Chapter 6

2.1K 95 18
                                    


"Hoy, Annika!"

Napakislot naman ako sa aking kinauupuan dahil sa biglang pagkalabit at pagtawag sa akin ni Quen. "Kahapon ka pa ganyan! Para kang na-aabno dyan." 

Bigla naman akong napatulala at nang maalala ko kung bakit ay hindi ko na napigilan pang ngumiti. SISIHIN NYO NGA SI MATT!

"Hoy, Bano!" Agad ko naman nilingon si Quen at sinamaan sya ng tingin. 

"SINONG TINATAWAG MONG BANO, HA?!" Nanlaki naman ang mata nya at napaurong ng bahagya dahil sa pagtaas ng boses ko. 

"H-ha? Ano..." Nagkamot pa sya ng batok at inayos ang beanie nya na parang nagiisip ba ng ipapalusot. Lokong to.

"Ang sabi ko, ako yung bano

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang sabi ko, ako yung bano." Pagbabawi nya dito kaya inirapan ko na lamang sya.

"Buti naman at alam mo!" Sagot ko sa kanya pagkatapos ay tinalikuran ko na sya at umayos ng upo.

"....nababano sayo."



Napakunot naman ako ng noo at dahan dahan syang nilingon na nagtataka. Nanlaki naman ang mata nya. OO NARINIG KO YUN KAHIT PA BUMULONG KA LANG!

Ano daw? Tama ba ko ng pagkakarinig?

"Ano kamo, Enrique?" Nakakunot pa din ang noo ko sa kanya habang sya naman ay napalunok. Ang weird nya naman.

Nag-iwas naman sya ng tingin sabay tuwid sa pag-upo. Sumandal sya ng maayos at tumingin muli sa akin.

"Wala! Sabi ko ang bano ko talaga." Humalakhak na lamang sya ng bahagya. Ang awkward ng tawa nyang iyon. Napabuga na lamang ako ng hangin sabay iling sa kanya. Nagkibit balikat na lamang sya at nagpakabusy sa desk nya.

Lord, help me po.

Ang weird na ng bestfriend ko.

Ang weird na nya katulad ng isa ko pang bestfriend na si Bridgit. Si Bridgit na weird ang taste dahil sa dinami dami ng nagkakagusto at at gusto syang ligawan, ay ang hinayupak pa na Shane ang pinili nya. Haynako.

Speaking of Bridgit Mendler my loves, nasaan ba sya?

"Nasaan nga pala si Bridj? Himala yata at hindi kayo nagbabatuhan ng pencil case na take note, gawa sa bakal na pencil case o kaya naman ay naghahabulan ng cutter?"

Ngumuso naman sya kaya tumingin ako sa direksyon nuon.

"Ayun oh." Napaismid na lamang ako kung nasaan si Bridgit.

Kasama pala nya yung pagkapangit-pangit nyang manliligaw na walang iba kung hindi ang kumag na si Shane Harper.

Napansin yata ni Bridgit na nakatingin ako sa kanya kaya kinawayan nya ako. Pilit na lamang akong ngumiti at kumaway din sa kanya kahit na mukha kaming siraulo na nagkakawayan sa isat-isa na akala mo naman ang layo ng pagitan namin e dalawang silya lang naman.

the nerd and the heartbreaker ♠ liskookWhere stories live. Discover now