Chapter 11: Information

2.7K 87 7
                                    

Chapter 11: Information


•••Hikaru Aerondale•••

Nakakaasar.

Boung gabi akong hindi nakatulog dahil ang boung akala ko nagtatampo si Kari sa akin. Boung gabi ko ding pinag-isipan kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya. Pero niloko nya lang ako.

Kahapon nag-alala ako dahil hindi sya pumasok sa panghapong klase namin. Hindi naman yun ang unang beses na nag-cutting class sya pero ewan ko ba, parang may masamang hanging sumapi sa akin, bigla ko na lang naisip na baka si Rhyzen ang kasama nya dahil pareho silang wala sa klase.

Isinantabi ko ang isiping yun pagkatapos naming mag-usap ni Kari kagabi pero ang pagsundo ni Rhyzen sa kanya ngayon ang syang nagmulat sa akin sa katotohanan.

Niloko ako ng kakambal ko.

"Aba aba aba, mukhang may boyfriend na ang unica hija mo Kuya Blaze." Pang-aasar ni Tito Raven.

"Wag mo na nga syang asarin Raven, alam mo naman kung paano mag-beastmode yang kapatid mo. Baka mapuruhan ka na naman" sita ni Mommy dito.

Pasimple kong tinignan ang aking ama. Tahimik lang syang kumakain habang abala ang lahat sa pagku-kwentuhan sa 'boyfriend' ng kakambal ko. Strikto ang aking ama pagdating sa maraming bagay kaya alam kong hindi nya papalagpasin ang pagkakaroon ng 'boyfriend' ni Kari ng ganun ganun na lang lalo na at sya ang unica hija nito.

"Sa tingin mo Keira, gwapo kaya yung boyfriend ng anak mo?" Tanong ni Tita Ann Dee kay Mommy.

Kibit balikat lang ang isinagot nito. At mukhang hindi nakontento si Tita Ann Dee sa sagot nya dahil bigla na lang sya nitong hinawakan sa kamay at inakay palabas ng mansyon.

"Halika, silipin natin kung anong itsura ng boyfriend ni Hikari"

Pagkaalis nung dalawa, sumunod sa kanila sina lolo at lola, gayundin si Tito Raven, Tito Sven and Tita Zoe. At dahil may pagka-tsismoso ang mga kapatid at pinsan ko, sumunod din sila sa labas. Tanging ako, si Zach at si Dad na lang ang naiwan dito sa loob.

Mukhang unggoy. Yan ang description ng lalaking yun kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang lumabas. Di hamak naman na mas gwapo pa ako dun.

"Hikaru"

Natigil ako sa kung ano mang iniisip ko nung tawagin ako ni Dad. Alam kong may mahalaga syang sasabihin sa akin o di kaya ay may i-uutos sya sa akin.

"Yes Dad?"

"Gather information about that person"

"Okay po" sagot ko.

"Zach, you too"

"Masusunod po" seryoso ding sagot ng pinsan kong si Zach.

Limang salita pero napakabigat ng kahulugan nito para sa aming dalawa.

***

"Anong plano mo?" Tanong sa akin ni Zach nung kaming dalawa na lang ang magkasama.

"I have something in my mind. How about you?" Sagot ko.

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon