Chapter 14

1.8K 52 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

2 weeks na ang nakakalipas ng mapag-usapan namin ni Kevin ang tungkol kay kuya Gelo. At sa loob ng 2 weeks ay parang nagbago ang pakikitungo sakin ni Kevin. Ewan ko ba.

Tapos minsan ay hindi na sya palaging nakabuntot sakin at lagi syang may kausap sa phone nya. One time tinanong ko sya kung bakit parang sobrang busy nya. Lagi nya lang sinasagot ay 'soon malalaman mo rin. Not now.' Yan lagi ang sagot nya kaya nagsawa narin akong magtanong.

Ngayon naman ay nandito ako sa condo. Mag-isa. Si Kevin naman ay may pinuntahan na importante DAW. Sabi nya.

Baka kay Heill yon pupunta. Tss. Siguro nga gf nya yon. Malapit narin ang pagtatapos ng 5 months contract nya sa pagbantay sakin.

Hays. Ewan ko pero nalulungkot ako sa isiping yon kase nasanay na akong na sa tabi ko sya sa oras na kelangan ko ng kausap.

Pero antagal ko rin namang naging mag-isa kaya siguradong hindi ako maninibago ng sobra.

***

Kanina pa ako naglilipat ng channel. Bored na bored na ako. Wala akong ibang magawa. Tiningnan ko ang wall clock. 1 pm pa lang. Tumayo ako mula sa sofa at dumiretso sa kwarto. Nagbihis ako ng t-shirt at nagjogging pants ako. Tapos nagsuot na rin ako ng jacket.

Andilim kasi sa labas kahit 1 pm pa lang. Uulan siguro. Kaya siguradong malamig.

Lumabas na ako sa unit at sumakay ng elevator .

Ting!

Lumabas na ako ng elevator at dumiretso sa parking. Pero hindi ako sasakay ng kotse.

Maglalakad ako papuntang park. Malapit lang naman kaya maglalakad na lang ako. Yung jacket ko ay may hood. Kaya naghood ako.

Gusto kong gumala ng hindi ako nakaayos. Gusto kong gumala ng simple lang ako.

***

Nandito na ako ngaun sa park.

Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito.

Anlakas na ng hangin. May bagyo yata. Pero trip ko lang talagang umupo dito at tumingin sa mga taong nakajacket din tulad ko. Trip kong tumingin sa kanila. Hays.

Wala akong kahit anong dinala sa pag-alis ko sa condo. Pati ang cellphone ko ay iniwan ko. Hindi rin ako nagdala ng payong. Wala lang. Trip ko eh. Walang may pake.

Tiningnan ko ang langit. Mukhang malapit ng bumagsak ang malakas na ulan. Pero heto ako. Walang payong. Tanging jacket lang na may hood ang nagcocover sakin.

Hanggang sa pumatak na nga ang ulan. Pero di parin ako umaalis sa aking kinauupuan. Nakatingin lang ako sa mga taong nagtatakbuhan dahil sa lakas ng ulan at dahil wala silang mga payong.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang pagpatak ng ulan mula sa ulo ko.

"Hey." Boses na nagpamulat sakin.

Tiningnan ko ang may-ari ng boses.

Lalaki. Di ko kilala.

"Why?" Tanong ko.

"Basang-basa ka na. Wala ka bang planong umuwi?" Sabi nya.

Tiningnan ko sya. Wala rin syang payong kaya basang-basa na rin sya. Parehas lang kaming nakahood na jacket. Pareho pang black.

Umupo sya sa tabi ko.

"Eh ikaw? Wala ka rin bang planong umuwi? Bago mo ako pagsabihan ay pagsabihan mo muna yang sarili mo." Pagtataray ko.

"Sa school nakikita kita." Sabi nya na hindi man lang pinansin ang pagtataray ko.

"And so?" Saka ko sya inirapan.

"Lagi mong kasama yung bodyguard mo. How come na hindi mo sya kabuntot ngayon." Parang hindi makapaniwalang sabi nya.

"Tss. Alam mo? Feeling close ka. Wag mo nga akong kausapin. Di naman kita kilala." Sabi ko naman.

"Hahaha. Cute mo. Lalo na pag nagtataray ka." Nakangiting sabi nya.

"Tsk. Di ako aso . okay?"

"Wala kang kasama?" Tanong nya.

"Meron."

"Nasaan?" Nakakunot ang noong sabi nya.

"Ikaw! Malamang katabi kita. Right? Tsaka kasama kita diba? Ngayon! Common sense naman. Jusme!" Naiiritang sabi ko.

"Ay. Oo nga pala. Hahaha." Natatawang sabi nya.

Napairap ako ng todo.

"I'm Aries Kobie Mendez. 18 yrs old. 4th year high school din katulad mo." Nakangiting pagpapakilala nya.

Gwapo sya. Yun lang ang masasabi ko.

"So? Wala akong pakialam sayo." Paismid na sagot ko.

Nagpout naman sya.

"Wag ka ngang magpout! Akala mo kinagwapo mo? Hindi kamo! Mukha kang aso!" Inis na sabi ko.

"Hahaha. Ganda mo talaga. By the way, hindi mo na rin naman kelangang magpakilala kase kilala ka na yata ng buong estudyante like me. Dahil dun sa pagkapanalo mo sa contest." Sabi naman nya.

"Yeah. Whatever." Tugon ko na lang.

"Di ka ba nilalamig?" Tanong nya.

"Hindi." Sagot ko.

Pero ang totoo ay kanina pa ako nilalamig dahil sa malakas na ulan na may kasama pang malakas na hangin.
Hays.

"Yung totoo?" Di makapaniwalang tanong nya.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Tsk. Umalis ka na nga. Panira 'to." Sabi ko.

"Hahaha. If I know kaya mo ako pinapaalis na ay dahil gusto mo ng umuwi kase nilalamig ka na. Pero ayaw mong iadmit kase mataas ang pride mo." Nang-aasar na sabi nya.

Sobra ko syang sinamaan ng tingin.

"Shut up!" Sabi ko at tumayo na ako.

Dire-diretso akong lumakad palayo sa walang modo at feeling close na lalaking yun.

"Aliezha! Nice to meet you! Sana makita kita bukas!" Pasigaw na sabi nya. Di ko na lang pinansin. Tss.

Sana hindi kita makita bukas. Tss.

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα