Chapter 7

2.1K 107 8
                                    

Warning: Medyo SPG. Patnubay ng magulang ang kailangan para sa mga batang mambabasa. CHAROT LANG! Ikaw pa ba? As if namang magi-iskip ka! HAHAHAHA

PS: A LONG UPDATE FOR EVERYONE!

- - -

Four weeks na din nililigawan ni Harper si Bridj. Hindi ko naman sya nakikitang may ibang nilalandi bukod sa bestfriend ko although, hindi ko naman kase talaga sya tinitignan dahil mauumay lang ako.

For real na kaya yan? I mean, sana nga lang talaga. Dapat lang talaga at seryosohin nya yung bestfriend ko para happy happy- - 

Nagulat naman ako dahil papasok pa lamang ako ay sumalubong sa akin si Bridgit na mukhang nagmamadali at nakatakip ang parehong kamay nya sa mukha nya.

"Bridj, wait!" Nakita ko syang tumatakbo papalabas ng classroom at pumuntang cr. Sinundan ko sya.

"Bridj!" Pagpasok na pagpasok ko sa cr ay agad nya akong sinalubong ng yakap.

   

"Annika..." Habang patuloy siya sa pag-iyak ay tinatawag nya ang pangalan ko. Naramdaman ko agad ang panghihina ng tuhod ko at pagbigat ng pakiramdam ko habang naririnig syang humahagulgol sa balikat ko.

Ayoko sa lahat ay nakikitang ganito ang mga importanteng tao sa buhay ko.

"What happened?" Hinagod ko na lamang ang likod nya para kumalma sya ng bahagya at masabi nya sa akin kung ano ang nangyari.

   


"Akala k-ko tunay na-a..." Nahihirapan nyang sabi habang humihikbi pa din sya. "Akala ko lang pala."

Napakunot ang noo ko. Isang tao lamang ang pumasok sa isip ko. Si Harper.

   

"Sasagutin ko na dapat sya ngayon."

Napatikom na lamang ako ng bibig. Kumalma ka, Annika. Alamin mo muna ang lahat.

  

"Anong nangyari?" kalmado kong tanong sa kanya. Pinunasan nya ang mukha nya pero patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha nya. Nagpatuloy pa din sya sa pagsasalita!

  

"Hindi sya seryoso sa akin, Annika. Simula pa nung una, past time lang pala ako."

Napayukom ako sa kamao ko at umurong. Sapat na ang narinig ko kaya lumabas na ako agad para hanapin yung gagong yun. GAGO KA TALAGA , SHANE HARPER!

   

I've warned you, you fcking jerk! Look what you have done to my bestfriend!

   

YOU ARE A MONSTER! I FCKING HATE YOU! 

"Annika! Wait, Annika!" Hindi ko na pinansin pa ang  pagtawag sa akin ni Bridgit at tuluyan ng magmartsa palayo.

I'll kill you, SHANE FCKING HARPER!

     

- - -

Dinala ako ng paa ko sa may mga lockers, umaasa na dito ko matatagpuan ang tarantadong yun.

Hindi nga ako nagkamali.

  

Nanlaki naman ang mata ko sa nasaksihan kong eksena ng matagpuan ko ang hinahanap kong gago.

the nerd and the heartbreaker ♠ liskookWo Geschichten leben. Entdecke jetzt