Chapter 4

2.2K 117 9
                                    

NOTE: Hi, @aestwest! Thankyou for the cover! I love it! :D

- - -

THE CASTS OF THE REVISED VERSION OF TNaTH:

Jungkook Jeon as Shane Harper
Lalisa Manoban as Annika Jiao
Eunwoo Cha as Matt Dallas
Jimin Park as Enrique Sanchez
Jennie Kim as Bridgit Mendler

- - -

It was Harper's birthday yesterday and seriously...





I don't really care much.


Akala mo naman kung sinong napakabait na nilalang at sangkaterbang regalo ang natanggap nya mula sa mga fangirls nyang silaw na silaw sa kayabangang taglay nya.


"Hoy, bruha! Nakasimangot ka nanaman dyan, ha? Anong problema mo dyan?" Niyugyog naman ni Bridgit ang balikat ko. Nakaupo kase sya sa likod ko. Nilingon ko naman sya at nginiwian.


"For sure, yamot nanaman yan kay Shane." Bored na sabat ni Quen na katabi nya lang.

Nakita ko naman ang unti unting paglaki ng mata nya na para bang biglang bigla sya sa pagmention ng pangalan ng pangit na iyon.

"Si S-Shane b-ba?"

Kasunod naman ng nauutal na pagtatanong nyang iyon ay ang pamumula ng mukha nya. Yumuko naman sya. Nagkatinginan na lamang kami ni Quen. Kumunot ang noo ko at bumaling muli kay Bridgit na pinaglalaruan ang kamay nya.

"Nabanggit lang yung pangalan nung bisugong Harper na iyon, nangamatis na yang mukha mo!" Naiinis kong puna sa kanya. Hinawakan naman nya ang mukha nya at lalong yumuko.

Kumunot nanaman ang noo ko at nilingon si Quen na parang nag-iisip. Humalukipkip sya at humarap sa katabi nyang si Bridgit.

"Breta, may hindi ba kami alam?" 

- - -

"Anak ng dinosaur? Nililigawan ka ni Shane?!" Manghang manghang tanong ni Quen. Napahawak pa ito sa bibig nya. Dahan dahan namang tumango si Bridgit. WHAT THE H- -

"Nagpaligaw ka kay Harper?!" Humalukipkip ako at umiling sa kanya. "Gaga nga."

Tinaas naman nya ang dalawa nyang kamay at pinigilan kami sa pagbabato ng mga tanong sa kanya. Seriously? Si Harper pa talaga, ha?

"Guys kalma lang kayo. Grabe naman kayo magreact." Nagpout naman sya at umiwas nanaman ng tingin. "Masyado ba kong pangit para sa kanya?"

Nginiwian ko naman si Quen dahil naloloka na ako sa mga nalalaman ko at sa nangyayari dito sa bestfriend ko. Huminga ako ng malalim at tinapik ang balikat nya.

"Hindi naman sa ganuon, Bridj. Alam mo masyado ka kaseng maganda para saktan lang ng bisugong Harper na yan. Aware ka naman sa bansag sa kanya diba? 'Harper the Heartbreaker' Alam mo naman siguro ibigsabihin noon no?" Tumango naman sya sa akin. 

"Oo nga! Luka ka din e, no? Bakit ka pumayag?" Naiiritang tanong ni Quen. "At paano ka nya napapayag?" Dagdag pa nya.

Bumuntong hininga naman sya at ngumiti ng pilit.

the nerd and the heartbreaker ♠ liskookWhere stories live. Discover now