Chapter 24

1.6K 48 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

Hanggang ngayon ay nandito parin ako sa hospital. Di pa ako umuuwi hanggang ngayon. Di parin gumigising si Kevin. Kanina ko pa hawak ang kamay nya. Tapos nakatulog na ako kanina dahil napagod ako sa pag-iyak.
At ngayon na lang ulit ako naggising.

Nakatingin lang ako sa mukha ni Kevin.

"Kevin? Bakit? Bakit di mo sinabi sakin? Bat di mo sinabing maysakit ka?" Humihikbi na sabi ko. Sana kahit natutulog sya ay marinig nya parin ako.

"Aliezha. Kumain ka muna." Pinunasan ko ang luha ko at tumingin kay Tricia.

"Wala akong gana."

"Aliezha sa tingin mo ba ay matutuwa si Kevin pag nalaman nyang di ka kumakain ng tama sa oras? Baka bigla yang bumangon dyan at pagalitan ka." Sabi nya at nagbiro.

"Sana nga. Sana nga bumangon sya dyan at pagalitan ako. Sana nga gumising na sya dyan." Sabi ko at pumatak na naman ang luha ko.

"Aliezha. Hindi pedeng hindi ka kakain. Pano mo maaalagaan si Kevin kung sarili mo naman ay di mo maalagaan?" Sabi ni Tricia.

Sabagay naman ay tama sya.

"Tama ka. Kelangan kong maging malakas para kay Kevin." Sabi ko at kinuha na yung pagkaing dala nya at kinain ko ito.

***

Pagkatapos kong kumain ay umupo ulit ako sa tabi ni Kevin.

"Kevin. Kelangan ka ba magigising? Huy! Aba! Pang 2 days na ako dito sa hospital. Di pa nga ako naliligo eh. Nubayan! Liligo na nga ako mamaya. Buti na lang at private tong kinuha nyo. Malamang mayaman ka nga pala. Hahaha. Teka? Bakit parang kahapon ka pa hindi dinadalaw ng mama at papa mo? Busy ba sila? Pero siguro dadalaw sila mamayang hapon. 12 palang naman ng tanghali eh. O sige sandali lang Kevin ha? Liligo lang ako. Buti na lang at ibinili ako ni Tricia ng susuotin ko. Mabait naman pala ang isang yon. Hahaha." Mahabang sabi ko sa natutulog na si Kevin at tumayo na ako.

Tapos naligo na ako. After a one hour ay saka ako natapos maligo.

Sa comfort room na ako nagbihis at nag-ayos. May salamin narin kase sa loob.

Paglabas ko ay nakita ko agad ang nakasimangot na mukha ni Tricia.

"O bakit?" Kunot noong tanong ko.

"Nakaisang oras ka lang naman sa Cr." Inis na sagot nya.

"Ow. Hehe. Sorry." Sabi ko na lang.

Nang-irap muna sya bago pumasok sa Cr. Taray ha. Sarap nyang sapakin! Tss.

Lumapit na ulit ako kay Kevin at naupo sa tabi nya.

"Di pa ba dadalaw ang magulang ni Kevin?" Tanong ko kay Kobie.

"Mamaya sila pupunta dito. Inayos muna nila lahat bago nila bantayan si Kev." Sagot naman nya.

Tumango na lang ako.

"Oy! Kevin! Gising na dyan! Kow. Napakatamad eh." Biro ko sa tulog na si Kevin.

Napabuntong hininga na lang ako dahil natutulog parin sya.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Kobie?" Tawag ko kay Kobie.

"Hmm?" Tugon nya.

"Bakit pangalawang araw ng tulog si Kevin?" Tanong ko.

"Yun daw ang kelangan eh sabi ng mga doctor. Kelangan nya ng mahabang pahinga." Sagot nya.

"Pero kelan daw sya magigising?"

"I have no idea." Sagot nya.

Di na lang ako nagsalita.

Nakahawak lang ako sa kamay ni Kevin habang nakatingin sa mukha nya. Gwapo parin kahit pumayat.

Napatingin ako sa kamay nya ng bigla itong gumalaw at kasabay nun ang pagmulat ng mga mata nya.

"Kevin?!" Masayang sabi ko.

"Kobie!! Gising na si Kevin!" Sabi ko naman kay Kobie.

Agad namang lumapit si Kobie.

"Oh hi bro! Gising ka na pala." Normal lang na bati ni Kobie.

"Ano ka ba!? Dapat tumawag ka ng doctor!" Tarantang sabi ko.

"No need. Ganyan talaga ang nangyayare." Sabi lang ni Kobie.

Sinamaan ko sya ng tingin. At tatayo na sana para tawagin ang doctor ng biglang hawakan ng medyo mahigpit ni Kevin ang kamay ko.
Napatingin ako sa kanya.

"Kevin." Mahinang sabi ko sa pangalan nya.

Tipid syang ngumiti.

"Stay please." Dalawang salitang sabi nya na nakapag-paupo ulit sakin.

"Gusto mo ba ng fruits?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya na lang. Gusto ko lang ay ang titigan ang mukha mo. Para pag nawala na ako ay lagi kong maaalala ang maganda mong mukha." Sabi nya at ngumiti.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"I hate you! Di ka mawawala okay!? Hindi yung mangyayare!" Sermon ko sa kanya.

Ngumiti lang sya pero hindi abot hanggang mata nya.

"Pero pano kung Diyos na ang magdesisyon Aliezha? Wala tayong magagawa kapag Siya na ang humusga." Sabi nya na nakapagpaluha na naman sakin.

"No. Hindi yan mangyayare." Sabi ko habang umiiyak.

Naghalfsmile lang sya at saka nya pinunasan ang mga luhang pumatak galing sa mata ko.

No Kevin. That won't happen. Please God. Please.

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now