CHAPTER 10

3.9K 146 2
                                    

dedicated to: AshleyConstantino6

di ko ma mention ..

pero thanks !

enjoy reading :)

********

Hindi ako makatulog kaya naisipan kong lumabas at magpahangin. Sinilip ko sila Andrew pero tulog na sila. Sisilipin ko sana ang tent ni Rein kaso nakaramdam nanaman ako ng inis dahil sa ginawa nya kanina kaya napag pasyahan kong umalis na lang muna don. Pumasok ako sa isang gubat.

"Cruuuuuu." Medyo kinabahan ako dahil sa tunog na yun. Kaya binilisan ko na lang ang lakad.

Nakarating ako sa isang batis. Umupo ako sa damuhan at pinag masdan ang malinaw na tubig.

Ang ganda naman dito. Ang tahimik. Sana ganto na lang kapayapa.

Namimis na kita Irine.

"I'm sorry." Rinig kong bulong sa tenga ko na nag pabilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano to? Kelan pa ako nag kasakit sa puso?

Napatigil ako sa pag iisip ng may umupo sa tabi ko. Napatingin ako dito. Nawala ang inis ko dahil sa nakikita ko.........

Ang maamo nyang mukha.

"Your blushing." Sabi nito napahawak ako sa pisngi ko? Weh di nga nag ba-blush ako?

"Yes." Nag tataka akong napatingin dito. Wala pa akong sinsabi sumagot na agad.

"I can also read minds." Nag blush nanaman ako. Gosh! Wala na akong privacy sa inyo ni Andrew.

Nakita ko syang tumawa.

"Pwede bang tigilan nyo na ang kakabasa sa isip ko." Saway ko at umiwas ng tingin.

"Okay. Okay. Sorry." Sabi nito napangiti na lang ako. Ano ba Pinky!? Ngayon mo pa naisipan lumandi!

"Hahahahaha!" Napatigil ako at inis na inis na hinarap si Rein.

"Isa!" Pag bibilang ko.

"Okay sorry."

"Tsk."

Tumahimik ang paligid. Kaya na aakward ako. Parang mas gugustuhin kong asarin nya na lang ako.

"May gusto ka ba kay Andrew?" Pag basag ng katahimikan nito. Nag tataka akong tumingin sa kanya. Anong klaseng tanong yan?

"Anong klaseng tanong yan?" Tanong ko. Hindi sya sumagot. Ano bang tumatakbo sa isip mo Rein?

"Wala." Sagot ko dito. Tumango ito at tumayo.

"Bumalik na tayo." Aya nito inilahad nya ang kamay nya na kagad ko naman kinuha at tinulungan akong tumayo.

Lalakad na sana kami ng yakapin ako ni Rein at umiwas sa kung anong bagay.

Napahiga kami at napa daosdos.

"Rein!" Sabi ko at umupo. Hindi ako nasaktan dahil habang naka yakap sakin si Rein at napa daosdos kami ay sya ang nasa ilalim.

"Rein?" Tawag ko ulit dito. Tinulungan ko syang tumayo.

"A-ayos ka lang ba?" Tanong ko. Kinakabahan ako sa maari nyang isagot. Baka kasi sabihin nya hindi.

Ngumiti sya sakin at hinawakan ang kamay ko pinisil nya ito. Napangiti na lang ako.

"Bumalik na tayo. May kalaban." Kinabahan ako dahil sa sinabi nya. Binuhat nya ako at tumalon ng mataas.

"Ano ba ibaba mo ako!" Sabi ko rito at hinampas sya sa dibdib.

Nagulat naman ako ng bitawan nya ako.

"Whaaaaaaa! I hate you Rein!" Sigaw ko kagad nya naman akong sinalo.

"Sabi mo kasi eh!" Sabi nya napahawak na lang ako sa batok nya at sumobsob sa dibdib nya. Ang tigas naman ng dibdib mo Rein! Anong tinatago mo dyan!?

"Hindi ito ang oras para pag nasaan mo ako!" Nang aasar nitong wika. Tsk napairap na lang ako.

"Ano ba! Wala na akong privacy!" Sigaw ko dito still naka subsob parin ako sa dibdib nya.

Ng makarating kami sa pwesto namin kanina ay dahan-dahan nya akong inilapag.

"Andito na pala kayo." Rinig kong sabi ni Andrew. Gising na pala sila. Seryoso silang nakatingin samin.

"Magandang gabi!"

*******

Nagustuhan nyo ba ?

keep voting and comment guys!

LabLab 😍

@JovyNaida

The Long Lost Princess Of AfiamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon