Chapter 9

2K 108 14
                                    

"Kausapin mo na kase!"

Tinabig ko naman ang kamay nya na nagyuyugyog sa balikat ko. Napaka talaga netong si Bridgit. Aish!

"Ayoko! Bakit ko kakausapin?" 

Inirapan naman nya ako at sinamaan ako ng tingin. "Kasalanan mo din naman!"

Napasmirk naman ako sa sinabi nya at napairap na lang habang pinilit na ipirmi ang atensyon ko sa librong nasa harap ko.

"Ano bang ginawa ko?"


Kanina pa ako pinipilit ni Bridj na kausapin ko si Shane. AT BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUN?! Wala akong ginagawang masama! Wala akong kasalanan- -

     

    

Sht, parang mayroon nga.



-flashback-

"Matt, I like you too.." 

   

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya pero nakita ko agad na nagbago iyon at napalitan ng isang masiglang ngiti. 

  

Not now, Matt. Wag ka munang ganyan. Mas makokonsensya akong gawin ito.


"...pero- -


"GAGO KA, MATT!"

   

    


Dahil sa mabilis na pangyayare, nagulat na lamang ako dahil nakahiga na sa lapag si Matt. WHAT THE HELL WAS THAT- -


"H-Harper?"  Nagulat ako dahil sa biglang paglabas ng presensya nya sa hindi ko inaasahang oras. 

   

Hindi nya ko pinansin.

    

Kinwelyuhan nya si Matt at marahas na itinayo.


"WALANG HIYA KA! HINDI BA UNA PA LANG, SINABI KO NG 'BACK OFF'?! HA?!"

Umaalingawngaw ang malakas at paos na boses ni Harper.

"PAULIT ULIT KITANG BINALAAN, MATT! PINSAN KITA! MAGPINSAN TAYO! HUMINGI AKO NG PABOR SAYO!"

Sinuntok niya si Matt kaya bahagya akong napakislot doon. Nanatili ang mata ko sa kanila.


Magpinsan sila?

Katangahan nang maituturing dahil hindi ko sila nagawang aawatin pero hindi ko na naisip iyon dahil sa mga nalalaman ko habang pinapanuod ko silang dalawa.

  

Nakita kong tinulak ni Matt ng malakas si Shane.


"KASALAN KO BANG MABAGAL KA? HA, SHANE?!"  

Napanganga ako dahil isang side ni Matt ito na ngayon ko lamang nasaksihan.

the nerd and the heartbreaker ♠ liskookWhere stories live. Discover now