Chapter 12: Cassanova

2.7K 80 5
                                    

Chapter 12: Cassanova


•••Zachary Aerondale•••

"Pre, tignan mo to, matangkad, maganda at makinis! Pasok na pasok sa qualifications. Ano trip mo ba? Kasi kung ayaw mo akin na lang"

Tinignan ko ng masama ang kaibigan kong si Kyle. Basta talaga babae ang bilis ng mata nya. Pero tinignan ko din yung tinuturo nya at tama nga sya, maganda ito, maputi, matangkad at makinis, sa madaling salita model type.

"Ano trip mo ba?" Pangungulit nya sa akin.

"Tigilan mo nga ako pre" sagot ko naman.

"Tama ba yung narinig ko? Tumatanggi ka na? Anong nangyari sayo Zachy baby, may sakit ka ba? May taning na ba ang buhay mo kaya nag-papaka-good boy ka na?" Sunod sunod na tanong nya.

"Pass na muna ako" sagot ko.

"Shit! Magugunaw na talaga ang mundo!" Kunwa ay sigaw ni Kyle.

"Wag kang OA. May target ako ngayon kaya di muna kita masasamahan sa trip mo"

"Sino? Maganda ba yan? Maputi? Matangkad? Student ba yan o teacher? Dito ba yan nag-aaral? Anong college? Anong department?

I can see the excitement in his eyes kaya hindi na ako nagtataka na ganun na lang kadami ang tanong nya. Kyle is my childhood friend, kaklase ko sya nung elementary, naging magkaibigan kami at kahit na madalas akong wala dahil palagi akong isinasama ng mga magulang ko sa mga trips nila abroad, hindi yun naging hadlang sa pagkakaibigan namin. Ika nga nya he is willing to wait.

Ayun nga lang, babae ang pinagkaabalahan nya sa mga panahong wala ako. Kaya naman sa mga panahong magkasama kami, 'ini-impluwensyahan' nya ako sa trip nya.

"Sino ba yang target mo? Bakit ayaw mo sabihin? Siguro sobrang ganda nyan at sobrang sexy kaya pinagdadamot mo. Nakakatampo ka na Zachy baby" kunwa ay pagmamaktol ni Kyle.

Muntik na akong matawa sa sinabi nya, kung alam nya lang.

Kung ano anong pangungulit pa ang ginawa nya sa akin para lang sabihin ko sa kanya kung sino ang target ko. Balak balak ko na sana syang takasan nung makita ko ang babaeng yun na naglalakad papunta sa kung saan.

Should I tell him? Maybe I should.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino?" Paninigurado ko muna. Mabilis naman syang tumango at makikita sa mukha nya ang sobrang excitement. But not for long, dahil oras na malaman nya kung sino ang target ko, tiyak kong agad na mawawala yang excitement na yan.

"Tumingon ka sa likod mo. That's her"

Agad naman nyang ginawa ang sinabi ko. And the moment he saw her, alam ko nagunaw ang mundo nya at naglaho ang expectations nya.

"What the fuck Zachy baby! Seryoso ka ba? Sya? Sya talaga? Well, cute naman sya but she's not exactly the model type.  Ano yan true love? Dahil lang sa nagkaka-lovelife na si Hikaru at Hikari kailangan ikaw din magka-lovelife na? At yung kapatid pa talaga ng boyfriend ni Hikari ang na-tripan mo. Paano na yung motto natin na 'Cassanova for life'?"

What the heck. Sa lahat ng sinabi nya isang bagay lang ang lubos na naintindihan ko. Kapatid ni Rhyzen ang maingay na babaeng yun.

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveWhere stories live. Discover now