Chapter 2

3K 76 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza

"Aliezha! I can't believe na first day of class ay pinapatawag na agad kami ng principal!" Frustrate na sigaw sakin ni mommy. Tahimik naman si daddy.

Nandito kami sa sala habang nakaupo ako at si daddy samantalang nakatayo naman sa harapan ko si mommy.

"Mom. It's not my fault okay? Sya yung nagsimula . Ginantihan ko lang." Dipensa ko naman.

"Mygod! Aliezha! Hindi ka na bata para gumanti!" Sigaw na naman ni mommy.

"Tss! Ok fine! Ako na ang mali!" Sabi ko at dumiretso sa hagdan at pumunta sa kwarto ko.

Narinig ko pang sinigaw ni mommy ang buong pangalan ko but I just ignore it.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame ng kwarto ko. Mali. Mali ang sinabi ko sa inyo na okay lang sakin at naiintindihan ko sila. Dahil hindi! Kahit kelan di ko sila naintindihan. Tuwing sunday nagsisimba kami but after namin sa church ay lagi na lang silang magkakaroon ng emergency sa work nila.

My life isn't perfect. When I was a kid I thought my life is perfect because I have a mother and a father but then I realize .. Yes I have them both but they are always busy with their business.

Mag-isa lang ako. Wala akong kaibigan na pedeng dumamay sakin. Atsaka ayoko rin magkaroon ng kaibigan. Kase sa panahon ngaun ay wala ng totoo. Tss.

Bumangon ako at pumunta sa terrace nitong kwarto ko. Tumingin ako sa langit. Punong-puno ng bituin ngaung gabi. Maganda ang panahon. Hmm. Kelangan kong magliwaliw.

Pumunta ako sa closet ko at kinuha ang pinakasexy kong dress na black na fit sakin at kinuha ko rin ang black killer heels ko. Pupunta ako sa bar. I'm just 17 pero nakakapasok ako sa loob nun.

Bumaba na ako at nakita kong nasa sala sina mommy at daddy pati si manang.

"Where are you going!?" Galit na tanong sakin ni mommy. Tsk. Always naman.

"Bar." Tipid na sagot ko.

"At sa tingin mo ba ay papayagan kita?" Naniningkit na tanong sakin ni mom.

"No. Pero hindi nyo ako mapipigilan." Sagot ko at nagsimula ng maglakad papuntang pinto.

"Aliezha!" Sigaw ni mommy. Pero ngumisi lang ako at lumabas na.

Sumakay ako sa kotse namin . Marunong akong magdrive pero wala pa akong license. Dahil 17 palang ako.

Pinaandar ko na ang makina at nagsimula na akong magdrive palabas ng gate. Kinuha ko kanina ang susi sa driver namin dahil alam kong dadating sina mommy para sermonan ako.

Nagsimula na akong magdrive papuntang bar.

Pagkarating ko ay ipinark ko na ang kotse sa parking at lumabas ako ng kotse sabay lakad ko papuntang entrance.

"Hi ma'am." Bati sakin ng mga nagbabantay sa entrance.

"Low." Maikling bati ko rin.

Pagkapasok ko ay tumambad agad sakin ang iba't-ibang amoy . Tulad ng alak , cigarettes etc.

Dumiretso ako sa counter at umorder.

"One vodka." Utos ko sa bartender.

"Okey ma'am." Sabi nung guy at ibinigay sakin yung vodka.

Ininom ko agad ito.

"Hi miss." Sabi ng isang lalaki.

Tiningnan ko sya at ngumisi. Gwapo sya pero halatang wala pang sineseryoso kahit isa. Tss.

"Don't talk to me." Sabi ko at uminom ulit.

"Wow. Halos lahat ng babae dito ay nagpapapansin sakin. Tapos ikaw pinansin ko na pero tinarayan mo lang ako?" Natatawang saad nya.

Tiningnan ko sya sa mata.

"Di ako katulad nila na nagkakagusto sa mukhang asong katulad mo." Simpleng sagot ko at kitang-kita ang pagkainis sa mata nya.

"Bitch!" Galit na sigaw nya saka umalis.

Tss. Wala ako sa mood makipaglandian kaya lahat ng lalaking lumalapit sakin ay tinatarayan ko.

Medyo nahihilo na ako. Kaya nagdesisyon na akong tumayo at maglakad palabas ng bar. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa kotse. At pumasok na ako sa loob ng kotse.

Isinandal ko muna ang katawan ko sa sandalan nitong kotse at ipinikit ko ang mata ko.

Nahihilo ako. Tsk.

"Kanina pa ako naghihintay sayo." Napamura ako ng wala sa oras ng may magsalita sa tabi ko.

Tiningnan ko kung sino yun. Buti na lang at may ilaw dito sa car.

Gwapo pero mukhang mayabang.

"Sino ka!" Sigaw ko sa kanya kahit masakit ang ulo ko.

"I will be your personal bodyguard." Sagot nya na ikinakunot ng noo ko.

"Ako ba ginagago mo?!" Sigaw ko.

"Watch your words young lady." Calm na sabi nya.

"No! Sino ka ba talaga ha!"

"Nasagot ko na yan kanina. I will be your personal bodyguard. For 5 months. At sisiguraduhin kong magtitino ka na after 5 months." Sabi nya at inilapit pa ang mukha nya sa mukha ko kaya napalayo ako.

"How?!"

"Your mom hired me." Simpleng sagot nya at saka inilayo ang mukha nya sa mukha ko.

"Tss." Yun nlng naitugon ko.

"So. Let's go. Umuwi na tayo." Sabi nya at lumabas ng kotse sabay bukas naman ng pinto sa side ko.

"Urong. Ako ang magdadrive."

Wala na akong nagawa kundi umurong. Nahihilo na kase talaga ako.

Magkatabi kami sa isang upuan. Di ko alam kung pano kami nagkasya . Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na ako.






Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon