Chapter 10

2K 54 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

Sunday ngayon. Gusto ko sanang sumimba kaso siguradong susunod na naman sakin si Kevin.

Hayst. Dibale. Ano bang pakialam ko kung nandyan sya?

Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Pagkatapos ay maligo at magtoothbrush ay nagbihis na ako.

Bumaba na ako ng mini hagdan ko at binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay magdodoorbell palang si Kevin.

Nakabihis rin sya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Anong ginagawa mo sa harap ng unit ko?" Mataray na tanong ko.

"Ahm. Gusto ko lang sanang itanong kung gusto mong sumimba? Sisimba kasi ako." Sabi nya.

Inirapan ko sya.

"Sisimba ako ngayon." Sabi ko at sinarhan na ang pinto ko at nagtuloy-tuloy papuntang elevator.

Ting!

Lumabas na kami ng elevator ng walang imikan.

Dumiretso kami sa kotse at sumakay. Sya ang nagdrive.

***

Kakatapos lang ng misa at kumain muna kami sa restaurant na malapit.

Pagkakain namin ay umuwi narin kami.

"Aliezha? Pede bang dyan muna ako sa unit mo? Nakaklungkot kasing mag-isa." Sabi nya.

Tiningnan ko sya sa mata.

"No. Next time na lang." Sabi ko at pinagsarhan sya ng pinto.

***

•after 2 months•

Aliezha Kie Mendoza POV

2 months had passed pero walang pagbabago sa ugali ko. Nag-aaway parin kami ni Kevin. Walang araw na nagkakasundo kami.

Pero sya? Abnormal parin. Wala yatang araw na hindi nya ako inintindi. Kahit lagi ko syang inaaway.
Walang pagbabago. Inaaway ko sya lagi.

Pero sa feelings ko yata towards him ay may nagbago. Hindi ko alam kung ano. I don't want to admit it. I just don't want.

"Aliezha? Tara na." Tawag sakin ni Kevin. Pupunta kasi kami ng school this saturday kase may pageant at ako ang panlaban ng section bright. Tss. Hindi ko naman gustong sumali sa contest na ganun but pinilit ako ni Kevin. At hindi ko alam kung bakit hindi ko yun mahindian. Tss.

"K."

***

Nandito na kami sa school at inaayusan nila ako.

Una ang sports attire.
Nakavolleyball attire ako.

Nandito kami sa backstage. Malapit na akong tawagin. Pang lima kasi ako.

"Candidate of section bright! Ms. Aliezha Kie Mendoza!" Ako na.

Lumabas na ako mula sa backstage. At fierce ang looking ko.

Rumampa ako na walang ngiti. Maraming pumalakpak. Marami rin ang umirap. At nakilala ko yung isang girl . yung clown. *smirk*

Galit yan sakin kase hindi sya ang napili para sa pageant na to. Poor girl.

"Okay candidates. Pede na kayong pumunta sa backstage at maghanda para sa summer outfit." Sabi nung host.

Bumalik na ako sa backstage at inayusan agad nila ako.

Nakamaikling shorts ako na kita talaga ang hita ko at nakasando na red. Tumingin ako sa salamin na pang whole body at napangisi. Sexy ko.

"Candidate number 5."

Lumabas na ako at rumampa. Andaming sumigaw nung lumbas ako. Puro kalalakihan. Yeah.

Ng mahagip ko ng mata ko si Kevin na ansama ng tingin dun sa mga lalaking sumisigaw. Problema nya?

Di ko na lang pinansin at tinapos ko ang rampa.

Sumunod naman ay ang gown. At inaasahan ko na talagang maraming sisigaw sakin.

At sa huli? Ako ang nanalo.

Andaming nagsabi ng congrats sakin. Tinatanguan ko lang naman sila.

Nandito na kami sa park ng biglang lumapit sakin si clown girl.

Nagcrossarms sya sa harapan ko.

"Siguro masaya ka na ngayon kase sumikat ka na?" May halong selos sa boses nya.

Nagsmirk ako.

"Oo nga eh. Sobrang saya ko. Pero alam mo? Inaasahan ko na talagang mananalo ako kase ganda at kasexyhan ang labanan. Kaya siguradong panalo na ako." Ngising sabi ko.

Hindi naman nangingialam si Kevin dahil nasa rules ko yun.
Nakatingin lang sya samin.

"Angyabang mo naman. Eh di hamak na mas maganda at mas sexy ako kesa sayo." Sabi nya.

Tiningnan ko ang mukha nya hanggang paa.

At tumawa ako ng malakas. At napaluha pa ako dahil sa pagtawa ko.

"Bakit ka tumatawa?!" Inis na tanong nya.

"You're funny." Sabi ko at tumawa ulit.

Sasampalin na sana nya ako ng pigilan sya ni Kevin.

Tiningnan ko si Kevin at ansama ng tingin nya kay clown.

"Don't you dare." Madiing banta ni Kevin.

Napatigil ako sa pagtawa. Seryoso ni Kevin.

Natakot naman yung clown at inalis ng kamay ni Kevin at tumakbo. Muntik pang madapa. Tss.

Hinila na ako ni Kevin at sinakay sa kotse.

Habang nagdadrive sya ay kinausap nya ako.

"Hindi mo sinabi sakin na may summer outfit pala!" Inis na sabi nya.

"Malamang meron."

"Andami mong pinakitang balat doon!" Iritang dugtong pa nya.

Tiningnan ko sya.

"What is your problem?" Kunot-noong tanong ko.

"Nothing!!" Sigaw naman nya.

"Nothing? Pero sumisigaw ka!!" Sigaw ko rin.

"Tss. Ewan ko sayo." Sabi naman nya.

"Ewan ko din sayo!" Galit na sabi ko.

Hanggang makarating kami sa unit namin ay walang pansinan.

Hanggang sa natulog na ako. Tss

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now