Chapter 16: Suspicion

1.9K 62 11
                                    

Chapter 16: Suspicion


•••Hikaru Aerondale•••

"Ganyan ba talaga kapag kambal, kailangan sabay sa lahat ng bagay?"

Napatingin ako sa pinsan kong si Zach, wala akong ganang magsalita kaya hindi ko sya pinansin pero nagpatuloy padin sya sa pagsasalita.

"Like some sort of twin connection. Yung tipong kahit na hindi nyo sinasabi, alam nyo kung ano ang iniisip ng isa't isa"

Hindi ko na masyadong pinakinggan ang mga sinasabi nya dahil naka-focus ang boung atensyon ko sa kakambal kong si Kari. Pagkatapos ng 'Public Display of Affection' nilang dalawa ni Rhyzen sa classroom kanina bigla na lang tumakbo sa kung saan ang kakambal ko.

Sinundan sya ni Rhyzen pero bigo syang bumalik sa classroom. Mukhang hindi nya na nahabol si Kari.

After what happened earlier I came up with three realizations. (1) one, I don't like Rhyzen. (2) two, Rhyzen is dangerous and (3) three, my twin sister is an idiot. How can she be in a relationship with someone she barely knows! Sa totoo lang gusto kong i-untog yung ulo nya sa pader para lang matauhan sya.

Hanggang sa sumunod naming klase wala parin ako sa mood. Idagdag pa na mukhang nag-cutting classes na naman si Kari at Vena. Kung sino pa yung babae sa pamilya sila pa ang tamad mag-aral.

Pagkatapos ng klase, muling lumabas ng classroom si Rhyzen, siguro hahanapin nya na naman ang kakambal ko. If I were him, I'd look at the nearest cake shop, pero hindi naman kami close at hindi ko rin sya tropa so why I should I disclose that vital information to him. Bahala sya sa buhay nya.

Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa labas. Na-s-stress na ako sa kakambal ko. Hindi ba sya pwedeng mabuhay na hindi sya nakaka-perwisyo ng ibang tao.

"Hey Ru" tawag sa akin ng pinsan kong si Zach.

"What?" Naiinis na tanong ko.

Muntik ko na syang mabulyawan, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Bakit ba sa lahat ng araw ngayon nya pa napiling maging madaldal? Dati rati naman tahimik lang sya. Mahihiya pa nga yung sign sa library na 'Observe Silence' sa sobrang tahimik nya. Anong nangyari?

"Hindi mo ba susundan yung girlfriend mo?"

Girlfriend? Napakunot any noo ko sa sinabi nya. I don't have a girlfriend.

Pero bigla kong naalala si Karma. Everyone thinks that she's my girlfriend kahit na wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa. Mga tao nga naman, makita lang kayong magkasama, kung ano ano na ang iniisip sa inyo.

Pinagmasdan ko sya habang papalabas sya ng classroom. Nakatingin sya kay Rhyzen habang naglalakad. Mukhang balak nyang sundan ito.

Maybe she's going to confront him about what happened earlier.

Hindi ko na pinag-isipan ang sumunod kong aksyon. Tumayo ako at pasimple ko silang sinundan.

I know I shouldn't do this. I should mind my own business and get on with my own life. But something is urging me to follow that girl.

And the fact that Rhyzen is dangerous could mean that Karma is also dangerous. Minsan hindi sapat yung nakikita mo sa panlabas na kaanyuan ng isang tao.

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveWhere stories live. Discover now