Chapter 12

1.8K 92 4
                                    

"Ms. Jiao?" Nilingon ko naman agad ang adviser namin.

  

"Yes, Ma'am?"

  

Hindi naman nya ako tiningala pa at nagpatuloy lamang sa chinecheck nyang test papers. Tinutulungan ko din kase si Ma'am magcheck ng exams namin.


"Mula ngayon, hindi na part ng section natin si Mr. Shane Harper."

Napatigil ako sa ginagawa ko at dahandahan muli syang nilingon. Parang wala naman din kay Ma'am ang sinabi nya. Hindi ko alam kung nasa posisyon ba ako para magtanong pero tutal nadito na din naman na ako...


"Alam nyo din po ba Ma'am kung bakit?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya. Inayos naman nya ang suot nyang salamin at tiningala ako. Nagkibit balikat naman sya at bumalik muli sa kanyang ginagawa.


"Hindi ko din alam pero ang pagkakaalam ko, bumalik na siya sa dati niyang section."

Naramdaman kong hindi sapat ang sagot ni Ma'am kaya nakuha ko pa muling magtanong. 
"Sa tingin nyo, Ma'am, bakit kaya?"

Sa pangalawang pagkakataon ay tiningala muli ako ni Ma'am pero this time ay nakakunot na ang noo nya.

  

"Bakit ba parang marami kang tanong kapag tungkol sa kanya?"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa pagbato ni Ma'am ng tanong bigla bigla. Ni hindi ako nakasagot agad.

"Kahit noong bagong lipat sya sa klase ay para bang apektadong apektado ka. May gusto ka ba sa kanya?" 

Hindi ko alam kung seryoso ba si Ma'am sa tanong nya o hindi pero napakagat na lamang ako sa labi ko at pinagpatuloy muli ang pagchecheck. 

Ano nga naman ba ang karapatan kong magtanong tungkol sa kanya?


- - -

"So, hindi na natin magiging classmate si Shane?" Inirapan ko naman si Bridgit dahil inulit lang naman din nya ang sinabi ko.


"Kasasabi lang diba?" Sinapak naman nya sa likod si Quen dahil sa pagsabat nito kaya nagsamaan sila ng tingin. Napailing na lamang ako at nangalumbaba. Magkakatuluyan rin kayong dalawa, wait nyo lang.



"O, bakit mukhang yamot ka diyan?" Hinarap ko naman si Quen ng may kunot noo.


"Sinong yamot, ako? Hindi." Sagot ko sabay baling muli sa pagbubuklat ng pahina ng nakuha kong libro na wala naman akong pakialam talaga sa nilalaman.


"Hindi daw?" Hindi ko na sya pinansin pa pagkatapos nya ulitin iyon. Minsan talaga Quen, dapat tikom mo bibig mo.


"Hayaan mo na yan. Hobby nya talaga magdeny. Alam mo naman."Dagdag pa iyan ni Bridj pero hindi ko na din pinansin. Tumayo na ako ng tuluyan at nilingon sila pareho na nagtatakang nakatingala sa akin.


"Magsi-cr muna ako." Nagpaalam ako sa kanila.


- - -

Habang papunta ko sa cr ay may nakahagip ng atensyon ko.

   

Ilang linggo na din akong nanghihina pero pakiramdam ko ay lalo akong nanghina sa nakita ko.

  

Aba, masaya naman pala siya e.

  

Nasa di kalayuan si Harper. May kaakbay syang babae. Nakikipagtawanan pa sya dito.

   

Great. Just great.


Napayukom ako sa kamao ko habang pinagmamasdan ko silang mukhang dadaan sa direksyon ko. Ni hindi pa nila ako napapansin.

Halos dalawang lingo akong mabaliw baliw tapos nandito lang pala siya at mukhang masayang masay pa.


Dalawang linggo akong nag-iisip kung gaano ba ko kasama dahil sa mga nagawa ko lalo na sa pagiging manhid ko. Pakiramdam ko lalamunin ako ng konsensya ko.

  

Tapos makikita ko sya dito na parang wala man lang nangyaring kahit ano dahil nakukuha nya nang tumawa ng ganyan? AT AKO?  GUSTO KONG MAGMURA, ALAM NYO BA YUN?


Napatigil naman siya sa paglalakad at parang naestatwa nang makita niya ko.


Mga ilang segudo din kaming magkatitigan pero agad nya itong binawi. 


Naglakad na siya nang deretso habang kaakay pa din ang babaeng iyon. Hindi ko na napigil pa at tinawag ko sya.

   


"Shane."

Sa unang pagkakataon ay tinawag ko sya sa kanyang pangalan. Nakalagpas na sya sa akin kaya hindi ko alam kung tumigil nga ba sya. Nilingon ko sya at nakita ko...

Nakatalikod sya pero tumigil sila sa paglalakad. Pakiramdam ko ay hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.


"Let's talk."


Nakita ko ang pagkairita sa mukha ng kasama nya pero dahil wala nga akong pakielam ay hinayaan ko syang magmaktol ng patago duon.

  

Nilingon nya ako ng dahan dahan. Bakas na bakas sa mukha nya ang pagtataka.


Sa pangalawang pagkakataon ay magkatitigan nanaman kami. Ayokong dito bumigay pero sa totoo lang...

   

Nanghihina ako. Nararamdaman ko ang unti unting paglambot ng mga tuhod ko.  


Tinitigan ko syang mabuti at hindi ko alam kung ano itong naramdaman ko pero isa lang ang sigurado ako. Masakit.


Bumalik na sya dati habang ako naman ay nagbago ang pananaw sa lahat. Sa maraming bagay...



Nakikita ko ang pag-aalinlangan sa mukha nya at nadadama kong tatanggi siya kaya pinangunahan ko na.

  

"This would probably be the last. Sandali lang naman. Sisiguraduhin kong hindi na kita aabalahin pa sa susunod." Deretso kong sabi sa kanya.


Tinalikuran ko na sya at naglakad na nang deretso.

  

Naramdaman kong sumunod sya dahil sa naiinis na boses na narinig ko mula sa kasama nya, tinatawag ang pangalan nya.


the nerd and the heartbreaker ♠ liskookHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin