Chapter 6

2.5K 64 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

"Hmmm." Unat ko agad pagkagising ko.
Tiningnan ko ang glass window ko. Maganda ang panahon.

Nakangiti akong bumangon ng kama ko at dumiretso sa banyo. Naligo , nagtoothbrush , nagbihis and tadahh! I'm done.

Bumaba na ako ng mababa na hagdan dito sa unit ko. Nakangiti parin ako dahil maganda ang gising ko.

Dumiretso agad ako sa kusina at nagluto ng noodles. Yun lang ang stock ko and hindi rin naman ako marunong magluto ng kahit ano.

Pasayaw sayaw pa ako habang nagluluto sa kusina ko ng noodles.
After kong maluto ay kumain na ako. At nagtoothbrush ulit then naglakad na ako papuntang pinto.

Binuksan ko ito ng nakangiti parin.

Pero agad akong napasimangot dahil sa bumungad na tao sa pinto ko.

"What are you doing outside my unit?" Nakataas ang kilay na tanong ko kay Kevin. At tulad nga ng inaasahan ay ngumiti lang ang abnormal na lalaking 'to.

"Wag mo akong ngitian abnormal! Tinatanong kita! Agang-aga naninira ka ng araw!" Sigaw ko sa kanya.

"Agang-aga rin ay highblood ka agad." Sabi nya at tumawa ng kaunti.

"May nakakatawa ba?! Arrgh! Panira ka ng araw!" Sabi ko at lumabas na ako ng unit ko at dire-diretsong naglakad papuntang elevator. Nasa 9th floor kase ang unit namin.

Pagpasok ko ng elevator ay syang sakay rin nya. Inirapan ko lang sya. Habang ngiting-ngiti parin! Gosh! Nakakasira ng mood ang lintek na lalaking 'to!

Ting!

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako at as usual nakasunod parin sakin ang aso ko. Yeah. Aso ko sya. Palagi kase syang nakabuntot sakin. Tss.

Pumara na ako ng taxi at sinabi ang name ng school ko.

Mamaya ay bibili ako ng car. Para di na ako magcommute.
I told yah. Marami akong pera. Haha.

At syempre kasama ko parin ang aso ko. Tsk.

Pagkatigil sa school ay nagbayad na ako at bumaba. Bumaba narin naman ang aso ko.

"Hey doggie. May rules ako sayo." Tawag ko kay Kevin.

Kumunot ang noo nya.

"Doggie?" Tanong nya.

"Yeah. Aso kita. Tutal lagi ka namang nakabuntot sakin." Simpleng sagot ko lang.

Ngumiti naman sya na kinairita ko.

"Anong meron at ngumingiti ka dyan! Abnormal ka ba talaga ha! Iniinsulto ka na nga ay masaya ka pa! Alien! Buwisit!" Inis na saad ko.

"Wala lang. Tatawagin naman kitang kitten. My little kitten." Nakangiting sabi nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. Yung tipong gusto ko na syang barilin gamit lang ang mata ko.

"Subukan mo lang na tawagin ako ng ganyan! Sasapakin talaga kita!" Sigaw ko.

Napansin ko lang kanina pa ako sumisigaw dahil sa abnormal na lalaking 'to. Tss.

"Na ah. Kitten." Ngising sabi nya.

Simaan ko sya ng tingin at sinuntok ko sya.

Yes! Sinuntok ko talaga sya sa pisngi nya.

Ngumisi ako ng napahawak sya sa pisngi nya na namumula na.

"You're such a bad girl!" Inis na sabi nya.

"Well. Thank you." Ngisi ko.

"Arrghh!" Daing nya lang dahil sa sakit.

Lumakad na lang ako papasok ng school at maangas na naglakad. Wampake.

Nakalimutan ko nga palang ipaalam sa kanya ang rules. Tss. Mamaya na lang.

***

"Bakit di ka pa naeexpell?!" Sabi agad nung nakaaway kong clown dito sa room.

"Eh ikaw? Bakit clown ka pa rin?" Bored na sabi ko.

"What!"

Bored kong dinako ang mata ko sa kanya.

"Di mo ba alam na mukha ka ng clown dahil dyan sa mukha mong punong-puno ng kung anong colors? Try mong maglagay ng light makeup. Baka gumanda ka." Ngising sabi ko.

"Maganda ako! Dahil may makeup ako na madami! Palibhasa inggit ka lang kase sobrang light nyang makeup mo! At hindi karin maganda!" Sigaw nya.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Ako! Hindi maganda?!

Tumayo ako at nilapitan sya. Mas matangkad ako sa kanya kahit nakatakong din sya.

Linapit ko yung mukha ko sa kanya.

"Ang ayoko sa lahat ay yung sinasabihan ako na hindi ako maganda! Ok lang sana kung.." Tumigil ako saglit at lumayo ng konti saka ko sya tiningnan mula ulo mukhang paa.

"Kung maganda ka eh. Kaso yang mukha mo ay hindi ko makitaan ng kahit katiting na ganda kahit saang banda." Nagkunwaring nadisappoint ako at umiling-iling.

"How dare you!" Sigaw nya na naman.

"You know what? Sigaw ka ng sigaw. Nakakarindi." Ngiwing sabi ko at bumalik na ako sa upuan ko.

Tahimik naman ang mga classmates namin. Buti naman at ayoko ng maingay.

Pero si clown ay lumapit pa sakin at sinabunutan ako.

"Maganda ako! Hindi ako pangit! Sino ka para sabihing pangit ako! Maganda ako!!!" Paulit-ulit na sabi nya. Baliw.

Hinawakan ko ang dalawang kamay nya ng mahigpit at nabitawan nya ako dahil masakit ang pagkakahawak ko.

Tumayo ako at tiningnan sya. Ng matalim.

"Ang pinaka ayoko sa lahat ay may ibang hahawak at hihigit ng buhok ko!" Sabi ko at sinampal ko sya sa dalawang pisngi.

"Don't you dare mess with me." Madiing sabi ko.

Kita ko namang natakot sya at dali-daling lumabas . Nabangga pa nya yung teacher namin sa may pinto.

"Anong nangyari dun?" Tanong ng teacher namin.

Nagpatay malisya ako at naupo. Hindi rin naman umimik ang classmates ko. Nagkibit balikat na lang yung teacher namin at nagsimulang maglesson.

What a great day! Tss.

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now