Chapter 2

199K 3.9K 451
                                    

Chapter 2



I am walking towards the entrance of the restaurant where Krisandra and I would meet. I approached the reception. Tinanong niya ako kung may reservation ako at sinabi ko naman ang pangalan ni Krisandra, pagkatapos ay dinala niya ako sa pinakadulong lamesa. I saw Krisandra and as usual, she beamed and waved her hand at my direction. Minsan iniisip ko kung siya ba talaga ang mas matanda sa amin. She is now in her 40s but sometimes she doesn't act like her age.

"Hi Jaqie!" bati niya sa akin pagkalapit ko. Umupo ako sa harap niya. Napansin kong may isang set pa ng kainan sa tabi niya.

"Good evening, Krisandra," I greeted her back and bowed my head. She rolled her eyes at me.

"Try smiling Jaqie. Tatanda ka ng maaga niyan, baka maunahan mo pa 'ko," nang-aasar na sabi niya. I can't blame her, masiyado siyang maganda at mukhang bata.

"Are we waiting for someone?" I said, sumulyap ako sa pinggan na na sa tabi niya. Sinundan naman niya ang tingin ko.

"Oh, right. We are waiting for my brother," nakangiting sabi niya. "Yun nga ang favor ko. As you know, tumatanda na ako. Gusto ko namang mag-vacation kasama ang asawa at mga anak ko at hindi ko pwedeng pagsabayin 'yon at ang pag mag-manage ng business."

"I didn't know that you have a brother." Napakunot noo ako, akala ko siya lang ang naging tagapag-mana ng Dawson Enterprises.

"I know, I know. Hindi ko nakwento sa'yo na may kapatid ako. Ayaw ko lang na madamay siya sa mga issues ko noon," sabi niya. "Pero kapag pumupunta ako abroad siya ang dinadalaw ko."

"Where is he?" I asked habang tumitingin sa paligid.

"He just came back from London yesterday. Pinaki-usapan ko siya na siya na muna ang bahala sa business habang wala ako, and I want you to help my brother in managing the company."

"So you will leave the company to him? How old is he anyway?" seryosong tanong ko.

"I'm 26." Narinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko. Lumingon ako sa kanya at napakunot ang noo ko sa nakita ko. He's weird. He's wearing a black leather jacket with a white shirt inside and a faded jeans. I know his clothes looked natural, but the thing that makes him weird is that he still has his helmet on. Bakit hindi niya inaalis 'yun?

"Kiko, bakit hindi mo pa tinatanggal iyang helmet mo? You're already inside." Pagalit na sabi ni Krisandra.

"Too lazy to lift my arms," simpleng sagot nito. Napanganga ako. Seriously? Umirap naman si Krisandra na para bang sanay na sanay na siya sa kapatid niya.

"Remove your helmet Kiko." Lumapit naman sa kanya ang lalaki at tinanggal ang helmet. Pero hindi ko pa makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sakin, humalik siya sa pisnge ng ate niya, niyakap naman siya nito sa leeg at hinalik-halikan na parang baby.

Pa-cool pa siya, ate's boy naman.

"Jaqie meet my brother, Keith Adrian Dawson." Nakangiting sabi sakin ni Krisandra. Humarap naman sa akin ang lalaki. Nagkatitigan kaming dalawa, his eyes look familiar. I noticed na tumingin sa kanya si Krisandra, "Kiko, meet Karina Jaqie Femora. My friend and my most trusted employee."

Hindi parin naaalis ang tingin ko sa lalaki. Parang nakita ko na talaga siya. I noticed the smirk on his lips. Pagkatapos ay tumingin siya sa kapatid niya.

"Are you sure about her Ate Kriseng? I think I heard her this morning, sinabihan niya ang secretary niya na mag-file ng resignation at maghanap ng ibang trabaho," sabi niya ng hindi nawawala ang ngisi sa labi. Then it hit me. Siya 'yung tamad na lalaking natulog sa cafe. Hindi ako nakapagsalita sa gulat, narinig ko na lang si Krisandra na nagsalita.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon