Chapter 29

1.8K 49 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

Nandito ako ngayon sa coffee shop. Sinabi ko na ngayon kay Chie na hindi ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko. Kung may importanteng kelangan pirmahan or what ay dalhin na lang nya sa bahay ko. Yes! May sarili na akong bahay. Regalo sakin nina mommy at daddy nung pumayag na akong magsimula na patakbuhin ang business namin.

Nandito ako sa tabi ng glass wall dito sa coffee shop na malapit sa bahay ko. Dito ako lagi nagkakape. Angganda kase ng view sa labas pag nakaupo ako dito sa favorite part ko nitong coffee shop.

Nakatingin lang ako sa labas. Nakakawala ng stress ang view rito.

"Pwede ba kaming makiupo?" Napatingin ako sa nagtanong. At nanlaki ang mga mata ko.

"Kobie!! Tricia!!" Masayang bati ko.

Ngumiti sila sakin.

"Buti naman at natatandaan mo pa kami." Nakangiting sabi ni Tricia.

After nung graduation namin nung highschool ay hindi ko na sila nakita. Ang sabi lang nila ay mag-aaral sila ng college sa ibang bansa.

Umupo sila sa upuang katapat ng upuan ko.

"Malilimutan ko ba naman kayo?" Nakangiting sabi ko.

"So, kamusta na?" Tanong ko.

"Eto. Buntis ako ngayon. Nakakainis nga 'tong si Kobie! Inuna pa ang baby bago ang kasal. Pero magpapakasal na kami this September." Nakangiting sabi ni Tricia.

"Oh nice. Imbitado ba ako dyan?"

"Oo naman. Ikaw pa! Hinanap pa nga namin ang bahay mo para lang ibigay sayo tong invitation namin." Sabi ni Kobie at binigay sakin yung invitation card.

"Salamat. Sa hinaba-haba ng prusisyon sa simbahan parin pala ang tuloy nyong dalawa." Sabi ko.

"Nagpapasalamat nga ako kase kahit andami naming pinagdaanan nitong si Kobie ay naging matatag parin kami." Sabi naman ni Tricia.

"Eh ikaw Aliezha? Kamusta na? Balita ko bumalik na daw si Kevin." Sabi ni Kobie.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng lungkot.

"Yes. He's back. Pero hindi na sya yung Kevin na minahal ko years ago." Sabi ko at tumingin sa labas.

At tumulo na naman ang luha ko. Kelan ka ba mauubos tears?? Ayaw mo akong lubayan ehh!!

Lumapit sa tabi ko si Tricia at pinispis nya ang likod ko.

"Everything's going to be alright Aliezha." Sabi nya na lalo kong iniyak.

Buti na lang at wala masyadong tao ngayon sa coffee shop.

***

After naming magkuwentuhan nina Kobie at Tricia ay nagpaalam na sila kase madami pa daw silang aasikasuhin sa kasal nilang dalawa. August na kasi ngayon kaya naghahanda na sila.

At ako naman ay umuwi na ng bahay. Sinabi narin sakin ni Tricia na pink daw ang dapat isuot na dress. Kaya bibili ako ngayon sa SM ng masusuot ko.

Nagbihis na ako para pumunta sa malapit na SM. Bibili na ako para di na ako bibili kapag araw na ng kasal.

Pagkarating ko sa SM ay pinark ko na ang kotse ko at bumaba.

Pumasok na ako sa mall at dumiretso sa bilihan ng dress.

Habang pumipili ako ay parang may pamilyar na boses akong naririnig.

Sinilip ko kung sino yun.

Kevin and his girlfriend.

What a coincidence! Nagmadali na lang ako sa pagpili ng gusto kong damit at mabilis na pumunta ng counter.
Pero sa kasamaang palad ay nagkasabay pa kaming tatlo sa pagdating sa counter pero nauna ako.
Kaya ako ang unang inasikaso ng crew.

"Nandito rin pala ang ex-love mo Kevin." Parinig ni boobsie.

Di ako umimik.
Di rin naman umimik si Kevin.

"Eto na po ma'am." Sabi sakin nung babaeng nasa counter. Binigay ko ang bayad saka ako naglakad palayo.

***

Kanina pa ako nakauwi dito sa bahay pero wala akong ibang ginawa kundi ngumawa. WTH! Nubayan! Paulit-ulit ba namang pumapasok sa isip ko ang labi ni Kevin at ng babaeng malaki ang boobs na yon!! Yan tuloy pati yata ang puso ko ay umiiyak na rin.

Arrgh!! Naman!

Akala ko pa naman pagbalik nya ay babalik sya sakin para sabihing mahal parin nya ako kahit nasabi ko ang bagay na yon sa kanya dati. Antanga ko para umasa sa bagay na yon!

"Wahhhhhhhh!" Ngawa ko parin.

"Ansaket!!!!! Ng puso ko!!!" Sigaw ko. Anggulo na rin dito sa bahay.

Nag-aral pa naman akong magluto dati para pagbalik ni Kevin ay ipagluluto ko sya. Pero iba na pala ang magluluto sa kanya! Lintek kasi na boobsie yon! Bakit dumating pa sya sa buhay ni Kevin eh!!

Pasalamat yang babaeng yan dahil hindi ako killer dahil kung hindi! I will kill that bitch!! I swear!!! Pero di naman ako killer kaya ligtas sya. Tss.

I hate this feeling!

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon