Chapter 08: Smile

3K 102 9
                                    

Chapter 08: Smile


  •••Hikaru Aerondale•••

"Badtrip!"

Sira ang lahat ng plano. Sinubukan kong habulin si Hikari pero sadyang napaka-bilis nyang tumakbo. Ganun din ang ginawa ni Zach pero bigo din syang katulad ko.

Naiinis ako dahil nasira ang lahat ng plano ng ganun ganun na lang, naiinis din ako dahil alam kong sinundan sya ng taong yun. He is the very reason why we are doing this in the first place. Magkasama na kaya silang dalawa ngayon? What are they doing right now? Pero pinaka-naiinis ako sa sarili ko, I am weak. Hindi ko mahabol ang isang babae at naunahan pa ako ng ibang tao.

Inis na inis ako at alam kong makikita yun sa mukha ko dahil lahat ng makasalubong ko ay tumatabi. Well I don't care.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta lakad lang ako ng lakad at sa kalagitnaan ng walang saysay kong paglalakad, isang babae ang humarang sa daraanan ko.

"What do you want?" walang ganang tanong ko

"Your acting cold again. Galit ka ba sa akin dahil sa ginawa ko kahapon?" tanong nito.

Sa sinabi nyang yun, muli ko na namang naalala ang ginawa nya. Kahit na anong isip pa ang gawin ko magdamag, hindi ko mabigyan ng explanation ang ginawa nya. Halos mabaliw na ako kakaisip, kung hindi pa siguro sumagi si Kari sa isip ko baka nabaliw na ako ng tuluyan ngayon.

"Hindi ako galit" tipid na sagot ko.

Hindi ako galit sa ginawa nya, sadyang hindi ko lang maintindihan kung bakit ginawa nya ang bagay na yun.

"Kung hindi ka galit bakit ang sungit mo sa akin? Akala ko ba friends na tayo?"

"Friends?" hindi makapaniwalang sabi ko. When did we become friends? Ni hindi ko nga matandaan kung kelan nya ako inalok kung pwede nya ba akong maging kaibigan at wala din akong matandaan na pumapayag na ako.

"Yes, friends. Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" malungkot na tanong nito.

Saglit akong nag-isip, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. I don't have any friends, ang mga maituturing ko lang na kaibigan ay ang mga kapatid at pinsan ko, other than them ay wala na kaya naman bago sa akin ang ganitong scenario. Should I accept her offer?

"Ano na? I'm waiting for your answer"

"Yes. I mean No" mabilis na sagot ko.

"Ano ba talaga? Is it a yes or a no? Yes gusto mo akong maging kaibigan o No ayaw mo akong maging kaibigan?"

Napangiwi ako sa sinabi nya. I can't seem to make up my mind. My emotions are at war with each other at mukhang hindi pa sila matatapos any time soon kaya naman kung ano na ang una kong naisip, yun na ang isinagot ko sa kanya.

"Y-yes"

Pikit mata ang ginawa kong pagsagot sa kanya. Narinig ko na lang ang masayang sigaw nya dahilan para magmulat ako ng mata. Kitang kita ko ang saya at galak sa mukha nya, napakatamis din ng ngiting ibinibigay nya sa akin. I don't understand, how can she be so happy just because of that?

CIMTAG LEGACY: Double Trouble LoveWhere stories live. Discover now