Chapter 15: Warning

2.3K 68 8
                                    

Chapter 15: Warning


•••Hikari Aerondale•••

Ano ba itong pinasok ko?

Pagkatapos ng klase nagmamadali akong lumabas ng classroom. Hindi parin nawawala yung kabang naramdaman ko dahil sa nangyari kanina. It feels like I've mess with the wrong person.

Narinig ko ang pagtawag ni Rhyzen pero nagkunwari akong wala akong narinig at mas lalo ko pang binilisan ang paglakad. Tuloy tuloy lang ako hanggang sa makarating ako sa rooftop.

I need to think and I need a quiet place to do so.

Yun ang unang beses na nakita ko ang ganung side ni Rhyzen, medyo nakakapanibago. Mukha syang makakapatay ng tao.

He looks deadly.

Hindi ako takot sa kanya pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba, kung bakit ako kinakabahan, hindi ko din maintindihan ang sarili ko.

Dahil na rin siguro sa kabang nararamdaman ko kaya halos mapatalon ako sa sobrang pag-ka-gulat nung bigla na lang bumukas ang pintuan. It made a loud sound, lalo na at mukhang sinadya ng kung sino mang nasa likod nito na buksan ito ng marahas.

Is it Rhyzen or is it someone else, because if its not him, I swear I'll kill whoever that person is. Kinakabahan na nga ako tapos mas lalo nya pa akong pakakabahin.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas na sya mula sa kadiliman at masasabi kong taliwas sa inaasahan ko ang taong nagpakita sa akin. Ang taong nakatayo ngayon sa may pintuan habang abot tenga ang ngiti ay walang iba kundi ang pinsan ko at ang matalik kong kaibigan na si Vena.

"Anong ginagawa mo dito Vena?" Nagtatakang tanong ko.

"Syempre sinundan kita" sagot nya.

Nasundan nya ako. Sya lang kaya ang nakasunod sa akin o meron pang iba?

"Wag kang mag-alala, walang nakasunod sa akin" natatawang sabi nya.

Napakamot na lang ako sa ulo, ganun na ba ka-transparent ang mukha ko?

Nilapitan nya ako at sabay kaming umupo sa sahig. Gusto ko sanang mapag-isa para makapag-isip akong mabuti pero hindi ko naman pwedeng palayasin si Vena. Besides, this past few days parang medyo napapabayaan ko na ang pagkakaibigan namin. I have to make it up to her somehow.

"Congrats nga pala" masayang bati nya sa akin.

"Congrats? Bakit mo naman ako kino-congrats?" Nagtatakang tanong ko.

Pero imbes na sagutin ako, tumawa lang sya ng malakas. Lalo tuloy napa-kunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Kino-congratulate kita dahil sa wakas, nagkaroon ka na ng boyfriend" paliwanag nya.

Napangiwi ako sa sinabi nya. Yun pala ang tinutukoy nya. Muli ko na namang tuloy naalala si Rhyzen. Tss. Kung bakit kasi kailangan nya pang sabihin yun sa boung klase.

Well wala namang kaso sa akin kung sabihin nya man yun sa ibang tao dahil medyo umaayon sa "plano" ang ginawa nya, ang hindi ko lang inaasahan ay yung paninindak nya sa prof. namin.

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon