Chapter 1

7.9K 146 42
                                    

THE CASTS OF THE REVISED VERSION OF TNaTH:

Jungkook Jeon as Shane Harper
Lalisa Manoban as Annika Jiao
Eunwoo Cha as Matt Dallas
Jimin Park as Enrique Sanchez
Jennie Kim as Bridgit Mendler

- - -

"Nikki! Gising! Gising!" 

Iritang irita ako sa pagyugyog sa akin ng kung sino mang Poncio Pilato na to ngunit hindi ako bumangon. Bahala sya!                                                                                                                       

"Shit naman, Kuya! Ang aga aga mo naman yata tumilaok?!" Hinawi ko yung kamay nya at naiinis na bumangon pero nakapikit pa din. Istorbo!

"Anong maaga? 5:30 na! 6 ang klase mo, hindi ba? Kaya bumangon ka na dyan!"


Nagkamot na lamang ako ng ulo.

Tss... Aga ag- -




5:30?!!

"Walang kwenta kang manok ka! Late na ko! LUMABAS KA NA NGA!" Tumayo na ako at dumeretso sa cr.

"Kuya mo ko! Gunggong na to!" Narinig kong sigaw nya.


1 minute na lang kaya tinakbo ko na strict pa naman ang first subject teacher namin. Napakauseless talaga ng kuya ko. Dapat nag-alaga na lang si daddy ng manok eh!

Sa sobrang pagmamadali ko, nahalos pabalik-balik ang tingin ko sa relo ko at sa dinadaanan ko.


Kamalas malasan nga naman.

  


"Shit." Narinig kong daing nung nabunggo ko kahit na alam ko namang in-OA-yan lang naman nya.

"Sorry."  Tipid kong sinabi at tatakbo na sana muli kaya lang humirit pa sya.

"Sorry lang? Yun lang?" nilingon ko naman sya. Wala na akong time bungangaan sya. Tsss! Late na ko. Wala na akong magagawa.

"K. Sorry po." Tumungo pa ko. Pasalamat sya at nagmamadali ako kung hindi, wala kong balak magsorry at for sure, ipinaglaban kong sya ang pahara hara sa daan. "Masaya ka na? Pwede na ba kong umalis?"

Kumunot naman ang noo nya. Hihirit nanaman ba sya? Jusmiyo naman.

"Kilala mo ba ang kinakausap mo?" Maangas niyang tanong. Ano ba namang pakielam ko sa kanya? Tinaasan ko na lamang sya ng kilay. Punyeta! Late na talaga ako.

"Bakit? Nagpakilala ka ba? Hindi rin naman ako interesadong makilala ka. So, makakaalis na ba ko?" Mataray kong sabi sa kanya habang humalukipkip na ako.

Nagsmirk naman siya at tinaasan din ako ng kilay.

"Tss. Nerd." Matigas nyang sabi na parang naghahamon. I have no time for this jerk.

 I have no time for this jerk

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
the nerd and the heartbreaker ♠ liskookOù les histoires vivent. Découvrez maintenant