Chapter 06: First Day (Ru)

3.3K 104 6
                                    

Chapter 06: First Day (Ru)



•••Hikaru Aerondale•••

Failure is not an option. Yan ang sinabi ko sa sarili ko bago ako pumasok sa school. Maaga din akong umalis ng bahay, ayokong ma-late sa unang araw ng klase.

Nasa gate palang ako pero natanaw ko na sya. What the heck. Anong ginagawa ng babaeng yun dito? Nilagpasan ko sya at inihinto ang kotse sa may parking lot but the moment I got out of my car it was also the exact moment that she passed me by. Napahinto tuloy sya sa paglalakad nung makita nya ako.

"Hikaru Aerondale" masayang bati nya sa akin.

Tinignan ko sya ng masama pero katulad nung una naming pagkikita ni hindi man lang sya natinag sa ginawa kong pagtitig ng masama sa kanya.

"Bakit ba ang sungit sungit mo? Ikakamatay mo ba kapag hindi mo nasungitan ang isang tao?" nagtatakang tanong nya.

Hindi ko sya sinagot. Wala naman akong obligasyong sagutin ang katanungan nya kaya bahala sya sa buhay nya kung gusto nyang magsalita ng magsalita.

"Inborn na siguro talaga sayo ang pagiging masungit. Nga pala, nabili mo na ba yung park?" pag-iiba nya sa usapan.

Hindi ko parin sya sinasagot. Pero dahil nabanggit nya ang park, naalala ko tuloy ang una naming encounter. Sa totoo lang nawala na yun sa isip ko, ang boung akala ko kasi hindi na kami magkikita pang muli.

"Nakakatamad ka naman kausap, ako na lang ng ako yung nagsasalita" reklamo nya.

Medyo natawa ako sa sinabi nya pero pinigilan ko ang sarili kong mapangiti. I don't know where she got the notion that we are having a conversation because as far as I am concerned nakatayo lang naman ako dito at nakatitig sa kanya.

Mukhang may gusto pa sana syang sabihin sa akin pero hindi nya na naituloy dahil sa pagdating ng isang lalaki.

"What are you doing?" medyo galit na tanong nito sa babae.

Must be her boyfriend. Iniwan ko na silang dalawa. Kung ano man ang problema nila, labas na ako dun. At kung magseselos man yung boyfriend nya, wala na akong kasalanan dun, its not like I talked to his girlfriend. Yung girlfriend nya lang naman ang kausap ng kausap sa akin.

Dumiretso ako sa CBA building. Lahat ng taong nakakasalubong ko ay napapatitig sa akin at karamihan sa mga kababaihan ay impit na napapatili. Sarap lang gilitan ng leeg. Bakit ba ang iingay ng mga babae? Ayoko talaga sa maingay.

Bawat room ay may nakapaskil na listahan ng estudyante. I checked every room hanggang sa mahanap ko na ang pangalan ko. Pero kung minamalas ka nga naman, nakita ko din ang pangalan nina Kari at Vena, pati na din si Zach.

Si Zach medyo tanggap ko pa eh, pero yung dalawa .. I think god really hates me.

Since may oras pa naman bago ang unang klase, tumambay muna ako sa rooftop. Pinanuod ko ang mga estudyanteng naglalakad sa ibaba.

Why is life so simple for them?

And why is my life so complicated?

Nakita ko ang kakambal ko sa ibaba. Ngayon pa lang nakakaramdam na ako ng panlulumo. Araw araw ko na nga syang nakakasama sa bahay, pati ba naman sa school wala parin akong kawala sa kanya?

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt