Chapter 5

136K 3.4K 205
                                    

"Are you crazy?!" Galit na tanong ko kay Keith. "Anong akala mo sakin gold digger? For your information, I worked so hard for me to achieve this position that I am in right now. Wala akong ginamit na tao para marating to."

Maslalo akong nainis nang tumawa siya ng sobrang lakas. Muntik pa nga siyang mahulog sa inuupuan niya. Sayang dahil hindi natuloy.

"Kalma lang. Wala akong sinabing gold digger ka. I was joking alright?"

I stood up and went near him. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, nakita ko namang napalunok siya but I kept a straight face.

"Hindi nakakatawa ang biro mo Keith Adrian."

Nagtitigan lang kamig dalawa hanggang sa makarinig ako ng tumikhim sa pinto. Nakita ko si Barney na parang hindi alam ang gagawin.

"Uhm ma'am nandiyan po ang mama niyo, gusto niya daw po kayong makita." Napakunot noo ako.

"Bakit hindi mo pa pinapapasok ang nanay ko?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Ah ma'am kasi po.." Sumulyap siya kay Keith na ngayon ay nakasubsob ang ulo sa lamesa ko. I get it.

"Hey you." Tawag ko kay Keith. Wala na akong pakealam kung kapatid siya ng CEO dito. My mother is the most important person for me. Inangat naman ni Keith ang ulo niya. "Get out. Nandiyan ang nanay ko."

He cocked his head to one side and his lips twitched into a slight smile.

"Then let her in." He simply said. I crossed my arms at him but he just ignored me. Instead, tumingin siya kay Barney. "Let her in Barney."

Tulalang tumango naman si Barney at saka naglakad para puntahan ang nanay ko. I sigh.

"That's not fair. You used your charm on him!" Tinuro ko pa ang pinto kung nasaan si Barney kanina. Napangiwi naman siya, pagbanggit ko sa pangalan ni Barney.

"I didn't know we're in a game Karina. Well, life's not fair darling. Remember that." He leaned forward, one arm flat on the table while the other is under his chin and his index finger is across his lips trying to hide his smile. Oh my.. that lips.

"Kaki!" Nalipat ang atensyon ko kay nanay. Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Bakit po kayo nandito?" Tanong ko. Hindi naman kasi siya dumadalaw dito.

"Na-miss lang kita anak."

"Nay nasa iisang bahay lang po tayo." Sagot ko. Totoo naman eh. Nasa iisang bubong lang kami.

"Kaki naman. Nasa iisang bahay nga lang tayo pero hindi naman kita nakikita. Gigising ako sa umaga nakaalis ka na, umuuwi ka tulog na ako." Malungkot na sabi niya.

"Good afternoon po." Napatingin kami ni nanay kay Keith. Nakalimutan kong nandito pa pala to. Sumulyap sa akin si nanay bago ngumiti kay Keith.

"Magandang hapon din hijo." Lumapit si Keith at nag-mano sa nanay. Aba, marunong din palang gumalang ang isang to. "Kaawaan ka ng diyos. Kaibigan ka ba ng anak ko?"

"Siya po si Keith Dawson, nay. Kapatid ng CEO namin, siya rin po ang pansamantalang boss ko habang wala si Krisandra." Sumingit na ako bago pa kung anong sabihin ni Keith. Mahirap na, hindi kami friends noh. Asa siya.

Para namang nagulat si nanay at biglang kinabahan. Napa-irap naman ako nang inayos pa niya ang damit at buhok niya. Naka-simpleng blouse at pantalon lang kasi si nanay.

"Naku sir Keith pasensya na po kayo. Nakaka-istorbo yata ako. Hindi naman po kasi sa akin nabanggit itong anak ko na may bago po siyang boss at saka pinapasok niya po ako dito kaya hindi ko po alam na may meeting pala siya." Pagpapaliwanag ni nanay.

Naku nay, kung alam niyo lang. Hindi naman talaga kagalang-galang yang tamad na yan. Tumawa naman si Keith.

"Kiko nalang po. Nag-uusap lang naman kami ni Karina." Nakangiting sabi nito. Ako lang ba o pati ang nanay ko biktima ng karisma ng lalaking to dahil nakatulala lang siya kay Keith?

Siniko ko si nanay nung hindi siya nagsalita. Para namang natauhan si nanay.

"Ay naku asan na nga ako? Ah o-oo sige. Ay naku nakalimutan ko yung sinaing ko sa bahay. Ano, anak sige usap nalang tayo sa bahay." Natatarantang sabi ni nanay. Hindi na nga ako nakapagpaalam dahil derederetso siyang umalis. I sigh, walang duda. Tinamaan si nanay ng karisma ng mokong.

"Hindi ba masusunog ang bahay niyo?" Tanong ni Keith.

"Huh?"

"Di ba sabi ng nanay mo naiwan niya yung sinaing niya sa bahay niyo?" Takang tanong ulit nito. Dang, paano ko ba lulusutan to? Alangan namang sabihin ko na 'Ha ha hindi yun totoo. Palusot lang yun ni nanay dahil nataranta siya sa kagwapuhan mo.' edi nabatukan na ko nI nanay pag-uwi ko?

"Ah no. May fire alarm kami sa bahay." Umiwas na ako ng tingin at kinuha ulit ang laptop ko.

"Oh good. Nakakatuwa ang nanay mo noh?" Tumingin ako sa kanya. His voice sounds happy, but his eyes looks sad. I wonder why.

•••

"Nay, nandito na po ako." Tawag ko kay nanay pagpasok ko sa bahay. Maaga akong umuwi ngayon dahil alam kong gusto niya akong ka-usapin. Lumabas siya sa kusina kaya naman lumapit ako sa kanya upang humalik sa pisnge.

"Kaki, mabuti naman at maaga kang umuwi ngayon. Matagal na kitang gustong maka-usap." Napakunot noo ako. "Halika na, kumain ka na muna."

Inilapag niya ang hotdog na medyo tutong sa harap ko. Kumuha ako ng isa at kumain. Sanay na ako sa mga ganitong luto ni nanay. Hindi kasi talaga siya marunong. Kay tatay ako natuto magluto at isa iyon sa namana ko sa kanya.

"Bakit po pala kayo pumunta sa opisina ko, nay?" Mas lalo akong nagtaka nang bumuntong hininga si nanay.

"Anak bakit mo tinanggihan ang kasal na inalok ni Edwin?" Umiwas ako ng tingin. "Dahil ba sa akin?"

Hindi ako umimik. Sa totoo lang, isa si nanay sa dahilan kaya tinanggihan ko si Edwin. Walang mag-aalaga sa kanya kung magpapakasal ako. Lalong lalo na kapag nagkapamilya ako. Ayokong iwan mag-isa ang nanay ko na nagpalaki at nag-alaga sa akin.

"Kaki, alam kong mahal mo ko. Alam ko din na kaya ka rin puspos sa trabaho ay para hindi na ulit natin maranasan ang nangyari noon. Pero anak naman, bigyan mo din ng oras ang sarili mo. Wala na akong sakit at ang pera natin ay tama na para mabuhay tayo."

"Nay, marami pa po akong gustong maabot."

"Anak, hindi mahalaga kung anong narating mo sa buhay. Ang mahalaga ay kung masaya ka ba sa buhay mo. Ngayon anak tatanungin kita, masaya ka ba?"

Halos hindi ako makatulog dahil sa naging usapan namin ni nanay. I know that she's right. Am I really happy? Maybe yes, maybe no. I'm not sure. Pero alam kong hindi pagpapakasal ang magpapasaya sa akin. Pakiramdam ko may kulang pa sa buhay ko at hindi ko pa kaya ang bumuo ng sarili kong pamilya. I need more time. Siguro sa tamang panahon oo, but now? I think marriage is not yet for me.

~~

AN: Happy mother's day to all the mothers out there.

I dedicate this chap for my mom. Happy mother's day mama! From your second daughter who loves you very much.

-gelailah

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon