Chapter 13: Care

2.5K 71 7
                                    

Chapter 13: Care


•••Hikari Aerondale•••

Naiinis ako sa kakambal ko. Ilang araw ko na syang hindi pinapansin at tinitignan lang ng masama. Naiinis ako sa obvious closeness nila ng babaeng yun at naiinis din ako sa kumakalat na tsismis sa school.

People think that my twin brother Ru and that woman are together now. May mga natuwa pero syempre mas madami ang nagluksa. Hindi na ako magtataka sa bagay na yun dahil gwapo ang kakambal ko.

Nung una medyo natuwa ako kasi naisip ko na maaaring makatulong yun kay Rhyzen para makapag-move on na sya. Kapag nalaman nya na may iba ng 'mahal' ang taong mahal nya, mapipilitan syang kalimutan na ito. Pero sa paglipas ng mga araw, ang tuwa ay napalitan ng inis.

I can't stand them. Naiinis ako sa pinapakitang 'closeness' ni Ru at ng babaeng yun. I don't want to see them together, I don't want that woman anywhere near my twin. Ganun din kay Rhyzen, I don't want to see them together and I don't want her anywhere near him. I know I am being selfish and unreasonable, pero yun kasi ang nararamdaman ko.

Siguro hindi lang ako sanay dahil ito ang unang pagkakataon na may pinansing babae si Ru na hindi naman parte ng pamilya namin. As for Rhyzen, I don't know why but I have this urge to protect him. Kawawa lang sya sa babaeng yun kaya mas mabuti ng malayo sila sa isa't isa.

Ang tanong, paano ko sila ilalayong dalawa sa babaeng yun when all they think about is her.

Rhyzen loves that woman, as for my twin, kahit na hindi nya sabihin, I know that woman fascinates him. Obvious naman dahil sya lang ang babaeng nakapag-pangiti sa kanya bukod sa amin na pamilya nya.

Pinag-iisipan ko ang maaari kong gawin para mawala na sa landas namin ang babaeng yun nung biglang tumunog ang notification sa messenger ko. Nung una hindi ko ito pinansin hanggang sa dumami na ng dumami ang notification kaya medyo nagtaka na ako.

I saw over a hundred notification. Agad kong binuksan ang 'Official Student GC' ng school namin. Ang GC na ito ay ginawa ng mga estudyante para sa kapwa nila estudyante, sinubukan ko dating sumali dito gamit ang fb account ko pero ni-reject nila ako kaya gumawa ako ng poser account.

Apparently para lang sa 'commoners' ang GC na ito. Anyone who is rich and famous are automatically banned in here. Nung una nagtaka ako kung bakit, but eventually I learned the truth. In here, they share information and pictures of famous people in school and that includes me, my brothers and my cousins. Kaya nga dito ko nalaman na iniisip nilang si Ru at Karma na.

Pagbukas ko sa group chat namin tumambad sa akin ang picture ni Ru at Karma habang naglalakad sa mall. Tss. Mukhang magkasama na naman yung dalawa. Magkasama na nga sila lagi sa school pati ba naman ngayong weekend sila pa rin ang magkasama.

Akala ko ba naka-reserved ang weekends para sa pamilya. Ano na bang nangyayari sayo Ru?

Binasa ko ang mga comment nila at masasabi kong natatawa na lang ako dun sa iba. Karamihan sa kanila ay nanghihinayang parin, yung iba ay galit kay Karma pero dahil 'maganda' sya hanggang tingin na lang daw sila ng masama sa kanya. Ano ba, mas maganda kaya ako sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa may bigla na lang ng-post ng picture namin ni Rhyzen habang naglalakad sa may hallway nung isang araw.

[Mabuti na lang kahit taken na si Papa Hikaru andyan pa din si Papa Rhyzen]

Nakaramdam ako ng kaunting inis sa nabasa ko pero hindi na lang ako nag-react kahit na kating kati na akong magkomento. Hindi ba nila ako nakikita sa picture? Mukhang nakay Rhyzen lang kasi ang boung atensyon nila. Dumami pa ng dumami ang comment kaya pinag-patuloy ko na lang ang pagbabasa.

[Hindi ba taken na din si Papa Rhyzen? Lagi silang magkasama ni Hikari]

Medyo natuwa ako sa nabasa kong yun pero agad ding napalitan yun sa sunod kong nabasa.

[Hindi sila! At hinding hindi magiging sila! Friends lang sila!]

[Tama! Tama!]

Sa totoo lang muntik muntikan ko ng maibato ang cellphone ko sa sobrang inis. Si Ru at Karma nakita lang nilang magkasama iniisip na nila kaagad na may relasyon yung dalawa, pero nung makita nila kami ni Rhyzen, wala pa mang nangyayari, friend-zoned agad.

Nagsawa na akong magbasa sa mga walang kwenta nilang comment kaya nag nagbasa-basa na lang ako sa secret files ng group namin. Dito pino-post ng mga estudyante ang mga problema nila, libre kang mag-bigay ng advice o kung ano mang trip mong sabihin. Mostly puro problema sa pag-ibig ang pino-post nila dito, ewan ko kung bakit pero natutuwa akong magbasa ng mga problema nila lalo na sa pag-ibig.

As I browse the page, one problem in particular caught my attention. Paano ba namang hindi nito makukuha ang atensyon ko, mukhang pareho kami ng pinoproblema kung sino man sya. Ang sabi nya may gusto syang lalaki, pero yung gusto nya may gustong iba, at yung gusto ng gusto nya may gusto ding iba which turned out to be her brother. She's asking help on how to save her brother and the one she loves from that woman.

Napaka-komplikado ng sitwasyon nya, parang yung sitwasyon lang namin. Ang kaibahan lang, wala naman akong gusto kay Rhyzen.

Agad kong tinignan yung mga comments, walang kwenta yung mga advice nila pero may isa na talagang nakakuha ng atensyon ko.

'Make the girl fall for the one you love but make sure that the guy falls for you instead.'

Mukhang okay yun ah. Make Karma fall for Rhyzen, sa ganung paraan mawawala ang atensyon ni Karma kay Ru but I have to make sure that Rhyzen falls for someone else instead of her. This way I am hitting two birds with one stone. Kapag successful ang plano ko, pareho ko silang maililigtas mula sa kamay ng babaeng yun.

Ang tanong, paano ko naman gagawin yun? Isang malaking palaisipan na hindi ko mabigyan ng kasagutan. Kanino ba ako dapat manghingi ng advice sa mga ganitong klaseng sitwasyon?

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako sa binabalak kong gawin. Paano kung mag-backfire ang plano? Paano kung may mangyari sa aking masama lalo na at kakaiba pa naman ang pangalan ng babaeng yun. Baka karmahin ako sa gagawin ko.

Pero sa tingin ko malabong mangyari yun, wala naman akong ginagawang masama. Pinoprotektahan ko lang ang mga taong mahalaga sa akin, ang kakambal ko at ang bago kong kaibigan. Hindi naman siguro masamang mag-alala at mag-care sa mga taong mahalaga sayo hindi ba?

******

Author's Note: This chapter is dedicated to: Hestiafreak. :)

@AcinnejRen

Instagram:
https://instagram.com/ren0324/

Facebook:
https://www.facebook.com/manicah

CIMTAG's Official Group:
https://www.facebook.com/groups/875871985865685/

CIMTAG's Official Page:
https://www.facebook.com/cimtagofficialpage/

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon