Chapter 6

135K 3.4K 597
                                    

I was walking toward Keith's office. I always check-up on him. Ever since that day na pinagtanggol niya ako sa board- though hindi ko parin alam kung bakit magnanakaw si Krisandra sa sarili niyang company- Keith and I became.. friends? No. Civil is a much better description. Hindi kami friends.

"Olive nandiyan ba ang Sir Keith mo?" Tanong ko kay Olive na halos hindi na ma-ipinta ang mukha sa sobrang simangot.

"Yes ma'am. He's with uhm, someone?" Napakunot noo ako at tumango nalang. Tumalikod na ako para umalis. Maybe he's in a meeting.

"Aaaah." Napatigil ang hakbang ko nang makarinig ng ungol.

Humarap ako kay Olive.

"What was that?" Lalo namang napasimangot si Olive.

"Ewan ko nga po ma'am. Kanina pa yan nang-gagaling sa office ni Sir." Nakangusong sabi ni Olive. Lumapit ako sa kanya.

"Describe the person." Bigla naman siyang nataranta.

"Uhm babae po-." Natatarantang sagot niya.

"I know that Olive. Ang sabi ko I-describe mo ang suot at itsura ng babae." Malamig na sabi ko.

"Foreigner. Maikling fit na dress tapos makapal na make-up tapos mataas na sapa-" Hindi ko na siya pinatapos. Based on her description I already know.

Dere-deretso ako papasok ng office ni Keith. And there I saw the woman on his lap. Nakababa na rin ang itaas na damit nito.

"WHAT. ARE. YOU. BOTH. DOING?" Napatayo naman si Keith at deretsong itinaas ang mga kamay kaya nahulog ang babae sa sahig.

"Wala akong ginawa." Agad na sabi ni Keith. I raised a brow at him pero hindi ako nagsalita. "I did not even kiss her."

"Bloody hell Kite. What did you do that for?" Hinaing ng babaeng blondie na may British accent habang inaayos ang damit niya at saka tumayo. Akala ko kung sinong Kite pero Keith pala dahil nakatingin siya kay Keith. She then looked at me. "And who's this matron?"

Keith's lips lifted on one side, pero agad ding sumeryoso nang makita ang matatalim kong tingin sa kanya. Nakataas parin ang mga kamay niya. Iniling ni Keith ang ulo niya na para bang sinasabing hindi siya lalaban. Good choice.

"Who are you?" Malamig na tanong ko sa babae. She crossed her arms while looking at her nails na para bang walang pakealam.

"I'm Chanel. Keith's girlfriend-"

"No you're not." Sabat naman ni Keith pero biglang tumahimik ng tinaasan ko ng kilay. Nagpatuloy naman si Chanel.

"I came here for Keith. And you are?" She looked at me.

"I'm his real girlfriend." Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Siguro dahil na-iirita na ako sa pagmumukha ng babaeng to at gusto ko na siyang paalisin.

I looked at Keith and he has this amusement on his face. Humanda ka sakin mamaya.

"Oh." Natigilan ang babae sa sinabi ko. She looked at me from head to foot then to Keith. Napakunot noo ako ng bigla itong tumawa ng malakas. Nakita ko pa ang pagngiti ni Keith na agad nanamang nawala ng mabaling sa kanya ang tingin ko.

"What's funny?" Mataray na tanong ko.

"You." Turo niya sakin habang tumatawa. "God that was hilarious!"

"You think I'm joking?" Seryoso kong tanong. Napataas naman ang kilay niya while there's a smirk on her lips. How I wish to wipe that smirk with my fists.

"Of course you are dear. You're not Keith's type. He likes hot, sexy girls like me."

"And what am I?" Nangangati na ang kamay ko na manghila ng dilaw na buhok.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon