Chapter 07: Barricade

3.2K 110 9
                                    

Chapter 07: Barricade


•••Hikari Aerondale•••

"Ano bang problema nyong dalawa?" tanong ko kay Zach at sa kakambal kong si Ru.

Naglalakad kami ngayon papunta sa room at parehong hindi maipinta ang mukha nilang dalawa.

They are both acting weird. Nagsimula yun kanina sa bahay, after eating breakfast bigla na lang akong kinaladkad nung dalawa. Si Ru ang humawak sa kanang braso ko habang si Zach naman ang sa kaliwa. Walang sabi sabing isinakay nila ako sa kotse ni Vena.

At ang mas nakakapagtaka pa, pinagsiksikan nila ang sarili nila sa tabi ko. In short, nasa kaliwa ko si Zach habang nasa kanan ko naman si Ru. Si Vena ang nagdi-drive at parang normal na lang sa kanya yung inaakto nung dalawa. Mukhang may binabalak sila at sa kasawiang palad ako ang napili nilang biktima.

Pagdating namin sa school, hindi pa rin ako tinantanan nung dalawa, kahit saan ako magpunta ay nakadikit parin sila sa akin.

"Ano ba talagang problema nyong dalawa?" naiinis na tanong ko. Hindi ko alam kung pang-ilang tanong ko na to ang alam ko lang kahit naka-ilang tanong na ako ay hindi naman nila ako sinasagot. Nagmumukha lang akong tanga kakatanong.

Naglalakad na kami papunta sa room. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil makikita ko na naman sya? Pero wala namang rason para kabahan ako kaya hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito ngayon.

Pagpasok namin sa room, sya agad ang nakita ko. Nakaupo sya sa upuan nya at nakaupo naman sa harap nya ang girlfriend nya.

Yung iba naming kaklase ay napalingon sa amin nung dumating kami pero sya hindi man lang nya kami tinapunan ng tingin. Naka-focus ang boung atensyon nya sa babaeng yun.

Maswerte sya. Kelan kaya darating yung araw na may titingin din sa akin ng ganun? Yung tipong nasa akin lang ang boung atensyon nya?

"Kari ang gwapo nya, hindi na talaga ako magtataka na naging crush mo sya" bulong ni Vena sa akin.

Hindi ko sya pinansin. For the millionth time, hindi ko sya crush. Oo gwapo sya, pero taken na sya kaya hindi na sya pwedeng pagpantasyahan.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko, pero nung uupo na sana ako bigla na lang akong itinulak ng kakambal ko at senenyasahan nya akong dun na lang ako maupo sa upuan nya. Iling agad ang isinagot ko sa kanya. Ayokong makatabi ang babaeng yun!

Agad akong umupo sa upuan ko at kahit anong pilit pa ang gawin nya, hindi ako bumigay. Mabuti na lang at dumating na ang teacher namin kaya napilitan na din syang umupo sa talagang upuan nya. Pero habang nagkaklase, yung hindi nya maipintang mukha mas lalo pang lumala.

Pagkatapos ng una naming klase nagpasama ako kay Vena sa CR, pero laking gulat ko ng sundan kami nina Ru at Zach. Nakabantay lang sila sa labas habang nasa loob kami ni Vena. Hindi na ako nakatiis sa nangyayari kaya tinanong ko na ang bestfriend ko.

"Vena, ano bang masamang hangin ang sumapi dun sa dalawa at nagkakaganyan sila ngayon?" naiinis na tanong ko.

"Aba anong malay ko? Bakit hindi silang dalawa ang tanungin mo? Believe it or not, clueless ako sa mga nangyayari.Inutusan lang nila akong mag-drive kanina, other than that ay wala na" paliwanag nito.

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveWhere stories live. Discover now