Chapter 22

104K 2.8K 85
                                    

Binihisan ako ni Winona at ng styling team na nandito. They've put me into this skirt and a crop top yung mga tipo ng damit na hindi ko isinusuot. I also have this heels na halos umabot na sa tuhod ang tali. My gosh. Hindi ko akalain na makakapag suot ako ng ganitong klase ng mga damit sa buong buhay ko.

"Tara na Jaqie." Yaya sa akin ni Winona palabas ng dressing room. "Kailangan mo nang lumabas diyan dahil may iba pa kaming ipapasuot sayo after nito."

"No! Hindi ako lalabas ng ganito ang itsura ko!" I told her. She just rolled her eyes. Aba kanina lang nagmamakaawa sakin itong bata na to.

"Bakit ba? Bagay naman sayo." Hinila niya ako palagabas at hindi na ako nakaplag dahil hirap na hirap akong gumalaw sa soot ko ngayon, lalo na sa heels.

"Wow Kaki. Maganda ka pala?" Drew teases. I rolled my eyes at him.

"Dati na akong maganda, humble lang." We both laughed then Winona told us to start the shoot since may ipapasoot pa nga daw sila sa amin.

Pinapunta nila ako sa gitna then lumapit si Keith sa akin. We started with a very awkward pose. Dahil sa totoo lang ayokong magdikit ang mga balat naming dalawa.

"Hay ano ba yan. How can we get a nice shot kung hindi kayo magdidikit?" Keith started to touch my arms and I immediately moved my arms. Para akong nakuryente sa paghawak niya sa akin. I looked at Drew and he has this confused face and Winona has this disappointed look on her face. I sighed.

I tried to hold Keith's arms. Nagsimula na ulit si Drew kumuha ng litrato habang tumatagal mas nagiging confident naman ako kahit na nagdidikit ang mga kamay at braso namin ni Keith pero hindi ko hinahayaan na ang buong katawan namin ang magdikit.

"Okay. I think we got it." Drew said. Nakahinga naman ako ng maluwang. Sinabihan ako ng isa sa mga nagbihis sakin kanina na kailangan na daw namin bumalik ng dressing room para sa next outfit.

This time pinasoot nila ako ng isang silver body suit na parang one piece swimsuit, then pinasoot nila ako ng distressed jeans at heels. Naghihintay ako ng kahit anong cardigan or jacket pero wala silang binigay hanggang sa hilahin nanaman nila ako palabas. I already saw Keith there at nakita ko din ang paglaki ng mata niya nang makita ako. I want to smile at him, ito ang pinakawalan mo.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Keith. "Why do you have to make her wear something like that?" Parang natakot naman ang ibang stylist at hindi nakasagot.

Bakit ganon ang reaction ng mga tao? Kanina ko pa nahahalata na parang takot ang mga tao dito sa kanya. I don't remember anyone na takot sa kanya sa office noon. As a matter of fact, mas takot sila sa akin kesa kay Keith. He's not even smiling today, hindi kagaya noon na nakangiti siya kahit kanino. Maybe he's not in the mood because of me?

"Ay Keith hindi pa naman yan eh. Bibigyan namin siya ng jacket mamaya ayun oh." Itinuro ni Winona ang isang babae na may hawak na pastel pink colored bomber jacket. Keith sighed at hindi na nagsalita. Lumingon si Winona kay Drew. "Let's start."

Nang makapunta ako sa gitna I heard a music in the background playing Don't say you love my by The Corrs. Lumingon ako sa paligid and I found Winona smiling. What? Of all the songs that they can play. Bakit yan? At bakit ba ang hilig magpatugtog ng background music ng mga tao sa paligid kapag tungkol sa amin ni Keith?

"Do you really have to play a song?" I asked Winona.

"Of course! Para mas may feelings." I sighed. Patience Jaqie. Patience.

I saw Keith smile at Winona and she thumbs up. He just shook his head then looked at me with that smile on his face. I catched my breath. Bakit ba hanggang ngayon may ganon paring epekto sa akin ang lalaking to?

Nagsimula na ulit ang shoot. This time I was more comfortable with Keith and I can see the people around us having a bright face na para bang aliw na aliw sila na panoorin kami.

"Karina. I'm sorry." I heard him say. I kept a straight face at hinarap si Keith.

"For what? Sa pagpapaasa sa akin? No Keith. You don't have to say you're sorry." I smiled at him. Yeah, I sounded bitter alright.

"I never meant to hurt you. It was—"

"No. you don't have to explain." Hindi ko na siya pinatapos magsalita. "What we had that time is nothing serious. It was like a spur of the moment."

Sumeryoso lalo ang mukha niya at binatawan ako. Habang nakatitig ako sa kanya hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko. Parang nasaktan siya sa sinabi ko.

"It was real to me." He said and walked out and before he left he said something to everyone. "This is enough. I'm going now."

I saw Winona closed her eyes and sighed.

Ano bang masama sa sinabi ko? Totoo naman di ba? We were just caught in the moment dahil palagi kaming magkasama. And what does he mean when he said it was all real to him when it was him who left me in the first place.

"Jaqie thank you talaga. You don't know how much your help means to me." Nagsasalita pa si Winona pero hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Keith. Why does he sound so hurt samantalang ako dapat ang nagagalit at hindi siya?

Sinundan ko siya ng tingin nang makabihis at makalabas siya ng dressing room. May nagbago talaga sa kanya. He's always so serious hindi gaya noon na palagi siyang nakangiti sa mga tao. Speaking of smile, hindi ko manlang siya nakitang ngumiti ng abot hanggang mata ngayong araw. I wonder what happened in the past 3 years.

I shook my head. No Jaqie, wala ka na dapat pakealam sa kanya. Ikaw ang iniwan. I reminded myself.

Sumakay na siya ng elevator and before the door closed, nagkasalubong ang mga mata namin. He just stared at me with cold eyes that I never thought I would see in him.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon