Chapter 17: Protective

4.3K 120 93
                                    

Chapter 17: Protective


•••Hikari Aerondale•••

Pagkatapos naming mag-usap ni Vena bumalik na kami sa classroom. Wala si Rhyzen, wala din si Karma at wala din ang kakambal kong si Hikaru.

Sa pagkakatanda ko pagkatapos kong mag-walk out kanina, sinundan ako ni Rhyzen but I manage to lose him along the way.

Baka hinahanap nya pa rin ako hanggang ngayon? Tatayo na sana ako para hanapin sya pero dumating na din sya. Itinaas ko ang kamay ko para kawayan sya pero hindi nya ako pinansin kaya pasimple ko na lang itong ibinaba.

"Pahiya ka dun no?" Bulong ng pinsan kong si Zach.

Dahil inilapit nya ang ulo nya sa akin para mabulungan ako, I took that chance to get back at him. I slammed the back of my head on his forehead. Nakaramdam ako ng sakit sa ginawa ko, pero keri lang, at least nakaganti ako sa pang-aasar nya.

"Aray" daing nya.

"Hay naku Zach, yang pang-aasar mo ang ikakamatay mo balang araw" natatawang sabi ni Vena.

"Tss. Amazona"

Hindi ko sya pinansin, ang lahat kasi ng atensyon ko ay nasa katabi ko, kay Rhyzen.

I can feel it, there is something wrong with him, hindi ko nga lang matukoy kung ano yun. Yung mood nya ngayon parang ganun sa mood nya kanina nung nagalit sya sa teacher namin. Deadly and unapproachable.

Nagalit ba sya dahil tinakbuhan ko sya kanina?

Hindi ko naman sya sinasadyang takbuhan, gusto ko lang talaga ng kaunting oras para sa sarili ko, gusto kong makapag-isip isip kanina.

Hinayaan ko na lang sya, kung ayaw nyang makipag-usap then hindi ko sya pipilitin. Binaling ko na lang ang atensyon ko kay Zach at Vena na mukhang kanina pa nagtatalo. Kung ano man ang pinagtataluhan nila, wala akong idea.

"Gusto mo bang ma-head-bat ulit?"

"Syempre ayoko. Yung bungo nyong dalawa ni Kari daig pa ang marmol sa sobrang tigas!"

"Normal ang bungo namin ni Kari! Ang sabihin mo kinulang ka lang sa calcium kaya mabilis mag-crack yang bungo mo!"

Bago pa mapunta sa kung saan ang pagtatalo nila, pumagitna na ako.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Anyway, alam nyo ba kung saan nagpunta yung kakambal ko?" Tanong ko.

Kibit balikat lang ang isinagot ni Vena sa akin. Well I am not expecting an answer from her, magkasama kami kanina sa rooftop kaya malamang hindi nya din alam kung saan nagpunta ang kakambal ko.

As for Zach, tinignan nya lang ako ng masama pagkatapos ay dinedma nya na ako. Siguro badtrip padin sya sa ginawa ko sa kanya kanina. Pssh.

"Wag ka na ngang mag-inarte, sabihin mo na sa akin kung saan sya nagpunta" pangungulit ko.

"Pag-iisipan ko pa" tipid na sagot nya.

Nakakaasar naman to. Tinitigan ko sya ng masama pero mukhang wala namang naging epekto yung pagtitig ko sa kanya. Ang arte naman kasi ni Zach, daming pasakalye sa buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveWhere stories live. Discover now