Epilogue

156K 3.5K 549
                                    

Hindi ko na hinintay si Keith. Agad akong tumakbo pabalik ng kwarto ko. A part of me doesn't want to believe her pero alam ko sa sarili ko na totoo ang sinabi niya. Wala na akong ibang dala kay Kieth kundi kamalasan.

I was packing my clothes and when I suddenly heard a knock on my door.

"Karina? Are you there?" Hindi ako sumagot. I continued packing. Nang matapos ay binuksan ko na ang pinto. Hindi ko tinignan si Keith at deretso lang ako sa paglalakad. "What is happening?"

"I'm leaving."

"What?!" Tumayo siya sa harap ko at pinigilan akong naglakad. "Karina anong nangyari?"


"She's right Keith. Pabigat lang ako sayo. Wala na akong ibang ginawa kundi ang magdala ng pasakit sayo. I'm not healthy for you." Pinipigilan kong tumulo ang mga luha na nagbabadyang tumulo.

Nakayuko lang ako dahil ayaw ko siyang tignan sa mata. Baka kasi kapag tumitig ako sa mga mata niya magbago ang isip ko at piliin na manatili sa tabi niya.


"What are you saying?! Did she tell you that?" He tried to hold my face pero agad akong lumayo. "Karina look at me."


"No. I'm leaving Keith." Nagsimula nanaman akong maglakad palayo at iniwan siyang nakatayo doon.

"Ganon lang?" Napatigil ako sa paglakad. "Ganon lang ba ako kadaling bitawan?"

Napapikit ako ng madiin. This time hindi ko na napigilan ang mga luha. They started to stream down my face, one by one, but I did not face him. Nakatalikod lang ako sa kanya.

"Please. For fuck's sake Karina. Hold on to me. Please." His voice broke. Doon ko napagtanto na nasasaktan ko siya. Nasasaktan ko nanaman siya.

"Kapag iniwan mo ako ngayo, hindi ko alam kung kakayanin ko pang maghabol sayo. I love you Karina pero tao lang din ako. I'm already at my limit."

She's right. I keep on hurting him. Kahit anong desisyon ang gawin ko nasasaktan ko siya. Ngayon. Ngayon na ang huling beses na gagawin ko to sa kanya. Nasasaktan din naman ako. Ayaw ko siyang iwan pero kapag nanatili ako sa tabi niya alam kong mas masasaktan ko siya.  I'd rather hurt myself than hurt him.

Nagsimula na akong humakbang palayo kay Keith. I left, but I also left my heart with him.

~*~

"Karina, you sure you don't want to join us for dinner?" I shook my head.

"You're really asking me to go on dinner with her?" He gave me a small smile.


"Oh come on. It's not my fault you easily give up on people." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. She entered the room with her head held high.

"Darling," Drew gave her warning look but she just rolled her eyes. I sighed.

Ayoko ng gulo. Ayaw kong sirain ang gabi na ito para sa kanila dahil alam ko kung gaano ito kaimportante para kay Drew. As much as I hate that girl, I love Drew as a brother.

Matapos ang isang buwan, nalaman ko na ang babaeng tinutukoy ni Drew sa kwento niya ay si Darling. It turns out that he saw her at the resort, the day I left and he's now trying his best to get her back. Pero ang pagkakaalam ko, palagi siyang itinataboy ni Darling dahil nga sa loob ng tatlong taon, minahal ni Darling si Keith. Ngayon ang unang gabi na lalabas sila.



"I wonder how is Keith. I wonder if he already found a woman who's willing to run after her." She said in a bitchy tone.

"Will you please leave me alone?"

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon