Napatingin ako sa lalaki na ngayon ay lumalakad palapit samin.

"Ngayon prinsesa. Sumama ka sakin. At malalaman mo ang totoo." Inilahad nito ang kamay nya ng makalapit ito saamin.

Kahit nag sinungaling sakin sila ay may tiwala ako sa kanila. Alam kong may dahilan. Tama may dahilan sila kaya nila itinago saakin!

Napatingin ako sa gawi ni Rein. Nag susumamo ang kanyang mga mata na wag ako sumama sa lalaking kaharap ko.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki at hinawi ang palad nya.

"Hindi ako sasama sayo!" Sigaw ko umayos ng upo si Rence at hinarang ako.

"Don't you dare to come near her." Madilim na wika ni Rence. Pansin ko lang bakit parang ang sama ng timpla ni Rence kay Ernest? Ako lang ba ang nakapapansin or ako lang talaga ang walang alam.

"That's rude. Nga pala kung gusto mong makita ang kaibigan mo. Tawagin mo lang ako." Sabi nito at umalis na.


**********

Short update guys!

keep voting and comment.

"LabLab!"

*JovyNaida*

The Long Lost Princess Of AfiamaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant