Chapter 10: Mistaken

2.6K 82 6
                                    

Chapter 10: Mistaken


•••Hikari Aerondale•••

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o bunga lang yun ng imahinasyon ko. Dahil kung tama man ang narinig ko, isa lang ang ibig sabihin nito ..

"She's not my girlfriend" tipid na sagot nya sabay subo na naman ng cake.

I don't know what got into me, tumawa ako ng malakas, yung klase ng tawa na parang nang-aasar pa.

"Wag kang tumawa, hindi ako nagbibiro"

Bigla akong natameme sa sinabi nya. Hindi ko naman intensyong pagtawanan sya pero ewan ko ba kung bakit ganun ang naging reaksyon ko.

"S-sorry" paghingi ko ng paumanhin.

Pagkatapos nun ay pareho kaming nabalot ng katahimikan. Pinag-tuunan nya muna ng pansin ang kinakain nyang cake kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pag-isipan ang ilang mga bagay.

Mali ako ng akala, hindi nya girlfriend si Karma. Pero kung iisipin mong mabuti wala naman syang sinabi sa akin na girlfriend nya ang babaeng yun, ako lang talaga ang nag-assume.

At ngayong nalaman ko na ang totoo, hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng galit para kay Karma.

Kaya pala ganun sya kung umasta, para syang walang pakialam sa nararamdaman ni Rhyzen at mas pinag-tutuunan nya pa ng pansin ang kakambal ko. Its a one sided love kung saan si Rhyzen lang ang nagmamahal.

Kawawang Rhyzen.

Kung ako ang girlfriend nya, hindi ko sya sasaktan. Pero teka saan nanggaling yun? Erase erase. Hindi ako dapat nag-iisip ng mga ganung bagay. He loves someone else and I shouldn't take advantage of that. Pero anong take advantage take advantage ang pinagsasabi ko, hindi naman ako mag-a-apply, sinasabi ko lang na 'kung ako' ang girlfriend nya hindi ko sya sasaktan. Kaso hindi naman ako. Pero parang ganun na din kasi yun diba? Bakit ka mag-iisip ng mga ganung bagay kung wala kang binabalak?

"Sa tingin mo, dapat na ba akong bumitaw?"

Pansamantalang natigil yung diskusyong nagaganap sa isipan ko nung marinig ko ang sinabi nya. Pinag-isipan ko rin yung tanong nya. Ano ba ang dapat kong isagot? Yung sagot na dapat nyang marinig o yung sagot na makaka-pagpalubag ng loob nya? In the end, mas pinili ko yung sagot na sa tingin ko ay dapat nyang marinig.

"I think its better to let go"

"Bakit?" Nagtatakang tanong nya.

"Kung ako ang nasa sitwasyon mo, syempre lalaban ako para sa taong mahal ko. Pero kapag dumating na sa punto na nagawa ko na lahat pero wala padin, I think its better to let go." paliwanag ko.

"Paano kung nag-let go ka na tapos dun nya lang na-realize na mahal ka na pala nya?"

"May mga ganung cases, pero para kasi sa akin kapag mahal mo talaga ang isang tao, umpisa pa lang mararamdaman mo na yun. Hindi mo na kailangang magbulag-bulagan, hindi mo na kailangan ng kung ano ano para lang ma-realize na mahal mo ang isang tao. But that is only my point of view, bakit hindi mo subukan? Let go of her, malay mo kapag ginawa mo yun ma-realize nya na mahal ka pala nya. At kung mahal mo pa rin sya sa mga panahong yun, then I think you are really meant for each other"

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant