Chapter 14

1.9K 92 0
                                    

"So, sinasabi mo bang nagtapat ka ng feelings?" Sinamaan ko naman ng tingin si Bridj dahil bakas na bakas sa mukha nya at lalo na sa boses nya na gusto nya ang nangyari. Kaibigan ko ba talaga ito?

Hindi naman nya pinansin yung masama kong tingin sa kanya at parang nag-aabang ng confirmation.


Napakamot na lamang ako ng ulo. Malay ko bang yun pala yung patutunguhan ng galit ko?

"Oo."

Dinukdok ko agad ang mukha ko sa desk. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko. 


Dapat pala tinuon ko nalang yung buong atensyon ko sa pag-aaral para hindi na nauwi sa ganito. Edi sana umasenso pa ako, hindi ba? Tanda ko pa dati sabi ko uunahin ko muna ang pag-aaral ko bago yang pag-ibig na yan. Sinabi ko na kahit kailan hindi ko hahayaang maaperktuhan ng love na yan ang pag-aaral ko.

Napabuntong hininga naman ako doon. 


Tama nga sila. Hindi mo na mapipigilan pag ang puso, umibig na.

Hindi ko din naman alam na hindi ko din pala madidiktahan kung kanino ito titibok kase honestly speaking,


Kung madidiktahan lang to,



si Matt talaga ang pipiliin ko.

Naramdaman kong may kumakalabit sa akin mula sa likod. 


"Ano ba yun, Quen?" Naiinis kong lingon sa kanya. Tumingin naman sya sa harap at para bang may nginunguso. Tinuro din ito ni Bridj kaya sinundan ko ito ng tingin.


"Hinahanap ka ni Matt." Bulong ni Bridj. Nakita ko nga sya sa may pintuan at nang magkatagpo ang tingin namin ay tinanguan nya ko na para bang pinapapunta nya ako doon.

Huminga naman ako ng malalim at tumayo. Naglakad ako papunta sa kanya habang naririnig ang mumunting bulungan ng mga kaklase ko. Hindi ko na din pinansin pa.

- - -


"Annika."

Kahit naiilang ako ay sinundan ko sya dito sa rooftop. Napakagat na lamang ako sa labi ko dahil unti unting nagfaflash sa utak ko yung araw na iyon. Fck.


"Matt, bakit tayo nandito?"

Nagtanong na agad ako dahil sa totoo lang ay gusto ko na bumaba.


Hindi ko namalayang kaharap ko na pala si Matt dahil siguro tulala ako at patuloy sa paglakad. Nakatigil na pala sya at nakaharap na sa akin. Tiningala ko sya at...


Niyakap nya ako. 


Hindi ko iyon inaasahan kaya siguro natuod lamang ako duon.


Napatikom ako ng bibig at hinayaan lamang sya.


Walang 'dug dug' effect. Tama nga ako.


Wala nga. Wala nga talaga kong nararamdaman sa kanya.


Huminga ako ng malalim at isinandal ako noo ko sa dibdib nya. "Bakit, Matt?"


"Ituloy mo..." Malumanay nyang sagot kaya nagtaka ako.


"Ha, ang alin?" Hindi ko alam kung ano ang meron kay Matt pero kahit na wala na akong nararamdaman sa kanya ay gusto ko ang yakap nya. Siguro nga, I badly need one. May kung anong meron sa yakap na ito na para bang ang warm. Nakakacomfort. Hindi pa din siya kumakalas sa yakap.


"Yung sasabihin mo dapat sakin nuong araw na nagtapat ako sayo? You said you like me too, pero?"

Huminga ako ng malalim at niyakap na din sya. Hindi madali ang sasabihin ko sa kanya dahil hindi ko nga naituloy yun, baka umasa sya.

Nakakatawa lang dahil dati ako ang umaasa sa kanya.

Kakaiba pala talaga ang pag-ibig.


"I like you too, Matt pero..." Humigpit ang yakap nya kaya naghina ako. Baka may iaasahan syang sagot. Ayokong makasakit nanaman. "Hindi sapat iyon."

Parang nahihilam nanaman ang mata ko. Wag kang umiyak, please, Annika.


"May mahal na talaga ko nuon ppero hindi ko agad narealize iyon. Akala ko talaga ikaw, Matt. Ikaw lang naman kase gusto ko nuon pero hindi ko alam na magbabago iyon at UNFORTUNATELY, pinsan mo pa."

Binaon ko ang ulo ko sa dibdib nya dahil na rin sa hiya. Akala ko ay magagalit talaga sya o malulungkot pero kabaligtaran ang narinig ko.


Narinig ko siyang ngumisi pero nakayakap padin siya sa akin.


"I knew it." Bulong nya sa akin. Napapikit naman ako. I sighed in relief.


"That's all i need to know. Tama pala ako. " Kumalas siya sa yakap kaya tiningala ko sya at nakita kong nakangiti nanaman sya. Minsan na akong nabaliw sa ngiti na yan.



Tumunog yung phone niya. May nagtext sa kanya. Binasa nya iyon ng tahimik. Ngumisi naman sya at ipinakita ito sa akin.


"Time's up na daw." Kumunot naman ang noo ko.

"Masyado na daw akong nakakaraming yakap sayo. Nagseselos na daw siya. Ang OA talaga nito."

Punong puno naman ako ng pagtataka at nang magtatanong na sana ako ay biglang...


Biglang may tumugtog na gitara at  nanggagaling ito sa may pintuan ng rooftop kaya lumingon ako duon...


S-Shane?


"It's now his turn, Annika. Sana pagbigyan mo siya." Bulong ni Matt mula sa likod ko habang ako naman ay tulala sa lalaking seryoso ang tingin sa akin.



- - -

Note: Last chapter na po ang next bago ang Epilogue.

the nerd and the heartbreaker ♠ liskookWhere stories live. Discover now