Chapter 8

2.2K 68 2
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

Nakahiga parin ako ngayon sa kama ko. Nakatulala sa kawalan at ayaw bumangon ng aking katawan. Choss. Lalim nun.

Bumangon na ako sa higaan ko at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pambahay ay nahiga ulit ako sa kama. Friday ngayon and yet nandito parin ako sa kama ko.

Sobra akong inaantok kahit nakaligo na ako hindi parin nababawasan ang antok ko. Gosh! Nagising parin kasi ako ng madaling araw tapos 6 am na ulit ako nakatulog. Tapos nagising naman ako ngayong 8 am. Kaya antok na antok ako.

Ang start ng class namin ay 7 am. At late na ako kaya hindi na ako papasok. Pinikit ko ang mata ko at ipinatong ko ang braso ko sa mata kong nakapikit.

Hayst! Inaantok ako.

Humikab ako ng biglang may nagdoorbell ng sunod-sunod kaya napabalikwas ako ng bangon.

Nakapajama ako at nakat-shirt ako ngayon. Tamad akong tumayo at mabagal na naglakad papuntang pinto. Hindi parin tumitigil ang doorbell. Walanghiya naman!

Binuksan ko ang pinto at bumungad agad sa mukha ko ang mukha ni Kevin.
Bored ko syang tiningnan.

"What?" Naaantok na sabi ko. Napahikab pa ako.

"MyGod! Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Kanina pa ako naghihintay na lumabas ka. Tapos 8 na pala kaya nagdoorbell na ako. Okay ka lang ba???" Sunod-sunod na sabi ni Kevin.

"I'm okay doggie. Ayokong makipagtalo sayo ngayon. Inaantok pa ako. Bye." Sabi ko at tumalikod na ako at pumuntang sofa at natulog.

***

Angelo Kevin Gonzales POV

Di na ako nakapagsalita ng pumunta sya ng sofa at nakatulog agad. Ni hindi na nya nasarhan tong pinto nya.

Pumasok ako ng unit nya at sinarhan ang pinto. Babantayan ko muna sya.

Lumapit ako sa hinihigaan nya at naupo sa harapan nya.
Mukang antok na antok pa sya. Ano kayang ginawa nya kagabi at antok na antok sya ngayon?

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Mukha syang anghel na natutulog. Pag tiningnan mo sya ngayon ay hindi mo aakalain na palaaway sya. Na parang isa lang syang babaeng mahinhin. Napatawa ako ng konti.

Wala yata sa bokabularyo ng isang 'to ang salitang mahinhin.

Tumayo ako at tiningnan ko ang kusina nya. Tiningnan ko ang stocks nya. Balak ko sanang ipagluto sya kaso puro noodles ang stocks nya. Nubayan.

Lumabas muna ako sa unit nya pero iniwan kong nakabukas ang pinto para makapasok ulit ako. Naglolock kasi sya sa labas ng kusa. At hindi ko naman alam ang passcode ni Aliezha.

Dali-dali akong kumuha ng stocks ko sa kusina ko at bumalik agad sa unit ni Aliezha. Pagkapasok ko ay sinara ko na ulit ang pinto.

Pumunta ako sa kusina at nagsimulang magluto ng adobong manok.
Favorite ko 'to. Sana magustuhan nya ang luto ko.

Maya-maya ay naluto narin ang adobo. Pero tulog parin si Aliezha. Nagsaing na rin ako. Buti na lang at may stock sya na bigas. Naluto na rin ang kanin pero tulog parin ang prinsesa.

Tiningnan ko ang buong unit nya. At isa lang ang masasabi ko. Magulo. Sobra. Nubayan! Parang hindi babae ang may-ari nitong unit.

Nagpasya na lang akong maglinis.

Inuna ko ang sala. Medyo napagod ako dun ah. Kalat kase ng sala nya. Hindi ko na lang ginalaw yung sofa kase natutulog sya dun. Pagkatapos ko sa sala ay pumunta naman ako sa kwarto nya. And guess what? Kung magulo na sa sala. Sobra pa sa sobra ang gulo dito sa kwarto nya. Grabe.

Nagkalat yung mga damit nya. Mga pabango. Hayst.

Inayos ko yung mga gamit nya at isinalansan ng maayos. Yung mga maruruming damit ay inilagay ko sa basket at dinala ko sa labahan na nasa katabi ng kusina. Bumalik ulit ako sa kwarto at tiningnan ko naman ang mga damit nya na nasa cabinet. Ganun rin. Magulo.

Tiniklop ko ng maayos ang mga damit nya. Pagkatapos ay nilagay ko ng maayos sa cabinet nya. Tiniklop ko at inayos ko lahat. Pwera sa undies at brassiere nya. Syempre hindi ko pinakielamanan kahit nakita kong magulo rin. Baka kung ano pang isipin ni Aliezha.

Sunod ko namang inayos ang higaan nya. Pinalitan ko ang bedsheet nya. At punda ng unan. Pagkatapos ay nilagay ko sa marumihan at bumalik ulit sa kwarto nya. Sunod ko namang nilinis ang CR nya. Malinis naman kaya hindi ko na nilinis.

Bumalik ako sa higaan nya at humiga sa kama. Hays. Nakakapagod.

Bumangon ako at tumingin sa table nya. May picture frame na nakatalikod.

Kinuha ko at hinarap ko.

Batang babae at batang lalaki na magkaakbay at masaya sa park. Yan ang nasa picture.

Bumuntong hininga ako. At ibinalik ko ang picture frame sa table. This time ay hinarap ko na ito.

Humiga ulit ako sa kama at tumingin sa kisame. Antagal na pala.

Pinikit ko ang mata ko at nakatulog dahil sa pagod.

***

Aliezha Kie Mendoza POV

Nagmulat ako ng mata at bumangon dito sa sofa.

"Hmm." Unat ko.

Pagtingin ko sa sala ay nagulat ako sa linis. Sinong naglinis?

Pumunta ako sa kusina at ganun rin tapos may adobo sa lamesa. Wow. Nagutom ako bigla.

Kaya kumain na ako. Infairness masarap. Buti na lang at may kanin na rin.

Pagkatapos kong kumain ay dumighay talaga ako ng malakas. Hmm! Sarap nung adobo.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko.

Binuksan ko ang ilaw at muntik na akong mapasigaw. Si Kevin natutulog sa kama ko.

At nakita kong anlinis rin ng kwarto ko. Siguro sya ang gumawa lahat. Lumapit ako sa kanya at nakatagilid sya ng higa. Mukhang pagod na pagod sya. Humiga na lang ako sa tabi nya at pinagmasdan ang mukha nya.

Ambait lagi sakin nitong lalaking 'to. Hays.

Maya-maya ay dinalaw na ulit ako ng antok at nakatulog...

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora