Chapter 25

112K 2.8K 113
                                    

"Where's everybody?" I asked as I entered the van na sasakyan namin papuntang Bicol. Nandoon kasi ang resort kung saan gaganapin ang shoot.

"Wala pa po maam eh." Sagot ng driver. Tinulungan na niya akong isakay ang mga dala kong gamit. Since five days iyon, medyo marami din ang bitbit ko.

Medyo maaga pa naman kaya naupo na muna ako unahan at nagbasa ng libro. I looked at ny watch again 5:15am palang at six in the morning ang usapan. Habit ko na kasi ang one hour earlier kapag mga ganito.

"Akala ko ba 6 am ang alis ng sasakyan? Bakit wala pa sila?" Napakamot nalang sa ulo ang driver. It's already 6:10 at wala parin dumarating. Kung mga empleyado ko lang sila malamang nasesante ko na. I'm really stict about tardiness.

"Maam nagtext po pala yung agency ng modeling. Hindi na daw po sasabay dito sa bus yung mga models at make up artist kasi may ginawa daw po silang photoshoot at dumeretso na sila ng bicol pagkatapos." Napakunot ang noo ko habang nagsasalita si manong.

"What? They should've told me earlier!" Tinignan ko ang driver na napakamot nalang ulit sa batok. Tumango nalang ako sa kanya at naglakad pabalik ng upuan ko. Kung alam ko lang na magiging ganito edi sana nag drive nalang din ako papunta ng bicol. Nagsimula nang mag drive si manong. I want to sleep but I can't. Kinakabahan kasi ako dahil makikita ko si Keith sa resort.

"Manong bakit tayo tumigil?" Tanong ko nang bigla siyang huminto sa isang gasoline station. It's been four hourse simula nung umalis kami ng manila.

"Ay maam iihi lang po ako madali lang." Bumaba na si manong at naiwan ako mag isa sa sasakyan. I took out my phone to text Drew.

To: Drew

Hindi nila sinabi sa akin na hindi sasabay ang ibang model kaya mag isa ako ngayon! I knew I should've brought my car. This is all your fault.

Naghintay ako ng reply pero hindi siya sumagot. Hindi kasi siya makakapunta kaagad sa resort dahil may nauna na siyang plano. Si Drew kasi ang nagsabi na sumama nalang ako sa mga models pang good shot sa magazine company.

"Stupid Drew. Stupid people. I hate them. They're all stupid. Ugh!" Pagmamaktol ko habang nakatingin sa cellphone ko.

"Is it lunch time already?" Napatalon pa ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. I turned around to look and I froze as I realized who it was. "Karina? Where's everybody?" He looked around.

"Anong ginagawa mo dito?" Nang mapagtanto na walang ibang tao he looked directly at me, his eyes captured mine and that's it. My heart was lashing on my chest. Those familiar brown eyes that I used to look at and not the cold one.

"I was sleeping." He said as he stretched his arms. I rolled my eyes. Ano pa nga ba? Hindi siya si Keith kung hindi siya natutulog sa kung saan.

"Kanina ka pa ba diyan?"  Hindi ko naman siya napansin na sumakay. At isa pa dito ako sa may pinto naka-upo.

"I was here since last night." Since last night?Hanggang ngayon habit parin niya ang matulog sa kung saan. Wala yata siyang balak bumili ng sariling bahay.

"Sir Keith gising na po pala kayo." Nakangising sabi ni manong. "Kulang nalang gawin niyong hotel itong sasakyan."

"Mas okay na yun manong kesa gawin kong motel ito." Natawa naman si manong sa sinabi ni Keith at uniling. Napakunot ang noo ko. Is it me o parang nangyari na to dati? Parang deja vu.

"Hindi po ba kayo iihi manlang? Medyo malayo na po ang sunod na stop over." Saad ni manong.

"Sige manong punta muna ako ng cr." Saad ni Keith. He excused his self and went to the comfort room. Napansin kong medyo pumayat siya pero not in a bad way kasi napansin ko din naman na firm parin ang muscles niya.

"Ang gwapo ni sir ano maam?" Nang aasar na ngiti ni manong pero hindi ko siya pinansin.

"Matagal niyo na po bang kakilala si Keith manong?" Ngumiti si manong.

"Yan si sir kiko malaki ang utang na loob ko diyan. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko na alam ang gagawin ko at baka nawalan na ako ng asawa."

"Bakit po? Anong nangyari?"

"Naaksidente ang asawa ko noon at wala akong pera para sa operasyon dahil driver lang naman ako ng jeep. Natutulog lang siya noon sa chapel tapos narinig niya kaming umiiyak ng anak ko. Hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako."

I smiled as I heard the story. Typical Keith Adrian. He really likes to help strangers. Medyo pakealamero siya pero at least sa lagay na yon nakakatulong siya. Mabuti na rin yon para naman mapakinabangan niya ang pera niyang pagkarami-rami.

Nakailang pages na ako sa libro na binabasa ko pero wala parin siya. Sumulyap ako sa relo ko. It's been twenty minutes at wala parin si Keith.

"Asan na kaya si sir kiko? Ang tagal naman niya." Yun din ang nasa isip ko. "Baka kung napano yun. Lapitin pa naman yun sa away."

Kumunot ang noo ko. Baka mamaya nakatulog na yun o kaya naman napaaway gaya nga ng sabi ni manong.

"Sandali lang manong puntahan ko muna po." I walked toward the comfort room when I suddenly heard someone talking.

"Gago ka pala eh. Iniwan ko lang ng konti ang girlfriend ko hinalikan mo na." Galit na saad ng lalaki.

"I told you I was just trying to help her. She was the one who kissed me." Based from the voice it was Keith. He's talking so calmly. Sinundan ko ang pinanggalingan ng mga boses at napunta ako sa may likod ng building. Sumilip ako sa kanila. Nakatayo si Keith at nasa loob ng bulsa ang mga kamay habang nasa likod ng isang lalaki yung babae.

"Totoo ba ang sinabi niya? Pinagtayaksilan mo nanaman ba ako?" Galit na tanong ng lalaki sa babae.

"No. He kissed me." She's shaking her head violently at todo pa ang deny. She looks guilty already.

"Gosh, not this again." Bulong ko sa sarili ko. Kailangan kong gumawa ng paraan bago pa matuluyan at mapaaway si Keith. I sighed and showed myself to them.

"Babe?" The all looked at me. Nakangiti akong tumingin kay Keith na mukhang gulat na gulat at itinuro pa ang sarili niya. Hindi pa siya nakintento dahil lumingon pa siya. Ang slow talaga ng taong to. Ngayon lang to, hindi naman siguro magseselos si Darling total naman tinutulungan ko lang ang asawa niya. "What are you doing here?"

Tumabi ako kay Keith at humawak sa braso niya.

"Ikaw ba ang girlfriend niya?" Tanong nung lalaki kaya tumango ako. "He's cheating on you."

"What? With whom?" Humarap ako kay Keith at nagkuwaring galit. Nakikita ko ang amusement sa mukha niya and I want to roll ky eyes. Nang hindi sumagot ay yung lalaki naman ang tinanong ko.

"With my girlfriend." Sagot niya. I looked at his girlfriend from head to toe. She's dressed in a leather skirt and a red revealing blouse. I laughed. "Why are you laughing?"

"That's imposible. My boyfriend won't cheat on me para sa kanya." Parang may lumabas na usok sa ilong ng babae pagkasabi ko ng ganon.

"Bitch!" Sigaw ng babae at akmang susugurin ako nang biglang pinigilan siya ng boyfriend niya.

"We're going now. Bye." Kumaway pa ako sa kanila bago hinila si Keith paalis doon.

"Ikaw Keith Adrian may balat ka ba talaga sa pwet? Kahit saan nalang!" He laughed at natigil ako sa paglalakad. He laughed so loud that it almost sounded like a music to my ears. Gosh, I hate to admit but I miss those sound.

"I'm sorry." Saad ni Keith habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya sa kakatawa. He's still grinning. "I'm just.. happy. I'm glad you're here Karina."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako pabalik ng van. I held my chest. Gosh, may ibibilis ka pa ba heart? This is bad for my health. He's already married for goodness sake. Hindi pwedeng bumalik ang nararamdaman ko para sa kanya. Not again.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon