Chapter 21

1.6K 44 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

Nakahiga parin ako ngayon dito sa kama ko. Ayokong pumasok kaya di parin ako bumabangon kahit 6:30 na ng umaga.

Iniisip ko si Kevin. Pumayat talaga sya eh. Ano kayang nangyari?
Bakit sya pumayat? Aish! Nakakastress naman mag-isip.

Naputol ang pag-iisip ko ng may kumatok sa pinto ko dito sa kwarto. Tumingin ako sa pinto at saka bumangon.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad yung mukha ni Kobie.

"O panong-- ay oo nga pala." Sabi ko. Sasabihin ko sana kung pano sya nakapasok sa unit ko. Eh binigay ko nga pala yung passcode ko.

Aish! Pati yun nakalimutan ko? Dahil sa kakaisip ko kay Kevin. Kagabi di rin ako nakatulog ng maayos. Ala una na ako nakatulog. Hays.

"Huy! Tulala ka na naman." Sabi sakin ni Kobie. Di ko sya pinansin at dumiretso sa kama at nahiga ulit ako.

Nakatulala lang ako sa kisame.

"Aliezha? Anong nangyari sayo? Anlaki ng eyebags mo. Wow!" Sabi nya at tumawa pa ang abnormal.

"Walanghiya! Ako ba binubwisit mo!?" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi. Hahaha. By the way, papasok ka ba?" Sabi nya.

"Hindi. Inaantok ako." Sabi ko at nagtakip ng unan sa mukha.

"Ano bang nangyare? Para kang zombie eh. Halatang walang tulog." Sabi nya.

Inalis ko yung unan sa mukha ko at tiningnan sya.

"Kase nagkita kami kahapon ni Kevin." Sabi ko at tumingin sa kisame.

"And? Bakit? Para namang kahapon mo lang sya nakita. O.A mo naman." Sabi nya.

"Hindi kase yun ang iniisip ko."

"Eh ano?" Tanong nya.

"Eh kase pumayat sya. Hindi naman ganun ang katawan nya dati." Sabi ko naman.

Napatingin ulit ako kay Kobie ng hindi sya umimik.

"Why? May problema ba?" Kunot noong tanong ko.

"Ahm. W-wala wala.hehe." awkward na sabi nya.

"Kobie? May tinatago ka ba sakin?" Tanong ko naman.

"Wala. Ano namang itatago ko sayo?" Sabi naman nya.

"Ah. Para kaseng may alam ka eh." Sabi ko.

"Tss. Wala kaya. Wag ka ngang mambintang!" Parang batang sabi nya.

Inirapan ko lang sya at tumingin ulit sa kisame.

"Nakakapanibago kase. Last time I saw him ay hindi naman ganon ang katawan nya. Parang anlaki ng binagsak ng katawan nya." Seryosong sabi ko.

"Baka naman. Nagpapapayat sya." Sabi naman ni Kobie.

"Ewan ko." Sabi ko na lang.

***

At dahil napakadrama ko daw sabi ni Kobie ay niyaya nya akong magmall.

At ngayon ay nandito kami sa mall. Naglalakad kami. Hanggang sa tumigil sya sa isang store.

Tiningnan ko kung anong store. Jewelry store..

Naalala ko yung kwintas na binili ko para kay Kevin. Hindi ko na naibigay sa kanya dahil nag-away kami nung time na yun hanggang sa nakalimutan ko na.
Dibale bibigay ko na lang sa kanya pag nagkita kami.

"Aliezha!" Tawag sakin ni Kobie.

"O?"

"Tara." Sabi nya at pumasok kami sa loob.

Namili sya ng namili.

"Aliezha. Sa tingin mo maganda ba 'to?" Tanong nya.

"Oo." Sabi ko. Maganda naman talaga.

Ngumiti naman sya habang tinitingnan yung kwintas.

"Para kanino ba yan?" Tanong ko.

"Ah para kay Trisha." Sabi nya ng nakangiti.

"Trisha?" Kunot noong tanong ko.

"Oo. Yung classmate natin na napalabas ng classroom. Yung tumingin sayo ng masama. Hehe. Pagpasensyahan mo na lang yon." Sabi nya.

Lumaki ang mata ko.

"Gusto mo yung clown na yun?!" Gulat na tanong ko.

"Clown?" Takang tanong nya.

"Oo. Clown. Kase angkapal ng makeup nya." Sabi ko naman.

"Hays. Akala nya kase maaagaw ako ng iba kaya umabot sya sa point na naglagay na sya ng makeup. Di naman sya ganun dati. Akala tuloy ng iba ay malandi sya." Sabi naman ni Kobie.

"Gusto mo bang bumalik sya sa dati?" Tanong ko.

"Oo." Sabi naman nya.

"Ok. I'll help you." Sabi ko.

"Pano?"

"Basta." Sabi ko.

At pagkabili nya nun ay dumiretso kami sa jollibee.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. At dahil makapal ang mukha nya ay dun na naman sya tutulog sa condo ko.

Kevin..

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now