Chapter 12

1.9K 45 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

Arrghh! Sakit ng ulo ko!
Kanina pa ako nakahawak sa sintido ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nubayan! Crush ko lang naman si Kevin pero nagpakalasing ako ng dahil dun? What the heck Aliezha! You're so stupid girl! Tsk.

Kanina parin ako nakahiga dito. Ansakit talaga ng ulo ko. May pasok pa naman ngayon. Arrgh!

Pinikit ko na lang muna ang mata ko.

"O inumin mo 'to." Napabalikwas ako ng may magsalita.

Kaya naman napahawak ako ng matindi sa ulo ko. Ansakit! Heck!

Tiningnan ko naman kung sino yung nagsalita. Si Kevin.

May inaabot sya saking gamot. Kinuha ko yun at dali-daling ininom.

Tapos nahiga muna ako at pinikit ko ang mata ko.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Kevin kahit nakapikit ako.

"5 am. Don't worry after 30 minutes ay mawawala din yang sakit ng ulo mo. Kaya makakapag-ayos ka pa para pumasok sa klase mo."

"Ok salamat." Tanging tugon ko lang.

"Welcome. Bakit ka nga pala naglasing? Yan tuloy masakit ang ulo mo ngaun." He said.

"Why do you care?" Sabi ko habang nakapikit parin.

"I cared because I am the one who cleaned the messed you've made yesterday. And FYI , I also changed your clothes yesterday." Sabi nya na nagpamulat ng mata ko.

Napabangon ako ng wala sa oras.
Buti na lang at konti na lang yung hilo ko.

"What!? Pinalitan mo ako ng damit?! But why?!" Sigaw ko.

"Kase binuhat kita papunta dito sa kwarto mo and then sinukahan mo ako tapos nalagyan ka rin. So, no choice kundi ang palitan kita." Nakangiting sabi nya.

"Ikaw!! How dare you! Pinagsamantalahan mo ako!"
Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"What? Hoy! Ikaw? Pagsasamantalahan ko? Dream on kitten! Dahil hindi naman maganda ang katawan mo. Tsaka wala man lang nakakaakit sayo." Disappoint na sabi nya. At umiling-iling pa ang gago!

Sinamaan ko sya ng tingin at binato ko yung unan ko sa mukha nya.

"Layas!!! Umalis ka dito sa unit ko! I hate you!!!" Sabi ko at natatawang umalis naman sya.

Arrghhh! Di ko alam kung bakit ako nagkacrush sa gagong yun!

***

"Kanina mo pa hindi sinasagot yung mga tanong ko. May problema ba?" Tanong sakin ni Kevin.

Inirapan ko lang sya. Nakasakay kami ngayon dito sa kotse at talagang hindi ko sinasagot bawat tanong nya.

Siguro mas kaakit-akit yung Heil na yun! I hate that girl!!!

Panay lang ang irap ko sa kanya sa bawat tatanungin nya ako.

Bahala ka dyan!

***

Nandito na kami sa school at dali-dali akong bumaba ng kotse at pumasok sa school. Hinabol naman nya ako.

"Aliezha! Ano ba!" Sabi nya at hinawakan ang braso ko.

"What?" Mataray na tanong ko.

"Bakit ba ganyan ka? Kinakausap kita kanina pa but you're not answering all of my questions! Para akong tangang salita ng salita!" Inis na sabi nya.

"Ginulo mo kasi ako! Pati feelings ko ginulo mo!" Sabi ko. Pero binulong ko yung salitang feelings.

"Ha? Di ko naintindihan yung isa mong sinabi." Kunot noong sabi nya.

"Wala! Okay? Wala!" Sabi ko at tumalikod na at naglakad papuntang room.

Buti na lang at hindi na sya sumunod pa.

Pagkarating ko sa room ay hinarang agad ako ni clown at ng dalawa nyang alalay. Bored ko syang tiningnan.
Lalabas na naman ang pagkabadgirl ko. *smirk*

"Hi. Ugly." Ngising sabi nya.

"Oh hello. Clown." Sabi ko naman at ngumiti.

Mukhang sya pa ang nainis.

Inirapan nya ako pero nginitian ko lang sya. Yung mapang-asar.

"Gusto mo ng laban ha!" Nanggigigil na sabi nya.

Inutusan nya yung dalawa nyang alalay na hawakan ako sa dalawang braso.

Pero sinipa ko yung tyan nung dalawa gamit ang killer heels ko. Kaya natumba sila.

Hoo! Walang kahirap-hirap.

Mga weak. Tumingin ako kay clown.

"Yan ba? Yan ang alalay mo? Eh mga weak naman." Sabi ko.

"Arrgh! Bitch!" Inis na sabi nya.

"Thanks." Sabi ko at ngumiti pa ako sa kanya.

Naglakad naman sya paalis ng classroom namin pati yung mga alalay nya ay sumunod. Tss.

Poker face akong pumasok sa classroom namin.

"What?" Bored na tanong ko sa mga kaklase kong nakatingin sakin. Agad naman silang nag-iwas ng tingin.
Umirap na lang ako.

Umupo na ako sa upuan ko at sakto namang dumating ang subject teacher namin.

You know what? Pede namang hindi na ako pumasok kase ipapamana rin naman sakin ang kumpanya pero laging sinasabi sakin ni Manang Rosie na pag may pinag-aralan ka ay may maipagmamalaki ka sa iba. Kaya naman nag-aaral parin ako.

***

Uwian na. Paglabas ko ng pintuan namin kanina ay nakaabang agad si Kevin sa pinto. Naglalakad na kami ngaun dito sa hallway.

"San mo natutunan yung mga ganung moves?" Kanina pa nyang tanong yan.

Dahil nakita pala nya ako kanina na sinipa ng mabilisan yung dalawnng hahawak sana sa kamay ko.

Inirapan ko sya.

"Di ka ba titigil?" Inis na tanong ko.

"Hindi. Unless sasagutin mo na yung tanong ko." At tinaas baba pa nya yung kilay nya.

"Okayfine! Nung bata ako ay pumunta kami ng America then nakilala ko dun yung tito ko sa side ni daddy na marunong pala sa iba't-ibang klase ng paglaban. So, nagpaturo ako." Sabi ko.

"Ow. Nice kaya pala marunong kang protektahan ang sarili mo." Sabi nya naman.

"Yeah." Tanging tugon ko na lang.

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now