Chapter 16

1.8K 46 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

Kanina pa ako nakahiga dito sa kama. Wala akong lakas para bumangon. Hanggang ngaun kase ay may lagnat parin ako. Hindi gumana yung gamot. Ang dami ko namang naitulog na simula kagabi but still parang walang nagbago.

No choice pero aabsent ulit ako ngayon. Sigurado namang walang pakialam ang mga teachers. Siguro nga ay matutuwa pa sila dahil wala ako. Tss.

Pangalawang araw na ngayon na aabsent ako.

Napatingin ako sa may pinto ng bumukas ito. Si Kevin.

"Ayos ka na ba?" Tanong nya.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Hey. Aliezha. Are you okay?" Ulit nya.

Di ko ulit sya pinansin at pinikit ko ang mata ko.

Narinig ko ang paglalakad nya palapit sakin.

Tapos hinawakan nya ang noo ko. Hindi ako nagreak.

"May lagnat ka parin. Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?" Tanong nya.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

"No. I can handle this." Mahinang sabi ko.

"Pero ang taas parin ng lagnat mo. Ikaw lang din naman ang mahihirapan kung hindi ka magpapadala sa hospital." Concern na sabi nya.

"Wag kang mangialam. Besides, hinihiling ko na nga na sana ay lumala 'to tapos mamatay na lang ako." Cold na sabi ko.

"Aliezha! Are you out of your mind!? Gusto mong mamatay na? Sa tingin mo ba tama yang mga hinihiling mo!?" Galit na sabi nya.

"Baket? Wag ka ngang umakto na parang may concern ka talaga sakin. Kase alam ko namang wala. Alam ko namang lahat ng taong nakakasalamuha ko o nandito sa mundo ay walang pakialam saken. Even my parents , they don't care about me." Mapait na sabi ko.

"Aliezha. Sarado lang kase yang isip mo para tanggapin na mahalaga ka samin. Na concern kami sayo." Sabi naman nya.

Mapait akong napatawa.

"No. I don't believe you. You know what? Just leave me alone. Wag mo ng pakialaman ang buhay ko. Hindi mo kailangang magkunwari sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Tama ka naman eh. I'm a bitch. And a bitch don't deserve to be loved." Sabi ko.

"Aliezha. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko sayo." Seryosong sabi nya.

"No. I understand. Kevin. Just leave me alone please. I don't care." Sabi ko at tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya.

Maya-maya ay narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Tiningnan ko kung umalis na talaga sya. And yes , umalis na sya. Iniwan nya na ako.

Tumihaya ako at dun pumatak ang luha ko.

Hanggang kelan ako ganito? Hanggang kelan ako sasaktan ng mga taong mahal ko? Ng mga taong gusto ko sa buhay ko? Pare-pareho lang naman sila. They will enter my life then after some time. Mahihirapan na sila kaya susuko na. Ganyan lagi. Like kuya Gelo. Iniwan nya ako. At hindi na bumalik.

Masaket. Pero anong magagawa ko? Wala. Wala akong magagawa. Kundi tanggapin na lang ang katotohanang walang taong may plano na magstay sa buhay ko. At tanggapin kung ano ako.

Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko.
May mga hikbing tumatakas sa labi ko.

Anghirap pag ganito. Yung tipong pinapakita mo sa kanila na matapang at malakas ka pero hindi nila alam? Deep inside . Gusto mo na lang maglaho na parang isang bula.

"I hate this life." Bulong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ang wall clock. 10 AM na pala.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo kahit nanghihina at nahihilo ako. Kahit nilalamig ay nagdesisyon akong maligo. Baka mabawasan ang init ko.

***

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba ako para magpunta sa sala at manood. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero hindi na tulad kanina.

Nanood na lang ako ng T.V .

Lumipas ang mga oras na ganon lang ang ginawa ko.

Pagtingin ko sa wallclock ay 12 na ng tanghali. Magluluto na ako ng noodles.

Tumayo na ako ng may nagdoorbell.

Pumunta muna ako sa may pinto at binuksan ang pinto. Napakunot agad ang noo ko ng makita kung sino ang taong nakangiti sakin ngayon.

"Hi." Nakangiting bati nya.

"What are you doing here Kobie? Tsaka panong nalaman mo ang condo unit ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm. May nagsabi sakin at inutusan akong dalhin 'to para sayo." Nakangiting tugon nya.

Tapos bigla-bigla na lang syang pumasok sa loob ng unit ko.

Tapos umupo sya sa sofa ko. Wow! Feel at home.

"Sinong nagsabing pumasok ka sa unit ko?" Mataray na tanong ko.

"Wala. Pero dinalhan kita ng pagkain kaya marapat lang na patuluyin mo ako." Nakangiting sagot nya.

"Tss. Ewan ko sayo." Sabi ko at kinuha ang dala nya saka ko dinala sa kusina.

Pagdating ko sa kusina at kumain.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta sa sala at nakita kong nanonood sya ng T.V. Tumabi ako sa kanya.

"Sinong nag-utos sayo?" Tanong ko.

"Sikreto." Sabi nya at tumayo saka dire-diretsong pumunta sa pinto saka binuksan.

Tumingin sya sakin.

"Byeee." Sabi nya at lumabas na.

Abnormal nun.

Sino kayang nag-utos kay Kobie?

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now