Chapter 3

2.4K 109 8
                                    

THE CASTS OF THE REVISED VERSION OF TNaTH:

Jungkook Jeon as Shane Harper
Lalisa Manoban as Annika Jiao
Eunwoo Cha as Matt Dallas
Jimin Park as Enrique Sanchez
Jennie Kim as Bridgit Mendler

- - -

"Irony is to say one thing but to mean something else to make something understood by expressing its opposite."

Nilingon ko naman sya at nakita kong nakangisi lamang sa akin at tumatango tango. Alam ko namang hindi sya nakikinig e. Naiirita na talaga ako kaya wala na din akong lakas pa para bungangaan sya.

Tutoring the biggest jerk of the campus, hindi naman ako naging bad girl para parusahan ng ganito. Naging mabait naman akong mag-aaral. Pero bakit ako pa- -

"Example?" Ngiting-ngiti nyang tanong sa akin habang itinutukod nya ang siko nya sa desk ko at ang mukha nya ay ipinatong nya sa mukha nya at lumapit sa akin. Lumayo naman agad ako. Bakit ba napakahilig nyang lumapit ng ganito? Akala nya ba malalandi nya ako, ha? MANGARAP SYA!

Huminga na lamang ako ng malalim. Baka sakali namang mapagod sya sa pangungulit sa akin kung hindi ko papansinin at iindahin ang mga pang-aasar nya.


"It's your birthday and you have a very important exam. You make a remark:'Great! This is just what I needed!'."

Tumango tango naman sya habang nakangisi sa akin. Kahit mukha pa lang nya nakikita ko at hindi pa sya nangungulit, nakakaasar na e. Paano pa kaya kapag pinipikon nya na ko? Haynako. THE STRUGGLE IS REAL.

"Oh! Like... It's my birthday and I have a bitter, ugly nerd of a tutor who always frown, should I make a remark:'Great! This is just what I needed!' ?"

Tinikom ko naman ng madiin ang labi ko at binigyan sya ng pekeng ngiti. Siraulo talagang to!

"I have another perfect example, Mr.Harper. It's a sunny morning and I have to tutor the biggest jerk in this campus. I have to make a remark. 'Great! This is a perfect day ahead.'."

Inirapan ko na lamang sya pagkatapos noon. Tumayo na din ako at sinimulan na ayusin ang gamit ko. Tumingala  lamang sya sa akin na parang nagtataka.

"Yan muna for today. I have more important things to accomplish kaysa dito sa kalokohan mo." Aakmang aalis na ako at nakatalikod  na sana sa kanya pero hinila nya muli ang kamay ko kaya napalingon ako muli. Handa na sana ako sumigaw pero nakita ko ang blanko nyang ekspresyon. Hindi ko pa ito nakikita noon dahil laging mapang-asar na mukha ang pinapakita nya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako umimik at sa halip ay hinintay syang magsalita.



 "You're not ugly, okay? I was just kidding." Kumunot naman ang noo ko. Okay. Ano nanaman ito?  


"and ..." Hindi nya agad dinugtungan iyon. Tinitigan ko sya dahil inoobserbahan ko kung anong engkanto ang sumapi sa kanya at ganito sya ngayon.

"and what?" Tinikom nya ang bibig nya at ibinaling ang tingin nya sa may bintana ng classroom. Kasabay noon ang unti unting pagluwag ng hawak nya sa kamay ko.



"It is really my birthday today..."

- - -

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

- - -

Author's Note:
I am really sorry for this short update. How is the revised version so far? Is it good? Please let me know in the comment section below. Thank you.

Love,
TheLostAngelle 

the nerd and the heartbreaker ♠ liskookWhere stories live. Discover now