Chapter 13

1.8K 93 3
                                    

"Now what?"

"Now what?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  

Parang naiinip niyang tanong habang umaakyat kami sa rooftop. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag sumigaw pabalik at nagpatuloy lamang sa pag-akyat ng hagdan.


Nang tuluyan na akong nakatungtong sa mismong rooftop ay huminto ako sa paglalakad at nilingon ko siya kaya naman huminto na din siya.

  

Deretso ang tingin ko sa kanya kaya naman kumunot ang noo nya.


Lumapit ako sa kanya.


*pak*


"Yan ay para sa pagpuyat sa akin sa kakaisip na masama ba ako at nasaktan kita pero mukhang mali ako."

  

Nakita kong bumuga sya ng hangin at pinaningkitan ako ng mata.

  

"Ano bang sinasabi mo, Ann- -

  

*pak*


"ANONG SINASABI KO?! HIND KO NGA DIN ALAM E! HINDI KO ALAM KUNG KUNG BAKIT NAGSAYANG AKO NG ORAS NG KAKAISIP KUNG ANO BANG NAGAWA KO SAYO! KUNG OKAY KA LANG BA? KUNG NASAKTAN KO BA TALAGA YUNG FEELING MO?! HALOS MAPUYAT AKO KAKAISIP SAYO! LETCHE!"


Naramdaman ko na lamang na umiiyak na pala ako dahil sa pagpiyok ko. Deretso pa din ang tingin ko sa kanya at kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya.


"Akala ko absent ka! Nag-aalala ako! Nag-alala ako, alam mo ba yun? Akala ko grabe yung nagawa ko sayo kaya halos dalawang linggo ka nang hindi pumapasok pero yun pala..."

  

Tumigil ako dahil hagulgol na ang sumunod duon.


Napahikbi na ako ng malakas. Hahawakan nya na dapat yung balikat ko pero tinabig ko iyon agad. Sinuntok ko sya sa dibdib kahit alam kong imposibleng indahin nya iyon dahil alam kong mahina ako.

  

Pinilit ko pa ding magpatuloy.  


"YUN PALA BUMALIK KA LANG SA SECTION MO! BUMALIK KA SA PAGIGING HEARTBREAKER MO! SA PAGIGING PLAYBOY! DATING GAWI NA PALA, NO? SANA IN-ORIENT MO NAMAN AKO!"

  

Hinayaan nya akong suntukin ko sya muli.


"SANA IN-AWARE MO KO! HINDI YUNG MUKHA AKONG TANGA DITO! HALOS WALA NA KONG MAPERFECT NA QUIZ DAHIL LANG SA KAKAISIP KUNG PAANO AKO MAGSOSORRY SAYO! KUNG PAANO AKO BABAWI SAYO!"


 Nanatiling nakatingin lang siya sa akin at tintanggap ang mga suntok ko sa kanya.


"HALOS HINDI AKO MAKAPAGPARTICIPATE SA KLASE DAHIL MAS INUNA KO YUNG KAKAISIP SA PUTAPETENG SHANE HARPER NA YUN! AKALA KO NILAMON NA SYA NG LUPA O SUMAMA SA MGA ALIENS! Tapos makikita ko..."

Kinagat ko ang labi ko dahil nararamdaman kong parang literal na may tumutusok sa puso ko. Masakit.

  

"MAY KALAMPUNGAN KA NANAMANG SUGPO! NAGTATAWANAN PA KAYO! ANG SAYA NIYO HA? BUTIK KA PA MASAYA NO?! DAMANG DAMA KO E! SANA KUNG PAPALITAN MO KO SANA YUNG MASA MAGANDA SAKIN! "


Tumigil na ako sa pagsuntok sa kanya dahil hiningal na din ako sa pagod nang pagsigaw at pag-iyak. Sa mga suntok at sampal na iyon ay ni wala man lang siyang inindang sakit.


Ganuon na ba ako kahina?  

  

Ang reaksyon nya ay blanko. Banko na nakatingin sa akin ng deretso.


"Tapos ka na?"

  

Tipid na tipid nyang tanong. 


Nagpintig ito sa tenga ko. WTF, IYON LANG ANG KAYA NYANG SABIHIN SA AKIN PABALIK?!


"WALA KA TALAGANG PUSO NO? PAGKATAPOS NANG- -



"Annika, ano ba? Wag mo nga akong paniwalain na may pakielam ka sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka. Hindi naman ako yung gusto mo, diba?"

Lumapit sya sa akin lalo habang nakatingala ako sa kanya na hinihingal pa din.

  

"SI MATT ANG GUSTO MO. YUNG PINSAN KO ANG GUSTO MO KAYA PWEDE BA- - 

  

*pak*


"ALAM MO MINSAN HINDI KO ALAM KUNG GINAGAMIT MO BA YANG UTAK MO E, NO?! Oo, sinabi kong gusto ko siya pero sinabi ko bang mahal ko siya!? Hindi naman diba?"

  

Napakurap naman sya na para bang hindi nagproseso sa kanya ang sinabi ko. Huminga ako ng malalim bago sya tiningala muli. Napayukom na din ako sa kamay ko.

  

"..KASI IKAW ANG MAHAL KO! EWAN KO BA KUNG BAKIT IKAW ANG GUSTO KO! WAG MO NANG TANUNGIN DAHIL HINDI KO DIN ALAM KUNG BAKIT KAHIT YOU'RE ONLY CAPABLE OF HURTING MY FEELINGS!"

Tuluyan na ako napagod pero ayokong bumigay sa harap nya kaya pinili ko na lamang na umalis. Bago pa man ako tuluyang makarating sa may pinto ng rooftop ay nagsalita muli ako nang hindi lumilingon sa kanya.

    


"You're still the same, Shane. You're really a certified heartbreaker. Aren't you happy now? You already broke mine."

  

Napakagat ako sa labi ko at nagpatuloy.

   

"You successfully broke this nerd's heart, jerk. Congratulations."

the nerd and the heartbreaker ♠ liskookWhere stories live. Discover now