Chapter 02: Hikari Aerondale

5.1K 153 15
                                    

Chapter 2: Hikari Aerondale


•••Hikari Aerondale•••


"Mom, where's the last last slice of my cake?" Nag-aalalang tanong ko.

I can't find my cake, itinabi ko pa naman yun sa pinakasulok ng ref para hindi mapag-interesan ng mga kapatid at pinsan ko, but now its gone!

Oras na ba para mag-print ako ng wanted poster: MISSING CAKE! If found please contact Hikari Aerondale.

"Diba kinain mo na yun?" mom said.

Natigilan ako sa sinabi nya at saglit na napaisip. Kinain ko na nga ba yung cake ko? Sa totoo lang hindi ko matandaan, umaga, tanghali, gabi, hindi nawawala sa daily menu ko ang cake. Hindi ako mabubuhay kapag hindi ako nakakain ng cake.

"Mommy alis muna ako ha" paalam ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya, dali dali na akong lumabas para magtungo sa pinakamalapit na bilihan ng cake.

I need my daily dose of medicine or in my case my addiction.

Dumiretso ako sa mall, at syempre dumiretso ako sa may cake shop. Cake! Cake! Cake! Habang palapit ako ng palapit sa may cake shop feeling ko naghuhugis cake na yung mga mata ko. Kung tutuusin pwede naman akong magpa-gawa ng cake sa mga chef namin pero masyado kasi silang maarte sa paggawa ng pagkain, mas gusto ko yung simple lang katulad ng normal na cake na nabibili sa mall.

Medyo malayo pa ako pero natatanaw ko na yung mga cake, parang nawala lahat ng bagay sa paningin ko because the only thing that matters to me are those cakes.

Nung tuluyan na akong makalapit, halos idikit ko na ang mukha ko sa estante. My cakes! Excited na akong kainin sila. Ilan kaya ang bibilhin ko? Isa? Dalawa? Tatlo? Sampu?

Hindi ako makapili sa dami ng choices. May mango cake, cheese cake, strawberry cake .. at chocolate cake! Ang pinakapaborito ko sa lahat, chocolate cake!

Pansamantala kong tinanggal ang paningin ko sa estante para um-order pero laking gulat ko nung in-order nung lalaking nasa harapan ko ang paborito kong chocolate cake. Tapos para pa akong pinag-sakluban ng langit at lupa nung marinig ko na yun na ang last chocolate cake nila.

Noooo!

"Teka lang, ako ang nauna sa chocolate cake na yan" apila ko. Its actually a lie, pero ikakamatay ko talaga kapag hindi ko nakain ang paborito kong cake. And I really mean it.

"Ikaw ang nauna? Balita ko kasi ako ang nauna sayo dito, ako rin ang nauna rito sa pila so you can't really claim that as yours. That cake is mine" masungit na sabi nito.

"Ako ang unang nakakita sa cake na yun, so it belongs to me" pagmamatigas ko.

Wala akong pakialam kahit na sungitan nya pa ako ng bonggang bongga. Matatanggap ko pa ang kasungitan nya pero ang hindi makain ang paborito ko hindi ko kakayanin yun.

"Whatever" tipid na sagot nya.

Imbis na makipagtalo pa sa akin, inilabas na na lang ang wallet nya para bayaran yung cake.

"Te-teka lang ~" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan nya na yung ribbon ng box pagkatapos ay lumabas na sya.

Alam nyo ba yung feeling ng iniwan? Yung feeling na kahit anong gawin mo alam mong hinding hindi na sya babalik pa sayo. Yung feeling na umaasa ka lang sa wala. Yan ang nararamdaman ko habang unti unti niyang inilalayo sa akin ang pinakamamahal kong cake.

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveWhere stories live. Discover now