Chapter 15 (LAST CHAPTER)

2.9K 112 22
                                    

NOTE: PLEASE PLAY THE AUDIO. OHGOD. THE SONG IS ON POINT, BABE SO ENJOY!

PS: LONG CHAPTER! BAWING BAWI!

- - -

" Lately, I've been thinking 'bout you~"

Hindi ako nakagalaw agad at tila ba ay naestatwa sa kinatatayuan ko. Nakatitig lamang ako sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Diretso din ang tingin nya sa akin. Kung ako ay para bang napipi dito, sya naman ay...

"Baby, you don't what I'm going through~"

Damn.

"But everytime, when I look at your face,"

"I forget about all my problems baby,

'cause you lighten up my day~" 


Nanatili lamang ang titig ko sa kaniya habang ganuon din siya sa akin. Napalunok na lamang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Bakit ganuon ang epekto nya sa akin? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?


" 'Cause whenever I'm with you it feels so right...~"


Naggigitara siya habang kumakanta. Sht. Ganito kaganda boses niya? Sabagay, paano ko nga naman mapapansin lahat ng ito noon kung ang pinupuna ko lang yung mali nya dahil sa sobrang pagkamuhi ko sa kanya?


"That's why i ask you this one question', girl,


Won't you please be mine?"


Parang nalock na siguro yung tingin namin sa isat'isa at walang makakaputol nito. Para bang dalang dala ako sa boses nya dahil pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Ito ba ang epekto ni Shane sa lahat ng babae sa school na ito? 


" 'Cause im falling for you~"

Nanlaki ang mata ko dahil sa linyang iyon sa kantang inaawit nya ngayon kasabay nang tila ba parang kakawala na ang puso ko dahil sa bilis at lakas ng tibok nito. Is he really falling for me? Then, why me?

"Girl you're the one I choose~"

Parang napakahirap paniwalaang sa akin ka nahulog, Shane. Anong meron ang isang Annika Jiao?

"Whatever you ask I do.

'Cause I care so much about you..."


Bigla siyang tumayo pero hindi pa din nawawala yung tingin niya sa akin.


"You're always on my mind

I need you to be by my side.

I want you to be mine, oh mine~"


Nakarating sya sa mismong harap ko. Nakatingala ako ngayon sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil pakiramdam ko ay nakulong ako sa mundo lang namin dalawa.


"For all time..."


Dahil na rin siguro sa sobrang humaling ko sa buong katauhan ng taong ito na nasa harap ko ay bahagya pa akong napalundag sa gulat nang biglang sumulpot si Bridj mula sa likod ni Shane. Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napakurap na lamang ako at nakatingin pa din sa kanya. Nakita kong umurong si Shane para bigyan kami ng moment ni Bridgit.

the nerd and the heartbreaker ♠ liskookDonde viven las historias. Descúbrelo ahora